Mika's POV
WTF?!
Hahalikan ang hate mo na person? "Zoe naman eh!" Maktol ko. "O bakit problema Mikaella?" Aish, tinatawag na naman niya ako sa pangalan ko. "Bakit may pakiss-kiss pa?" Tanong ko sakanya. "Para may thrill ganun yun..." Sabi niya at ngumisi ng bongga.
"Ah ganun..." Sarkastiko kong tugon. "Andito na si Jace. Start, start na!" Cheer ni Hannah. "Okay guys... Andito na yung bote. Ako unang mags-spin, 'Kay?" Sabi ni Jace. Tumango kami at nagsimula ng mag-spin ang bote. Tumapat ito Una Kay Andrea. At ang magtatanong si Ivan.
"Wahhh! Ako agad?" Maktol ni Andrea. Ngumisi naman si Ivan sa kanya. "Hoi Ivan! Simplehan mo naman dyan oh!" Pagmamakaawa nito Kay Ivan. "Well, depende..." May binulong Kay Ivan ang katabi na si Hannah. "Okay... Okay... Nice one!" Nangangasar na sambit ni Ivan. "Hoy! Hoy! Hannah! Ang daya nito... Ano yung binulong mo? Naku, naku!" Maktol ulit ni Andrea. "Truth or Dare?" Tanong ni Ivan.
"Delikado pag-truth. Delikado rin pag-dare. Ah bahala na... Dare!" Sabi nito. Nag-apir naman si Hannah at Ivan. Sumimangot naman si Andrea. "Truth nalang!" Sigaw nito. "Oi wala nang bawian.." Sabi ni Zoe.
"Dare.. Nice choice!" Nakangising sabi ni Ivan. "Since, umaga pa naman. Medyo cozy at maginaw pa. Kaya maligo ka ng naka-two piece sa pool!" Sabi ni Ivan. Expression ni Andrea.
O______________0!!!!!!!
Bumuhakhak kami ng tawa. Maligo sa pool ng ganito kaaga ni New York? Malas.... "Ivan naman eh!" Sigaw niya. "Sige na... Dare or Kiss?" Pang-aasar ni Ivan. "Waaaah!" Tumayo na ito at naghubad ng t-shirt. "Woi, magkakasala kami nito!" Sigaw ni Mike at kunwari nagtatakip ng mata. Yung kamay hindi magkadikit. O diba nakatakip talaga. "Ikaw lang. Wag kang mandamay!" Kantyaw ni Hanry.
"Ang GIIINAW!" Biglang sumigaw si Andrea kaya naagaw niya ang pansin naman. (〜^∇^)〜
Agad na binigyan ng yaya nina Jace ng towel si Andrea. "Bwiset kayo! Pag-ako magtatanong ngayon, humanda kayo sakin!" Asar na asik niya. Pinaikot na ulit ang bote.
"Oi! Panget ikaw pala!" Pang-aasar ni Harvey. Kanino pa ba? Edi sa dakilang panget. Joke lang Zoe! "Hoy panget ganda-gandahan mo yang ipapagawa mo sakin dahil ililibing talaga kota ng buhay" pagbabanta ni Zoe kay Harvey dahil si Harvey lang naman ang magtatanong.
"Truth or Dare?" Tanong ni Harvey. Hindi agad nakasagot si Zoe. "Dali! Ang tagal eh..." Naiinip na sabi ni Harvey. "Teka nga, atat eh. Natatae? O siya sige Dare din...."
"Nice choice panget, nice choice. Ano ba ang magandang ipag-utos?" Kunwaring nag-iisip si Harvey. Nilagay nito ang hintuturo sa ulo at ngumuso. Sus, kung alam ko lang. Ang rami ng ideya sa utak niyan. "Aha! Kumain ka ng Pickles!" O_________O
Tumahimik ang lahat.
Pickles?
Ang pagkaing isinusumpa ni Zoe. "PAAANGEEEET!" Galit na sigaw nito. "Ang ganda ng dare no? Yieee, kakain siya. O kung hindi may i-kikiss siya!" Nang-aasar na naman si Harvey. "Cat got your tongue lang Zoe?" Tanong ko na natatawa.
Sabi niya kahit pa life and death na. At yun na lang ang natitirang pagkain. Mas mabuting magpakamatay na siya. Ganun niya ka di gusto ang pickles. "Bwiset ka panget!" Sigaw pa nito. "O kiss na ang pinaka-hate na tao! Sa lips ah, para may thrill...." Ginaya pa ni Harry ang boses ni Zoe. Mukhang di talaga gagawin ni Zoe. Dahil tumayo ito at lumapit kay Harvey. Hala, anong gagawin niya? Sasapakin niya ba to?
ヽ(°◇° )ノ
Ganyanang expression naming lahat. Gulat.
Hinalikan ni Zoe si Harvey. "Woahhh..." Sambit naming lahat. "Lakas mo Zoe!" Hindi nakapag-reak si Harvey. Pinunasan naman ni Zoe ang labi.
"PAAAANGEEET!" Sigaw ni Harvey ng maka-recover. "Sumusunod lang po sa usapan..." Sabi ni Zoe. "Ipaikot na ang bote!"
O.O
"Bushet!" Naibulalas ko. Letche, ako lang naman. "Ate Mika...." Si Hannah ang magtatanong. Nakahinga naman ako. "Truth or Dare po?" Tanong niya. Wahhh! T____T ayaw ko nang dare. Ang harsh nila don eh. "Truth!" Matapang na sagot ko. Ngumiti naman si Hannah. "Ate Mika, sino dito sa bilog na to ang gusto mo?" Tanong ni Hannah. T____T nakakatakot rin pala to magtanong.
"Gusto ko? As in dito lang sa bilog?" Tanong ko. "Sa bilog nga diba baboy? Grabe to oh di maka-intindi...." Pang-aasar ni Hanry.
"Tse!" Sigaw ko.
Nagkaroon ng katahimikan.
"Ummm..."
"Ummmm..."
"Uhmmmmm..."
"Uhmm----" "Hoy dalian mo nga! Ummm ka ng ummm diyan eh!" Hindi natapos ang sasabihin ko dahil sumabat si Kapre. Yumuko ako. Tinignan ko sa peripheral view ko si Hanry. Hindi ko alam pero naghahanap ako ng partikular na ekspresyon mula sa kanya. Bumuntong-hininga muna ako. "S-Si.... Si Jace..." Sabi ko. ///---____---//// Nakakahiya!
"Si Jace yung gusto mo?" Gulat na tanong ni Divine. Tumango ako. Nahihiya ako kay Jace kasi ginamit ko siya. "Excuse me..." Sabi ko at umalis. Di ko kayang tumingin o magtagal. Nakakahiya....
Pumasok ako sa kwarto at umupo.
Sa totoo lang, sasabihin ko naman eh kung sino talaga pero nung nakita ko ang ekspresyon niy na mukhang walang pakialam. Nasaktan ako kaya si Jace ang naibulalas ko.
I've been denial for too long. Matagal na akong may gusto sakanya. Sumali ako ng cheering squad dahil sakanya. Para masaksihan ko siya parati lalo na pag may laro sila. Nasasaktan ako sa tuwing may nababalitaan akong bagong flavor niya. Pero mas nasasaktan ako kapag sinasabi yang, di niya ako type.
Sampal yun sakin. Kailan man di niya ako magugustuhan. Kailan man I will always be by the shadows. Hindi niya ako nakikita bilang babae na dapat mahalin.
Hanry Sanders. How can I reach you?
Ang hirap mong abutin.
-----------------------------------------------------------------
Panu ba yan? Umamin na. Sino na naman ang susunod na may pasabog?
Hello guys! Short update. Classes na kasi kaya medyo pumurol utak ko. Hahaha!
Please hit the star button if it doesn't hurt that much. Kung na-appreciate niyo lang naman. No pushing...
Thank you~
Ciao~•
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's SISTER?! (Sanders Series 2) - MAJOR REVISION
RomanceSabi nila swerte daw ako. Wanna know why? Simple, dahil ako lang naman ang kaisa-isang kapatid na babae ng mga tinaguriang Campus Bad Boys.. Mayayabang, Mayayaman, Mapang-asar, Womanizer, Playboy at syempre gwapo... Iba't - iba ang ugali nila. Yung...