.13..

134 3 2
                                    

" if you really love that person, learn to wait .. maybe you're not meant to be together today but meant to be in the future .. "

lumipas ang araw, linggo at buwan .. si rochelle ay patuloy na nagaaral ulit sa kinuha niyang kursong baking and pastry .. si pia naman ay abala din sa pagaasikaso ng mga papeles niya paalis ng bansa .. sa bahay ng mga lola niya sa makati siya namamalagi .. dahil mas malapit ito sa agency nila ..

pia's pov ..

nakatambay kami ngayon sa tapat ng aming bahay nila ate mela .. nilulubos ang mga sandali naming araw dito sa pinas kasama ang bestfriend namin na si honey ..

ilang araw na kaming hindi ayos ni rochelle .. nitong mga nakaraang araw panay ang away namin sa maliliit lang namang dahilan .. mabilis uminit ang ulo niya .. hindi ko alam kung bakit .. may kakaiba din akong nararamdaman .. ayoko naman magtanong dahil sa tuwing tinatanong ko kung may problema kami .. nagagalit siya .. kaya iniiwasan ko na lang din ang magtanong .. pero ito magiisang linggo na kaming hindi ayos .. siguro dahil abala kami pareho siya sa pagaaral niya at ako sa pagaasikaso ng mga kakailanganin ko paalis ..

" hmm ate mela? panu ba makipag break? " tanong ko kay ate mela ..

alam kong hindi solusyon ang pakikipaghiwalay pero naguguluhan na ko sa sitwasyon at nararamdaman ko .. may kung anung gumugulo sa isipan ko hindi ko naman mawari kung ano ito ..

" ano? bakit? para kang sira diyan! " sagot ni ate mela sa akin ..

" hmm wala lang hayaan na nga .. tara kain na lang tayo libre ko kayo kay 'tatay' "

" sige ba tara! "

ang bibilis lang ng mga to basta libre ee .. papunta kami ngayon kay tatay hehe di namin alam kung anong pangalan niya ee nagtitinda siya ng mga almusal ee inaabot naman kami ng madaling araw sa pagtambay ee kaya lagi kaming kumakain dito ehe ..

" di pa rin ba kayo ok? magiisang linggo na yun aa .. anung problema niyo? " tanong sa akin ni ate mela habang naglakakad kami papunta kay tatay ..

" hindi pa nga ee .. di ko nga alam kung bakit inabot kami ng ganito .. di ko din naman alam kung anung problema namin .. " sagot ko sa kanya ..

" baka may babae .. " baling niya sa akin ..

hindi na ako sumagot .. sa totoo lang naisip ko na din yan .. ayoko lang magaasume na baka meron nga .. at baka lalo lang kaming magaway ..

nakarating kami kay tatay .. kumain pagkatapos ay umuwe na din para matulog .. ganito lang naman ang buhay namin sa araw araw ee ..

lumipas ang mga araw naging maayos na ulit kami ni rochelle .. pupuntahan niya ako ngayon kasama ang kapatid niyang si pauline .. usapan kasi namin na magjajogging ee ..

habang nagjajogging kami .. sadyang mailap pa rin sa akin si rochelle .. hindi ko alam kung bakit .. hindi ko naman maitanong sa kanya dahil kasama nga namin ang kapatid niya ..

ng matapos kami dumeretso kami sa bahay .. pumasok ako sa loob para uminom ng tubig .. paglabas ko naabutan kong may kausap si rochelle sa telepono .. hindi ko siya tinanong kung sino iyon baka mama niya lang o kaya ang papa niya .. nilapitan ko si pauline para tanungin kung sino ang kausap ng ate niya sa phone ..

" sinong kausap ng ate mo? " tanong ko sa kanya ..

" ha? aa ee si mama ate .. " sagot naman nito sa akin ..

nagkibit balikat na lang ako .. di nagtagal ay umuwe na din sila rochelle ..

ewan pero hanggang ngayon balisa ako .. kakaiba ang mga kinikilos niya .. palakas ng palakas ang kutob ko na may ginagawa siyang hindi maganda .. haist ayokong magisip pero yun ang mararamdaman ko .. :(

distanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon