Makasalanan (symphonymusic)

447 20 35
                                    

** This story is base on Aris Del Rosario's work "Forest Keeper" **

Makasalanan

by: symphonymusic

Lahat ng gumagawa ng kasalanan, maliit man o malaki, ay pinaparusahan.

Isang maaliwalas na hapon, habang naglalakad si Celso sa tabi ng kalsada, nakuha ang kanyang atensyon ng isang batang babaeng nasa edad sampu na nakatayo sa kanyang madaraanan. Dala ng kyuryosidad, lumapit siya dito at doon niya napagtantong umiiyak ito. Bahagya siyang naupo para magtama ang paningin nila ng bata.

“Bata, bakit ka umiiyak?” May halong pagkaawa sa boses ni Celso ngunit mataman niyang pinagmamasadan ang bata.

“K-Kasi po… Hindi… Hindi ko po alam ‘yung daanan pauwi sa’min… N-Nawawala po ako.” Patuloy sa pag-iyak ang bata at lihim namang napangiti si Celso.

“Tara, sama ka sa’kin. Dadalhin kita sa lugar na maganda para hindi ka na malungkot. Gusto mo ba?” Inilahad ni Celso ang kanyang kamay ngunit hindi ito inabot ng bata bagkus ay umiling ito.

“Ang sabi po ng Mama ko, wag na wag daw po akong sasama sa taong hindi ko kilala.” Hinawakan ni Celso ang buhok nito saka tumayo.

“Ganoon ba? Tutulungan na lang kitang mahanap ang Mama mo. Sasamahan kita sa presinto tapos doon tayo hihingi ng tulong sa mga pulis. Okay ba ‘yun sa’yo?” alo niya sa bata.

Nag-angat ito ng ulo at tiningnan si Celso, “hahanapin po natin si Mama?” Tumango naman ang binata na may ngiti sa kanyang labi. Nagpunas muna ng luha ang bata bago sumama sa kanya.

Mahigpit ang hawak ni Celso sa kamay ng bata habang sila’y naglalakad. Nang makarating na sila sa bukana ng gubat, napahinto ang bata kaya huminto rin si Celso.

“Kuya, bakit po tayo papasok diyan sa gubat?” Bakas ang pagkatakot sa boses at mukha ng bata. Lalong hinigpitan ni Celso ang pagkakahawak sa kamay nito. Bagamat naiinis na siya rito, pinilit pa rin niyang ngumiti.

“May shortcut dito papunta sa presinto. Kapag nakarating kaagad tayo sa presinto, mahahanap kaagad natin ang Mama mo. Gusto mo ‘yun ‘di ba?”

Marahang tumango ang bata at tumuloy na sila sa paglalakad.

Habang naglalakad sila sa loob ng gubat, hindi mapigilang mamangha ng bata sa ganda ng paligid. Malalago ang mga dahon ng mga puno at nagkalat ang mga makukulay na bulaklak sa buong paligid. Napakasariwa ng hangin at tanging mga huni ng ibon at ang paglagaslas ng tubig sa malapit na talon ang maririnig.

“Kuya, ang ganda naman po dito!” tuwang-tuwa na sabi ng bata. “Pwede po bang dito muna tayo? Gusto ko pong pumitas ng mga bulaklak. Ibibigay ko po kay Mama pag-uwi ko!”

Binitawan naman ni Celso ang kamay ng bata at sinundan niya ito papunta sa ilalim ng isang matayog na punong may mga bilugang bunga na kulay pula. Habang abala ang bata sa pamimitas ng makukulay na bulaklak, unti-unting lumapit si Celso at hinawakan ang magkabilang braso nito. Lalo siyang nakaramdam ng init sa kanyang katawan nang humarap sa kanya ang bata na napakainosente ng mukha. Para kay Celso, ang kainosentehan ng isang bata ang siyang nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam.

Team KyotiePatotieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon