Divine's POV
Nakarating na kami sa Surigao. Bumyahe kami gamit ang Tourist Bus na inupahan ni Harry. Hindi naman halata na pinaghandaan nila ang pagpunta rito.. -_-
"Okay, guys.. Stop over muna tayo dito sa International Doll House." Sabi ni Zoe.
"Maraming dolls dyan Zoe?" Tanong ni Hannah.
"Doll House nga diba Hannah?" Sagot ni Harvey.
"Ikaw si Ate Zoe, Kuya Harvey?" Binara ng kapatid. Bwahahha.
"Akala ko matalino ka?" Sabat ni Ivan.
"Ouch lang ha.."
Bumaba na kami sa bus at bumili ng ticket. Si Daniel at Kaith na ang bumili lahat. Nagbigay lang kami ng pera. Tinitignan ko pa lang ang Hagdan, parang pinagpapawisan na ako. Ang taas! Mga ilang steps kaya to?
"Let's go na! Here are the tickets!!!" Sigaw ni Kaith..
Nakakapanibago talaga tong bruhilda na to. Hindi na kasi ako sanag na maingay na ulit siya.
Nagsimula na kaming umakyat. Para tuloy akong may instant rayuma. Ang sakit na ng tuhod ko at ang tamlay na ng paa ko. Hanggang saan ba to?
Sa wakas nakarating na kami sa dulo. Nakita namin ang isang parang bahay na may tatak sa taas na..
"INTERNATIONAL DOLL HOUSE"
Andoon rin ang statwa ni Bambi. Yung baby deer if nanunuod kayo ng Disney movies. Umiyak nga ako ng pinanuod ko yan.
"Welcome to The International Doll House. Young Ladies and Gentleman.." Magtagalog talaga sya. Taga-manila kaya kami.
English pala yung sinabi niya..
"Thank you.." Kahit kelan ang galang nitong si Hannah. Pero, okay... Minsanan lang.
Nag-indian sit kami sa sahig tsaka nakinig sa instructions nung caretaker.
"So, as you can see sa room na yun. Nakatambak ang mga Dolls. My brother collected it so its not for sale.--"And blah.. Blah black sheep whateves na pinagsasabi niya.
Binigay namin yung ticket sa kanya, then pumasok na kami sa loob.
Unang bumungad sa akin ang doll na kamukha nung Miss Universe natin. Sino ba yun? Si Bia, Fia.. P-Pia Wurtzback? Hindi ko na matandaan ang spelling sa apelyido niya. Pero infairness, medyo nahawig nung doll si Pia pati na ang gown na suot niya nung na Columbia Zone siya.
"Here you can see the Doll that looks like Pia Wurtzback..."
Kanya-kanyang papicture naman sina Zoe.
Maraming doll dito. May Disney princesses.. Dolls from other countries.. Mga ganun... Meron ding mga tea cup set. Yung boys? Doon sa mga sports car nakatingin......
Picture Here..
Picture there...
Picture everywhere...
"Guys.. I'm starving na kasi.. Kain tayo sa Ocean view doon sa taas.." Sabi ni Mika.
"Merong ocean view sa taas?" Tanong ni Andrea.
"Hindi mo napansin nandyan lang sa taas. Konting lakad lang andoon kana.." Sabi ni Mika.
Lumabas na kami sa Bahay na yun at umakyat.
Nag-order na kami. Medyo maypagka-cheap ang foods.. Choosy noh? Pero wala eh, laking yaman hindi ko naman yun maikakaila.
"Unsay order nimo Mam?" Hah? Anong sabi niya? Anong language yun.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's SISTER?! (Sanders Series 2) - MAJOR REVISION
Любовные романыSabi nila swerte daw ako. Wanna know why? Simple, dahil ako lang naman ang kaisa-isang kapatid na babae ng mga tinaguriang Campus Bad Boys.. Mayayabang, Mayayaman, Mapang-asar, Womanizer, Playboy at syempre gwapo... Iba't - iba ang ugali nila. Yung...