" never choose someone who needs to think twice about choosing you .. "
--
bumaliktad naman ang sitwasyon ni pia at rochelle ngayon .. si rochelle naman ang nanunuyo ngayon kay pia .. hinayaan lang naman ni pia na gawin ni rochelle kung anung gusto niyang gawin .. gusto niyang makita si rochelle na talagang desidido sa desisyon niya ..
--
rochelle's pov ..
matapos ang paguusap namin ni pia .. hindi ako sumuko na suyuin siya .. napagisip isip ko na hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko ..
isang gabi hindi ako makatulog .. hindi mawala sa isip ko si pia .. gusto ko siyang makita .. sa twing itetext o tatawagan ko naman kasi siya para magkita lagi naman hindi ang sagot niya .. wala naman ako sa lugar para magalit o mag demand dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit siya naging matigas .. hindi ko rin naman siya mapuntahan sa kanila dahil hiyang hiya ako sa mga nagawa ko ..
nagpasya akong umalis kahit gabi na .. gusto ko lang siya makita kahit sulyap lang .. alam ko naman na nakatambay lang yun ng gantong oras kasama nila ate mela at honey ..
" ate san ka pupunta? gabi na aa .. " tanong sa akin ng nakakabata kong kapatid na si pauline ..
" puntahan ko lang si pia .. " sagot ko naman sa kanya ..
" pero ate gabi na magagalit si ate sayo! "
hindi ko na inintindi ang mga sinabe niya dahil tuluyan na akong umalis ng bahay ..
pia's pov ..
nakatambay lang kami nila ate mela .. ng magtext si pauline (kapatid ni rochelle) ..
" ate? andyan ba c ate sa inyo? umalis kasi ee nagagalit si ate hindi kasi siya nagpaalam .. "
" hmm wala .. san daw ba siya pupunta? " reply ko dito ..
" pupuntahan ka daw kasi niya ate ee .. "
" ha ee wala naman dito ee .. hayaan mo tatawagan ko "
" sige ate salamat .. "
asana naman kaya yung babaeng yun at nakuha pang umalis ng gantong oras ..
idadial ko na ang number nia ng sabihin ng pinsan ko na ..
" ate nakita ko si ate rochelle andun sa kanto .. "
bumaling ako kay ate mela at nagpaalam na pupuntahan ito ..
pagkakita ko sa kanya mugtong mugto ang mata niya .. halatang galing sa iyak ..
" bha anu ka ba bakit ka andito? anung oras na ohh tumawag si pauline sa akin hinahanap ka ng ate mo .. " bungad ko sa kanya
" wala lang gusto lang kitang makita .. " matamlay niyang tugon sa akin ..
" gabing gabi na halika at ihahatid na kita .. "
" bha .. kausapin mo naman ako ohh .. iniiwasan mo ko ee .. "
sasagot na sana ako ng magring ang telepono ko .. pagtingin ko mama niya ito ..
" hello pia kasama mo ba si rochelle? nagagalit kasi ang ate niya ee umalis ng di nagpapaalam .. "
" aa opo tita andito po siya di ko naman po alam na pupunta siya dito ee ihahatid ko na lang po pauwe .. "
" pasensya ka na pia ha ..msana maauyos niyo na yang sa inyo .. "
" aa opo tita .. "
" sige magiingat kayo .. pasensya ka na talaga pia .. "
" ok lang po yun tita sige po .. "
