Theme: Euthanasia (atekimmy)

567 20 12
                                    

THE END.

---

Masyado na siyang nahihirapan…

Hindi na niya kaya…

Just please, let her go…

Paulit-ulit ang mga salitang yun sa tenga ko. Pero kahit anong pasok niya sa tenga ko, kahit tumagos man siya sa puso ko, hindi ko pa rin kayang tanggapin. Hindi ko siya kayang pakawalan. Hindi pa siya pwedeng mawala sa akin.

Palakad-lakad lang ako sa kung saan. Sa kung saan ako kayang dalhin ng mga paa ko. Kailangan kong huminga. Kailangan kong mabuhay dahil pakiramdam ko, nawawalan na ako ng malay-tao tulad niya.

Sa totoo lang, nahihirapan din naman akong nakikita siyang nahihirapan. Buhay pero para ring hindi. Humihinga dahil na lang sa mga makinang nakakabit sa katawan niya. Nakapikit. Nakahiga. Halos anim na buwan na siyang ganon. Sabi nga ng doktor…

Hindi na niya kakayanin. Let’s give her up. Masyado na siyang nahihirapan.

Give her up? Pano ko ba gagawin yun? Tatanggalan lang daw namin siya ng isang makinang nakakabit sa kanya pagkatapos nun wala na. Tapos na ang paghihirap niya.

Pero yun naman ang simula ng paghihirap ko.

Kaya ayoko. Hindi ko kaya.

Sa pagod ko kakalakad, napaupo na lang ako sa isa sa mga bench sa parkeng kinahantungan ko. Maraming tao. Maraming masasayang tao. Bakit sila may kakayahang maging masaya? Bakit nga ba sa lahat ng taong pwede magkasakit, siya pa? Bakit sa dami ng tao sa mundo, kami pa ang nakakaranas ng ganito? Marami namang iba diyan. Bakit kami pa?

“Ang lalim ng iniisip natin ah,” biglang sabi ng isang boses ng babae.

Totoo nga. Ang lalim nga ng iniisip ko. Hindi ko namalayang may tumabi na pala sa akin. Isang babaeng nakasuot ng bestidang puti. Nakangiti siyang nakatingin sa mga tao.

“Anong iniisip mo?” nilingon niya ako.

Hindi ko alam kung anong isasagot. Siguro dahil sa pagkabigla ko. Hindi ko naman siya kilala pero bakit niya ako kinakausap? At bakit kailangan kong sabihin sa kanya ang iniisip ko?

“Wala.”

“Problema?” pangungulit pa rin niya.

“Wala.”

Napansin kong napangiti siya. Binalik niya ang tingin sa mga tao pero pagkaraan ng ilang segundo, bumalik rin sa akin ang tingin niya.

“Masyado ka kasing tulala. Nakasimangot pa. Parang pasan mo lahat ng problema sa mundo eh—“

“Tama ka. Sa problema ko ngayon, parang problema na rin ng buong mundo ang pasan-pasan ko,”putol ko sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong ilabas sa kanya lahat ng sama ng loob ko sa mundo. Gusto kong sabihin sa kanya ang bigat ng problema ko. Okay lang din siguro to. Hindi naman na siguro kami magkikita ulit.

Team KyotiePatotieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon