BA Entry -->> The Palace Has Fallen

424 9 1
                                    

 The Palace Has Fallen

By: Lhuvhater_17

Philippines, Manila

     Year 2016. Sa naganap na Presidential Election.Natalo ni Antonio L. Herrero ang nakaupong pangulo na si Simeon Dela Cruz |||. Ang lahat ng mamamayang Pilipino ay nagka-watak watak. Hindi nila inaasahan na ang mananalong pangulo ay walang nakaraan o karanasan pagdating sa pulitika. Maraming Pilipino ang lumaban sa nakaupong bagong Pangulo, ngunit dumaan lamang ang lahat ng iyon sa malagim na karahasan.

1,110 ang Pilipinong namatay dahil sa kabi-kabilang rally na naganap sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.

Sa anim na taong pamumuno ni Pangulong Herrero,hindi na gumanda ang takbo ng buhay ng mga nasasakupan niya.Patay dito, patay doon ang laman lagi ng mga balita.

Lumipas ang anim na taon,natalo si Herrero at muling napalitan ang nakaupo sa palasyo.

     Si Mrs. Sonia Penafrancia,siya lang naman ang bise presidente ni dating pangulong Antonio Herrero.

Dahil sa hindi maayos na pagpapatakbo ni Herrero sa lahat ng sangay ng gobyerno. Naisipan ni dating Bise Presidente Penafrancia na kalabanin ang kaalyado dahil hindi na niya kayang makita na may Pilipino pang mamatay.

     Maganda ang naging bunga ng unang tatlong taong pamumuno ni Pangulong Penafrancia. Tumaas ang bilang ng mga Pilipino na nagkaroon ng trabaho, maraming kabataan ang nakapag-aral ng maayos, wala nang magsasaka ang hirap, malakas ang piso kesa dolyar.

Masasabing nakabangon agad ang Pilipinas sa tatlong taon lang ng kanyang pamumuno.

Year 2026. Pang-apat na taon na sana ni Pangulong Penafrancia. Sa kasamaang palad, namatay ang pangulo sa loob mismo ng NAIA Airport.

Sa ilang linggong pagiimbistiga ng mga SOCO, NBI at iba pang sangay ng gobyerno. Napag-alaman na nilason ang pangulo sa loob pa mismo ng eroplano.

Alyas 'Tiger' ang nahatulan nang Reclusion Perpetua. Kasapi ito sa isang malaking organisasyon ng mga terorista na balak sakupin ang pilipinas.

Maraming Pilipino ang nagluksa sa pagkamatay ng pangulo. Pero dahil sa banta ng mga terorista, hindi na nagkaroon ng malawakang misa para sa pagkamatay ng pangulo.

Humarap sa Telebisyon ang Bise presidente para sabihin na siya ang papalit sa namatay na pangulo. Sinabi pa nito ang napagpasyahan ng yumaong pangulo.

"Mr. Juanito Dela Fuente, ang tahanan natin ay huwag mong pababayaan. Ramdam ko na mawawala na ako dahil sa aking karamdaman. Gusto kong ipagpatuloy mo kung ano ang nasimulan ko. Mawala man ako, gusto kong iwan sa mamamayan ang tunay na kahulugan ng 'Pagkakaisa, Pagmamahalan, at Pag-asa."

    Hindi rin tumagal ang proseso sa paglipat ng kapangyarihan bilang pangulo kay Bise Presidente Juanito Dela Fuente. Iprinoklama siya sa loob mismo ng palasyo. Naka-televise pa ito sa buong bansa.

Team KyotiePatotieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon