.19.

91 2 8
                                    

" love someone not because they give you what you need .. but because they give you feelings you never thought you needed .. "

hindi naging madali ang pinagdadaanan ng dalawa .. bukod sa magkaiba parin sila ng oras madalas ay walang signal si rochelle .. pilit naman iyon iniintindi ni pia .. balewala nga naman kung maginarte pa siya .. saan nga naman hahagilap ng signal si rochelle sa gitna ng dagat ..

nakuntento na siya sa isa o dalawang beses pagtawag ni rochelle sa isang linggo .. yun lang ay sapat na para sa kanya .. marinig niya lang ang boses ni rochelle ay ok na ..

( ipagpatawad na puro pov ni pia :) )

pia's pov ..

ang hirap lalo ng sitwasyon namin ni rochelle .. kung sa pinas kahit papano nakakapagusap kami sa skype ngayon halos wala na talaga .. nagaantay na lang ako ng tawag niya .. hindi ko din naman siya matawagan dahil sa tuwing tatawag ako at di ko siya makokontak ang laki ng kaltas sa akin .. ok lang naman sana yun kung makakausap ko siya .. kaso hindi ee .. saan nga naman hahagilap ng signal sa gitna ng dagat?? -_-"

araw araw parang isang taon ang katumbas .. habang lumilipas ang araw na wala akong balita kay rochelle ang bigat sa pakiramdam .. binabaling ko na lang ang atensiyon ko sa trabaho .. ayaw kong masyadong isipin ang distansyang pumapagitna sa aming dalawa .. ang tanging iniisip ko na lang na darating ulit yung panahon na magkakasama ulit kaming dalawa ..

lumipas ang mga araw na ganun ang naging set up namin .. tuloy parin naman ang pagmemessage ko sa kanya araw araw .. walang palya .. para if ever na makapag online siya may nababasa siyang message galing sa akin .. araw araw nagaantay lang ako kung kailan siya tatawag .. sabik na sabik ako sa mga kwento niya .. kahit na saglit lang kami nagkakausap tuwing tatawag siya nakukumpleto na ang araw ko .. miss na miss ko na siya .. kaso wala naman choice ..

nung mga nakalipas na linggo nkakatawag siya tatlo o minsn apat na beses isang linggo .. pero habang tumatagal pabawas na ito ng pabawas .. naiintindihan ko naman iyon i guess? mahal nga naman ang long distance call? nag message din siya sa akin na wala siyang natatanggap na message galing sa akin .. imposible namang mangyari iyon dahil walang palya ang pagsesend ko sa kanya ng message araw araw .. inintindi ko na lang dahil baka late niya natatanggap kasi nga wala siyang signal ..

----

isang araw nakatanggap ako ng isang text ..

" ang hirap pala ng gantong set-up no? "

nakakatampo .. halos wala pa siyang isang buwan na nakakaalis ganito na matatanggap kong text galing sa kanya .. alam ko namang mahirap ee .. nahihirapan din naman ako .. pero syempre iniisip ko na lang na para din naman saming dalawa kung anung ginagawa namin ngayon .. bumalik lahat ng takot na nararamdaman ko nung mga panahong nagloko siya .. may kung anung takot nanaman akong naramdaman na baka maulit nanaman ang mga nangyari .. ewan pero may iba nanaman akong nararamdaman ..

" may problema ba tayo? may iba nanaman ba? " yun na lang ang naireply ko sa kanya ..

" pag sinabeng nahihirapan may iba na agad? " sagot niya naman sa akin ..

" nahihirapan din naman ako ee .. "

ayun lang at wala nanaman akong natanggap na sagot galing sa kanya .. baka nawalan nanaman siyang signal .. ang hirap ng ganito .. yung hindi kami nakakapagusap ng ayos .. imbis na palakasin namin ang isa't isa ganito ang nangyayare haist .. inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtatrabaho ., tuloy parin naman ang pagtetext at pagmemessage ko sa kanya sa fb .. kahit dun man lang makabawi ako ..

DECEMBER 6, 2012

i received a call from her ..

" hi bha'bha kamusta na ikaw? sorry po kung di makatawag ng madalas hirap ng signal ee tsaka medyo bz po .. " bungad niya sa akin

" hmm ok lang yun .. kamusta ka na? miss na kita natatanggap mo ba yung mga text at message ko? "

" hmm opo pero minsan late ko talaga naereceive .. basta message ka lang .. kahit tatlong beses lang isang araw buhay na ko nun hehe .. iloveyou bha balik na po ako sa work tawag na lang ako sa monthsary natin .. "

" hmm ok po antayin ko yun .. iloveyou too .. bahave ka diyan! "

yun lang at naputol na ang linya ..

DECEMBER 8, 2012

im looking forward to this day .. inaasahan kong tatawag siya .. i even send her messages para batiin sa espesyal na araw naming dalawa :) i even posted on her wall sa facebook ..

" i miss holding your hand :( even we were apart im still here waiting for you .. happy monhsary bha .. imissyou and iloveyou po .. sana behave lang talaga diyan .. happy 46th monthsary .. "

maghapon akong nagantay sa tawag na ipinangako niya .. pero walang rochelle na tumawag o kahit message man lang wala akong natanggap galing sa kanya .. nakakapanlumo yung natapos yung araw na hindi man lang siya nakausap .. i tried calling her pero gnun pdin hindi ko pa din siya makontak .. inintindi ko na lang .. baka wala siyang signal or what so ever ..

nakatulugan ko na lang ang pagaantay sa tawag niya .. sa halos apat na taon na kami unang beses nangyare na wala akong kahit anung text o tawag na natanggap galing sa kanya ..

DECEMBER 09, 2014

nagising ako na may text na natanggap galing sa kanya .. naexcite akong basahin yun at malaman kung anu ang dahilan kung bakit ngayon lang siya nakapagparamdam ..

" bha sorry .. nakalimutan ko pong monthsary natin .. sobrang bz po kasi ee "

anu daw? tama ba ko ng nabasa??? nakalimutan?? wow aa!!! halos apat na taon ngayun pa nakalimutan? bz? woooooohhhhh!!! kakapang init ng ulo!!!

" sana di ka na lang nagsabe na tatawag ka .. isa pa bha halos apat na taon na nating sinecelebrate yang monthsary na yan .. ngayon mo sasabihin sa aking nakalimutan mo??? busy ka? ako ba hindi? wala bang kalendaryo diyan sa barko? wala ka bang break man lang? 24 hours ka bang nakaduty? tsss "

ewan sa lahat ng ayokong dahilan ee yung ganyan .. nakalimutan? tsss busy??? ako ba hindi busy? nagtatrabaho din naman ako aa .. pero kahit kelan hindi siya naalis sa isip ko .. ang sakit sakit lang na ganun ang idadahilan niya sa akin ..

may iba nanaman akong nararamdaman .. sabihan na akong paranoid pero ewan! last time i checked na ganito ang naramdaman ko me kinalolokohan siyang iba! aaaa ewan!!!!!

----

kinabukasan nakita kong nagappear sa news feed kong nagupload siya ng pictures .. ako na usisera tiningnan ko ang mga iyon .. then i saw this picture that caught my attention .. may isang girl na nakakiss sa kanya sa cheeks and she's holding the cheek of the girl .. uminit ang ulo ko sa nakita ko .. ito ba ang sinasabe niyang busy siya? paranoid na kung paranoid .. pero anung mararamdaman ko after niyang kalimutan ang monthsary namin at idahilang busy siya? asan ang hustisya para paniwalaan ko siya?

maiiwasan ko bang wag magduda sa mga nangyare noon? pilit ko naman kinakalimutan yung mga iyon pero eto siya hindi niya ako binibigyan ng dahilan para kalimutan yun kung hindi binibigyan niya ako ng dahilan para mas pagdudahan siya ..

gulong gulo ang utak ko .. hindi ko alam kung ano ang mararamdaman .. ang tanging alam ko lang ee nasasaktan ako .. kung anung pinaglalaban ko? ewan ko hindi ko rin alam .. haist ..

mAtapos kong makita yung picture na yun nagisip na akong makipaghiwalay sa kanya .. tingin ko kasi ngayon pa lang na hindi pa siya nagtatagal na nakakaalis ee nahihirapan na siya at puro pagdududa na ang nararamdaman ko what if pa kung tumagal kami na ganito ang sitwasyon naming dalawa?

DECEMBER 12, 2012

" i will give you the freedom you've always wanted .. kung nahihirapan ka .. sana naisip mo man lang na ako din naman nahihirapan .. di ko lang talaga makuhang isipin na yung halos apat na taon nating pagsasama ee malilimutan mo yung buwan buwan nating monthsary .. kahit na anung busy naman siguro ng tao may oras parin siya para sa taong "mahal" niya .. " text ko sa kanya ..

" freedom i've always wanted? wow aa hmmm sige kung yan ang gusto mo wala na akong magagawa .. "

sinapian lang magupdate ipagpaumanhin kung maiksi lamang itong update na ito .. ito ay bunga lang ng hindi ko malamang emosyon ahahahahahaha ..

" di bale ng matalo ako sa laban alam ko naman sa sarili kong hindi ako nandaya! :)) "

distanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon