Theme: Reincarnation (mikachiku26)

626 19 19
                                    

Grace

"Our birth is but a sleep and a forgetting; The Soul that rises with us, our life's Star, Hath had elsewhere its setting. And cometh from afar." —William Wordsworth

“Yun na yun? Dad,masyadong bitin! Yung part two naman!”

Pagpasok ko sa bahay sigaw agad ni Clara ang narinig ko. Sinundan ko ang pinanggalingan ng ingay at nakita siyang nakaupo sa tabi ng tatay niyang tumatawa.

“Ano naman yang pinapanuod niyo?” tanong ko sa kanila.

Napalingon sa akin si Clara at naglaho ang ngiti sa kanyang mukha. She gave me that familiar stare that she always reserves for me. “Harry Potter and the Deathly Hallows.” Mahina niyang sabi.

“Ah… ganun ba?” medyo naaawkward kong sabi.

Ganyan siya parati.

Bawat tingin na ibibigay niya sa akin, I can feel indifference. May pagkamisteryoso at hindi mo mabasa kung ano ang nasa isip niya. Madalang niya akong kausapin, at pakiramdam ko sinusubukan niya akong iwasan. Parating ang tatay  niyang si Jerome ang kanyang kasama, at kung kaming dalawa lang sa bahay, magkukulong siya sa kanyang kwarto. 

“Anong gusto mong dinner anak? Ipagluluto kita!” nakangiti kong sabi sa kanya.

“Kahit ano okay lang po sa akin ma. Ah Dad, may homework pa nga pala ako. Bukas nalang natin panuorin yung part 2. Sa kwarto lang po ako.”

Naglakad siya papunta sa kwarto niya, ingat na ingat na hindi tumingin sa akin.  Bumuntong hininga si Jerome at yinakap ako. “Hayaan mo na. Di bale, malapit na siya maging teenager. Pretty soon, mago-open up na siya sa iyo.”

“Ewan ko ba Jerome.  Kasalanan ko rin naman eh. Kung sana dito na lang ako sa bahay kesa parating nago-overtime eh baka hindi ganyan ang pakitungo niya sa akin. I can’t even remember the last time she said she loved me.” Naiiyak kong sabi.

“You want me to talk to her?” tanong  niya.

“No, it’s fine. Ayoko naman siyang pilitin.” Pagsisigurado ko sa kanya.

“Ikaw bahala. Nga pala, have you heard about Grace?”

Team KyotiePatotieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon