Theme: Foot-Binding (ePhoneFive)

632 18 13
                                    

Kwarta sa Munting mga Paa

---

Hoy Lindang singkit, sigurado ka na ba diyan sa pusta mo?” pagtatanong ng isa kong kalaro sa tong-its, kasabay ng kanyang pagbungisngis na sapat lamang upang masilayan ang malalaglag na niyang pustiso.

“Oo naman! Kelan ba naman ako nagdalawang isip, ha Mario” kaagad kong tugon habang masusing sinisipat ang hawak kong mga baraha.

“Sa’yo na mismo yan nanggaling Linda. Wala nang bawian. No return no exchange!” muli niyang sambitwith matching  nakakasurang ngiti.

“Putakte naman ‘tong si Mario oh! Dinaig mo pa si Kris Aquino sa kadaldalan ah. Tahi-tahimik din pag may time. Nasisira diskarte ko sa’yo eh!” sabi ko sa kanya habang pilit na inilalaki ang singkit kong mga mata.

“Tsaka dapat pag magi-smile ka… konti lang,” pahabol ko pa. Nakikita kasi yung tumatambling niyang pustiso eh.

“Relax ka lang Linda. Baka mai-stress ka niyan, tubuan ka pa ng dalawang libong taghiyawat sa ilong,”pang-aalaska pa ni Dodong, yung isa pa naming kalaro ngayon sa tong-its. “Eh sigurado ka na nga ba diyan sa pusta mo? Baka pag natalo ka, eh lalo kang maghirap niyan,” dagdag pa niya.

“Yung totoo...? Ilang kilong tutuli ang nakabara diyan sa mga tenga niyo? Di ba kasasabi ko nga lang na sigurado na ako! As in 101 percent! Pak na pak! For the win ito! At for sure, mababayaran ko na ang bente-mil kong utang diyan kay Mario,” panggagalaiti ko sa kanilang dalawa.

Kakahiya naman sa mga ulol na ‘to. Asa pa naman sila na matatalo ako ngayon. Grabe! Ang ganda kaya nang baraha ko. As in joy to the world. Anong sinabi ng kina Mario at Dodong dito? Wala! Panis na panis!

Hindi talaga ako nagkamali na swerte si Carla, yung limang taong gulang kong anak na babae. Aba, eh talaga namang namuhunan ako diyan. Biruin mo namang sinunod ko pa yung tradisyon ng lola ko nung araw.

Ang tinutukoy ko eh yung tinatawag nilang foot-binding. Yung pinaliliit nang to the max  ang mga paa ng batang babae sa pamamagitan ng pagbalot ng tela nang mahigpit na mahigpit. Sabi kasi niya, bukod sa simbolo ng kagandahan at karangyaan, swerte daw talaga yun.

Nagmula kasi ako sa angkan ng mga Intsik. Kahit na hindi ako sa China pinutulan ng pusod, mulat naman ang mga singkit kong mata sa tradisyon nila.

Kung aalamin siguro kung ilang porsyento ng dugong Intsik ang nananalaytay sa aking blood vessels, gamit syempre ang calculator na Made in China, lalabas na one-fourth Chinese ako. Bale yung lola ko ang pure athalf naman ang aking mudra. Ang aking ama naman eh puro, puro kawalanghiyaan ang alam!

Naku! Kapag naaalala ko talaga ang dinanas ko nung bata pa ako, hindi ko mapigilang mag-emote. Ayaw ko na talagang balikan yun.

Kaya nga lang, uso kasi sa mga Intsik ang pamana, kaya ayun parang namana ko din pati ang naging buhay ng aking mudra sa kamay ng barumbado kong ama.

Meaning, it’s a tie! Parehas lang kami ng naging kalagayan ni mama. Parehas kaming naging talunan sa pag-ibig. Hayun, matapos akong anakan ng dalawa, eh gora na agad ang tarantado. Nilayasan na ako.

Eh ano? Feeling naman niya hahabulan ko siya. No way! Over my dead body. Kahit paano nama’y nakakaraos din kami nang wala siya, yun nga lang, isang kahig-isang lamon ang peg ng lola niyo.

Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Go lang nang go! Isa pa, alam kong papanigan na ako ng swerte ngayon. Ikaw ba naman ang magsuot ng kung anu-anong bato at perlas na binili sa Quiapo; tumaya sa jueteng ng mga napapaniginipang numero; araw-araw na sumunod sa horoscope ni Zenaida Zeba: at kumain ng tig-wawalong pirasong shomai, siopao, puto at kalamay.

Pero ang pinakswerete sa lahat ay ang anak kong si Carla. Mag-iisang taon na rin kasi buhat nang sinimulan ko ang foot-binding niya.

Sa toto lang, naaawa rin ako sa kanya sa tuwing nakikita ko siyang naghihirap dahil sa sakit na dinadanas ng kanyang mga paa. Kung minsan nga eh halos maghapon at magdamag siyang umiiyak. Nagmamakaawa sa akin na tanggalin ko na daw ang mga benda niya sa paa. Kaso eh kung hindi ko naman gagawin yun, eh paano na kami aasenso? Paano na kami suswertehin?

Team KyotiePatotieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon