Open You Heart (ISABELslashNICOLE)

364 17 15
                                    

** This story is base on Jonathan Teodoro Vergara's "Monica's Dream" **

Open your heart

by: ISABELslashNICOLE

“Anak!Anak!Bumangon ka na riyan!”

Ah ah naman si Inay, ang ingay. Alam na natutulog ako eh.

“Anak! Bumaba ka diyan at kumain tapos bumili ka rin sinigang mix pag-katapos mo!”

Oh tignan mo nga naman, di pa ako bumabangon tapos uutusan agad ako. Ayos rin ‘tong si inay eh. Bahala siya diyan sa baba di ako babangon, inaantok pa ako tsaka di pa naman ako nagugutom.

~~~

“Anak bumaba ka na! Kanina ka pa nakahilata diyan sa kama mo!”

Kanina pa‘to si Inay sigaw ng sigaw. Maka-bangon na nga nakakabingi eh.

“Nay! Nandito na po ako!”

Nakita ko si Inay na nag-hahanda ng... “Tanghalian?! Nay, ang aga naman ng tanghalian.”

“Ang aga? Ano ba sa tingin mong oras na ha? Alas-dose na Monica! Kumain na kami ng Itay mo ng umagahan, kanina pa kita tinatawag sa itaas pero ayaw mo bumaba.”

Naupo na lang ako sa tabi ni Itay. Nag-dasal muna kami bago ako sumadok ng ulam at kanin.

“Nay! Bakit hindi maasim ‘tong sinigang?!”

Adwang-adwa ako sa kinakain ko. Alam naman ni Inay na gusto ko ng maasim na sinigang pero bakit walang kaasim-asim ‘to. Ah ah. Nakakawalang gana kumain.

“Nag-papabili ako kanina kaso ayaw mong bumaba.”

Hay nako, bakit kaya di niya utusan sina Ate Peya? Ano kayang silbi nina Ate kung di niya uutusan?

Tinuloy ko na lang ang pagkain ko at nag-ligpit ako ng pinag-kainan ko, dapat daw kasi matuto ako. “Ako na naman ang nautusan nun ni Inay. Nakakainis.” Para saan pa ang katulong namin kung ako lagi ang inuutusan?

~~~

Lumabas ako at nakipag-laro sa mga kaibigan ko.

“Monica! Tara laro tayo dun sa may garden!” tumakbo ako at sumunod kay Era papuntang garden.

“Wow! Ang daming flowers.” Manghang mangha ako sa mga iba’t ibang uri ng flowers na nakikita ko.

Lumapit ako sa isang bush na punong-puno ng bulaklak. “Wow! Ang cute naman ng butterfly.”  Hinuli ko yung butterfly gamit yung kamay ko. Sabi ni Inay nakakabulag daw ang butterfly pero hindi naman siguro OA lang talaga siguro si Inay. Tsaka di niya naman ako makikita kung hinahawakan ko ‘tong butterfly.

Team KyotiePatotieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon