Hannah's POVMatapos ang klase ko, umuwi na kami syempre kasama ko ang mga Kuya ko.
Pagdating namin agad nilang binalita kina Mama at Papa.
"Mama... Papa..!!" Sigaw naming lima.
"O andito na pala kayo!" Sabi ni Mama.
"Ma, may sasabihin ako sayo!" Sabi ni Kuya Harry.
"Ano yun may bagong chiks ka na naman?" Nakangising sabi ni Mama.
"Mama naman. Ganun na po ba talaga ang tingin niyo sakin kapag may balita ako?" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Kuya Harry, sabay punas ng imagenary luha niya.
"Ano ba kasi balita niyo?" Tanong ni Papa na nagpipigil ng tawa.
"Kasi po Pa. Kasali si Hannah sa Ms. Foundation Day namin 2 weeks from now!" Sabi ni Kuya Hanry.
"Is That true baby?" Tanong ni Mama. Tumango naman ako.
"We need you to have a make over!" Sabi ni Papa.
"Bakit pangit ba ako?" Tanong ko.
"Oo sobrang pangit" sabi ni Kuya Harvey. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"No Baby. Pero kailangan nating ipa-level up ang ganda mo" sabi ni Mama.
"Ang ibig mong sabihin Ma. Ilevel up ang kapangitan niya" sabi ni Kuya Harold. "Atsaka, wala kang panama sa Star Section representative, si Autumn" sabi pa ni Kuya Harold.
"Tumahimik nga kayong apat.!"sabi ni Papa.
"Sorry po Papa" O diba ang galang basta andyan sina Papa at Mama.
"Hannah. Baby this saturday punta tayo sa salon ng kaibigan ko okay?" Sabi ni Mama.
"Okay Ma" matamlay kong sagot.
****
Andito ako ngayon sa school. Gumagawa ako ng report ko about sa Philippine Archipelago.
I scan my book para sa informations about the Philippine Archipelago. Busy ako kakagawa noon ng may tumabi sakin.
"Busy ka ata Hannah ah?" Tanong niya.
"Ah oo kailangan ko kasi siyang tapusin at ipass sa History class ko eh!" Sabi ko. Teka, sino ba tong kausap ko?
*tingin* Si Ivan?
"O Ivan anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.
"Wala. Gusto lang kita samahan. Masama ba?" Tanong niya.
"Hindi naman. Sige tuloy ko na tong ginagawa ko!" Sabi ko. Tumango naman siya.
"Balita ko. Ikaw raw ang Representative ng Section 7?" Tanong niya.
"Saan mo naman yan nahagip ha! Ikaw chismoso!" Sabi ko sabay tawa.
"Hoy Hannah! Kalat kaya s buong eskwelahan na ikaw ang representative ng Section 7!"
"Ah ganun ba?"
"Oo ganun yun!" Sabi niya. Tapos tumawa kami.
"Sino naman pala ang representative ng klase niyo?" Tanong ko.
"Si Cindy Millers!" Sabi niya. Cindy? Di ko yata yan kilala.
Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko. At sakto natapos ako sa ginagawa ko eh nagbell na rin.
"Hatid na kita sa classroom mo Hannah!" Sabi niya.
"O sige!" Gracia na yan. Tatanggihan pa.
****
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's SISTER?! (Sanders Series 2) - MAJOR REVISION
RomanceSabi nila swerte daw ako. Wanna know why? Simple, dahil ako lang naman ang kaisa-isang kapatid na babae ng mga tinaguriang Campus Bad Boys.. Mayayabang, Mayayaman, Mapang-asar, Womanizer, Playboy at syempre gwapo... Iba't - iba ang ugali nila. Yung...