Theme: Nerve Gear (SymphonyMusic)

503 10 27
                                    

The Undead

---

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa naramdaman kong masakit na tumusok sa braso ko. “Rica! Tigilan mo dugo ko!” sigaw ko habang hinihimas ang kanang braso ko. Trip talaga ng nakababata kong kapatid na nursing student ang kuhaan ako ng dugo para makapag-practice siya. Bwiset eh! Paglingon ko sa paligid, wala naman si Rica.

Teka, kaninong bahay ‘to?! Sa pagkakatanda ko, sa sala ako ng bahay namin natulog. EH KANINONG SALA ‘TO?!

Tumayo ako kaagad sa kinauupuan ko nang mapagtanto kong wala talaga ako sa bahay.

Napatingin ako sa suot kong damit. Bakit naka-army uniform ako? Naka-sando’t boxers lang ako kanina bago ako natulog sa sofa ah!

Sumilip ako sa labas ng wasak na bintana at halos malaglag ang mga eyeballs ko sa mga nakita ko. Parang may dumaang delubyo! Wasak ang mga bahay sa paligid maging ang mga bakod. May mga sasakyan na nakabaliktad lang sa daan at ‘yong iba nagliliyab pa.

Tiningnan ko ulit ang loob ng bahay. Anong nangyari habang tulog ako?

“Mama? Rica? Rochelle?” tawag ko sa mga kasama ko sa bahay. Walang sumagot.

“Nananaginip ba ako?” Tanong ko na sa sarili ko. Kasi kung oo, napaka-realistic niya!

Kinurot ko ang sarili ko. Awts. Masakit eh.

Naisipan kong lumabas na lang pero may napansin akong bagay na pamilyar sa’kin sa ibabaw ng mesa malapit sa hinihigaan ko kanina. Nilapitan ko ‘yon.

Baril? Bakit may M9 dito? Alam ko kung anong baril ito dahil isa akong criminology student. Nasa bakasyon lang kaya tambay ako sa bahay.

Dinampot ko ‘yon at doon ko lang din napansin na may nakaipit palang papel sa gatilyo. Nang buklatin ko, napakunot ang noo ko dahil sa kawirdohang nakasulat.

You have five shots. Don’t let anyone kill you or else you will lose your life.

What the fuck?! Nainis ako bigla! Tang-inang panaginip ‘to eh! Napakamakatotohanan!

Initsa ko ‘yung papel sa sahig saka ko tiningnan ang magazine ng hawak kong baril. Lima nga lang ang balang laman nito. Tsk.

Itinuloy ko na ang paglabas sa bahay at pagtapak ko sa labas ng pintuan, nakarinig ako ng mala-holographic na boses ng babae.

“Let the game begin.”

“Tangna! Sino ka?! Anong game?!” sigaw ko habang nililingon ang paligid ko.

Wala na akong narinig pa kaya itinuloy ko na ang paglalakad ng padabog.

Game niya mukha niya! Ang lupet talaga ng panaginip kong ‘to! Hanggang dito may chicks!

Habang naglalakad ako, nagmamasid din ako sa paligid ko. Walang katao-tao dito bukod sa’kin. Ang tahi-tahimik kahit tirik ang araw.

May nadaanan akong police mobile kaya sumilip ako sa loob. Isang assault rifle lang ang nakita ko na may mga bahid pa ng dugo. Kinuha ko ‘yon at tiningnan ko kung may bala. Tangina, WALA. Walang kwenta! Pabato kong ibinalik sa loob ang rifle na bumalandra sa kabilang pinto kaya lumikha ‘yon ng ingay.

“Hwargghhh.” Nilingon ko ang lumikha ng ingay na ‘yon at may nakita akong lumalabas galing sa isang sira-sirang bahay malapit sa’kin.

Team KyotiePatotieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon