" relationship is not just holding hands while you understand each other .. it's also having lots of misunderstandings and still not leaving each other's hands .. "
cont. sa bahay nila pia ..
pia's pov ..
" baby i can be your gilfriend .. " ng matapos ang kanta dinugtungan yun ni rochelle habang nakatingin sa mga mata ko ..
woooaaah! bakit ako kinikilig sa sinabi niya? nakisabay pa ng pagbubuyo tong magagaling kong kaibigan .. pakiramdam ko pulang pula ang mukha ko .. hindi pa din niya agad inalis ang pagkakatitig sa mga mata ko .. hindi ko naman yun natagalan at agad na iniwas ang mga mata ko .. pakiramdam ko para akong matutunaw sa tingin na yun .. parang may kung anung naglalaro sa loob ng tiyan ko na hindi ko maintindihan ang pakiramdam ..
nitong mga nakaraang araw ay hindi kami mapaghiwalay ni rochelle .. isa pa lagi kaming nagkakatext at nagtatawagan sa telepono .. nakaramdam ako ng saya na hindi maipaliwanag kapag magkausap kaming dalawa o kahit magkasama .. naging kumportable ako na nasa tabi ko siya ..
minsan ay hindi ko na naiisip na pinagseselos lang namin si jlyn sa ginagawa namin .. pakiramdam ko ginagawa ko na lang lahat kasi napapasaya ko siya at nawawala sa isip niya na nandiyan si jlyn .. isa pa nalilimutan ko din ang nararamdaman ko para kay angeli .. parang nababaling sa kanya???
wwwoooohhh!!! pia anu ba naman tong pinasok mo .. mahuhulog ka nanaman ba ng walang sasalo sayo? haist ang sakit sa ulo!
" ui ok ka lang? " tanong sa akin ni rochelle .. napansin niya siguro na malalim ang iniisip ko ..
" huh? hmm oo aus lang me iniisip lang .. " sagot ko naman sa kanya ..
" andito na nga ako sa tabi mo kung anu anu pa iniisip mo .. " sagot niya naman sa akin ..
pakiramdam ko nag init ang buo kong katawan sa sinabi niya .. anu ba naman tong babaeng to .. ang gulo gulo na nga ng utak ko dahil sa kanya ee .. tapos ganun pa ang sasabihin wooooh rochelle kah!
" anu ka ba tigilan mo nga yan .. wala si jlyn ohh .. aasarin nanaman tayo ng mga yan ee .. " baling ko naman sa kanya ..
" ee bakit? totoo naman aa kasama mo na ko lumilipad pa yang utak mo .. nakakatampo aa .. " sagot niya naman sa akin pabalik ..
" naku ka rochelle tigilan mo yan .. baka pag ako nahulog sayo ee baka hindi mo lang ako saluhin mabigat ako ahahaha .. " biro ko sa kanya sabay kurot ng bahagya sa magkabilang pisngi niya ..
" edi subukan mo para malaman mo .. " pabulong niyang sambit .. pero narinig ko pa din naman yun ..
" ano? " ulit ko sa kanya na kunyari ay hindi ko siya narinig ..
" wala " sagot niya sabay sandal ng ulo niya sa balikat ko ..
ganun lang ang posisyon namin habang nanonood .. dvd marathon ang trip nitong mga to ee .. kinuha niya ang kamay ko at pinaglalaruan iyon .. masipag siguro tong babaeng to hehe .. ang gaspang ng kamay ee hihi (^_^)v
nagpalipas lang kami ng maghapon sa kakapanood ng kung anu anung movie at walang humpay na pagkain ng kung anu anu ..
nung magdidilim na nagyaya na din si rochelle umuwe .. hindi siya pwedeng gabihin masyado ee strikto kasi ang ate niya .. sa ate niya kasi siya nakatira ee .. ang parents niya ay nasa probinsya nila sa bicol .. sumang ayon din naman ang iba ..