Mika's POV
Kanina pa kami nakatingin sa labas. We were actually waiting for the boys. Halos umusok na nga ang ilong ni Elle at Harold.
"May plano ba silang pumasok?" Asik ni Elle. "Aba ang ganda ng usapan nila ah?" Sarkastikong komento ni Divine na masama ang tingin sa labas. The boys are busy chit-chatting to a girl. Okay, she has the beauty. They were so into talking like they have their own world. Pinalilibutan siya nina Hanry. At aba? Pinaka-attentive si Hanry ah.
"Who is she, anyway?" Tanong ni Kaith. Kaming anim ay nagkibit-balikat lang. No one has an idea who is she. Biglang lumapit si Jace sa amin. Napansin siguro niya ang kakaibang tingin namin-- este nila sa labas kaya nakiusyoso rin.
"O? Nagkita na pala sila ni Tala." Tanging usal niya habang nakangisi. "Sino yan?" Tanong ni Elle. "Tala Ashreed, kapitbahay namin. Nagbakasyon lang rin yan dito. She lives in the Philippines. Siya ang childhood friend nina Harvey." Tumaas ang kilay ko. Kababata pala? "Kababata nila yan? Eh di ko yata kilala?" Tanong ni Hannah. "You're probably in Las Vegas that time Hannah. You stayed there for years kaya ka mailap..."
"Oo nga naman..." Nakayukong sabi ni Hannah. "Kababata pala..." Rinig kong sabi ni Zoe. "Hindi halatang miss nila ang isa't-isa..." Hindi ko napigilang magkomento. Sarkastiko yun, basahin niyo ulit. Hahahha. "Pero, if she stayed in the Philippines. Bakit hindi sila nagkita nina Harry?" Tanong ni Elle.
"I don't know. She studied in Montreal High. Yun lang alam ko." Sagot ni Jace. Lumabas si Jace at sumali sa kanila. "Oi Jace..." Bati ni Hanry. Tuwang-tuwa ang loka. "Labasin nga natin yan..." Iritading sambit ni Divine. Mahirap pagselosin este galitin ang matalino. Maraming alam yan. Padarag na binuksan ni Andrea ang pintuan. Nagalit na rin, crush kaya niya si Mike. Nakatayo kami doon for like eternity. At letse! Di man lang kami napansin?
Bakit ba ako galit? Anyway...
"Wala ba kayong balak ipakilala kami, hmmm?" Sabat ko sa masayang usapan nila. Mabilis na tumingin sina Hanry sa amin. "Divine..." Tawag ni Harold kay Divine. First name basis sila eh. Pahirapan yan Harold. Mahirap suyuin yang babaeng yan. Hahaha. Lumapit si Harry kay Elle at pinulupot ang kamay nuto sa beywang ni Elle. "Elle ko..."
"Tigilan mo ako Harry. Galit ako kaya pwede ba..." Mataray na sambit ni Elle. "Ah girls... Ito nga pala si Tala. Tala Ashreed. Childhood bestfriend namin. Tala, ito nga pala mga kaibigan namin." Pakilala ni Harvey.
"Hi ate Tala! I'm Hannah. Kapatid po nila Kuya Harvey..." Unang nagpakilala si Hannah. Nanlaki ang mata nung Tala. "Ikaw yun sister nila? Ang ganda mo!" Nilapitan niya si Hannah at niyakap. "I'm Andrea ate Tala.."
"Hi, I'm Kaith..."
"Hi! I'm Zoe... Ang ganda mo..." Bati ni Zoe na may kasamang compliment. "Oo maganda siya panget! Di katulad mo..." Hiniritan na naman siya ni Harvey. Umirap lang sakanya si Zoe atsaka tumingin kay Tala.
Inakbayan ako ni Hanry at ngumisi. "Si Mika nga pala, Tala..." Pakilala niya sa akin. "Pwede ba! Kaya kong ipakilala ang sarili ko." Mataray kong sambit. "Girlfriend mo Hanry?" Tanong ni Tala. "Hindi no! Walang plano..." Ang weird, pero nasaktan ako sa sinabi ni Kapre. Ngumiti ako ng pait kay Tala. "Hindi Tala noh..."
"Tala.. Ito nga pala si Divine----" ngunit pinutol ni Divine ang pagpapakilala ni Harold sakanya. "---Girlfriend ni Harold." Sabi niya at ngumiti ng pilit. Nanlaki ang mata ni Tala. "Really!? Dalaga ka na Harold! Congrats!" Agad na umangat ang kilay namin. She's acting strange. "Si Michelle nga pala Tala, girlfriend ko..." Proud na proud na pakilala ni Harry. Siniko siy ni Elle at ngumiti kay Tala. "Pasensya na, hindi niya ako napakilala agad.." ngumiti ito kay Tala.
"Its nice meeting you guys! Pero, kailangan ko munang umalis ha.. May lakad kasi ang pamilya namin today. As much as I want to chat with you guys. I'm in a hurry kasi eh.. So, Ciao~!" Paalam ni Tala saka umalis.
"Cge Tala... See you around.." Sabi ni Mike. Ng mawala na sa paningin namin si Tala ay hinay-hinay na humarap ang mga lalaki sa amin na parang may ginawang Mali.
"Ang sweet niyo naman..." Sarkastikong tugon ni Divine.
"Oo nga, sa sobrang sweet kinalimutan na tayo..." Untag sakanya ni Elle.
"Ang ganda niya no? Ganda eh..." Sabi ko sabay irap. Umirap rin si Andrea. Nanatiling nakayuko si Kaith at tahimik lang si Hannah sa isang gilid.
"Hindi halatang miss niyo ang isa't-isa ano?" Sarkastikong sabi ni Zoe. "Teka nga Panget. Bakit ka ba galit? Girlfriend ba kita?" Diretsong tanong ni Harvey sa kanya. "Hindi. At wala akong Plano na maging boyfriend ka!" Sigaw ni Zoe saka pumasok. Sumunod naman kami. Kahit na pilit hinahawakan ni Harry at Harold ang braso ni Elle at Divine, hinahawi naman nila.
"Andrea..." Tawag ni Mike. Hindi na ako tumingin bagkus ay Kay Hanry ako tumingin at umirap. Narinig ko ang pagsagot ni Andrea Kay Mike.
"Don't feel guilty or something. Hindi naman kita boyfriend eh. Diba?"
Pumasok ako sa kwarto na tinutulayan namin. Kasama ko sa kwarto nato si Zoe. Humilata ako at pinagtuonan ng pansin ang cellphone ko.
I don't know but I found myself looking at my pictures with Hanry. Yeah, may mga pictures kami. Sa grupo kasi kami ang close.
Bahagyang sumakit ang dibdib ko ng maalala ang pangyayare kanina. How Hanry is so attracted to her. I mean, the way he looks, I know may something... Yung pagiging attentive niya dito. Its showing na may gusto ito sa babae. Gusto Kong maiyak, I dunno. Pero I have to remind myself.
Mikaella Cosmos, stop that feelings. Hindi mo siya boyfriend at wala kang pag-asa sa kanya.
--------------------
Hello guys! Short update. Malapit na kasi ang classes kaya medyo pumurol utak ko. Hahaha!
Please hit the star button if it doesn't hurt that much. Kung na-appreciate niyo lang naman. No pushing...
Thank you~
Ciao~•
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's SISTER?! (Sanders Series 2) - MAJOR REVISION
RomanceSabi nila swerte daw ako. Wanna know why? Simple, dahil ako lang naman ang kaisa-isang kapatid na babae ng mga tinaguriang Campus Bad Boys.. Mayayabang, Mayayaman, Mapang-asar, Womanizer, Playboy at syempre gwapo... Iba't - iba ang ugali nila. Yung...