.16.

91 1 0
                                    

" don't want to leave, but we both know sometimes it's better to go. somehow i know we'll meet again, not sure quite where and i don't know just when you're in my heart, so until then, smile, don't want to cry saying goodbye. "

manila ..

pia's pov ..

lumipas ang mga araw na normal lang ang pakikitungo namin ni rochelle sa isat isa .. patuloy ko pa rin siya sinusuyo pero pinanghihinaan na din ako ng loob .. unti unti ko na din natatanggap na baka nga hanggang dito na lang kaming dalawa ..

binabaling ko na din ang atensiyon ko sa ibang tao .. at ibang bagay para lang malimutan ko na si rochelle .. ang tanging tinatanim ko na lang sa isip ko ay siguro nga ito na yun .. na hanggang dito na lang talaga kami at kailangan ko na talaga mag move-on at palayain siya .. tutal yun naman ang gusto niya ee .. pinapanalangin ko na lang talaga na sana mas mapabilis ang proseso ng pag-alis ko para takasan at makaalis na sa anino ni rochelle ..

mahal ko siya oo mahal na mahal pero hindi ko na nakikita sa kanya na gusto niya pang ipagpatuloy itong relasyon namin .. relasyon pa nga bang matatawag ito .. ang tanging alam ko lang ay sobra na kong nasasaktan sa mga nangyayari sa aming dalawa ..

rochelle's pov ..

ilang linggo na din ang nakalipas ng makabalik kami ni pia dito sa manila .. simula noon ay naging maayos naman ang pakikitungo namin sa isat isa .. napansin ko nga lang na medyo nanlalamig na din siya sa akin .. siguro nagsawa na din siya sa kakasuyo sa akin .. bakit ba apektado ako? ee eto naman ang gusto ko di ba?

bakit kung kelan mukhang tumigil na si pia sa kakasuyo sa akin tsaka ko naman siya hinahanap hanap .. hindi ba dapat masaya ako? kasi ito naman talaga ang gusto ko.. pero bakit hindi ganun? bakit namimiss ko yung mga pangungulit niya? bakit hinahanap ko ang presensya niya .. haist anu ba naman yan .. hindi ko na maintindihan ang sarili ko .. ito naman ang gusto ko pero bakit ganito iba nanaman ang nararamdaman ko ngayon ..

--

maraming nagbabago araw araw .. si pia nasasanay na at tinatanggap na hanggang magkaibigan na lang sila ni rochelle .. althought alam niya sa sarili niya kung gaano niya pa kamahal si rochelle unti unti niya ng natatanggap na hanggang dun na lang sila .. pinipili niyang magpatuloy sa buhay na hindi kasama si rochelle ..

si rochelle naman ay napapaisip pa rin kung tama ba ang desisyon na ginawa niya ng hiwalayan niya si pia .. ngayong nakikita niya itong masaya na hindi siya kasama may anung kirot sa puso niya ang hindi niya maipaliwanag ..

rochelle's pov ..

hindi na halos nagpaparamdam si pia .. bakit kaya? at bakit kailangan ko pang alamin iyon? dapat nga masaya na ako ee .. kasi ito naman ang gusto ko .. pero bakit nasasaktan ako ngayon??

maitext nga ..

" bha? "

" hmmm? "

hmm? hhmm lang ang sagot? tsk!

" kamusta? busy ka? bakit di ka na nagpaparamdam? "

" hmm wala lang .. ito naman ang gusto mo di ba? binibigay ko lang .. "

ang sungit naman nito! :( pero tama naman siya ee ako naman ang may gusto nito .. haist ..

" sungit naman .. kita tayo? "

" ha? ee para saan pa? "

para saan nga ba? bakit kailangan ko pa siya yayain makipagkita?

" hmm wala lang .. usap tayo? "

" pwede naman tayong magusap ng ganito lang di ba? tsaka sabi mo di naman natin kailangan magkita araw araw ee .. "

aww! onga naman .. haist bakit ganito? nasasaktan ako ngayon sa mga sinasabi niya? bakit feeling ko narereject ako? ganun pala yung pakiramdam .. ganun pala yung pinaramdam ko sa kanya ..

distanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon