" never regret anything, because at one time it was exactly what you wanted .. "
simula ng naging paguusap ni pia at rochelle .. lagi na nila itong nakakasama sa school man o kung magkakaroon man sila ng lakad .. hindi naman na nag-usisa pa ang magkakaibigan kung bakit lagi ng sumasama sa kanila si rochelle .. marahil ay alam na din ng mga ito ang dahilan ..
mabilis lumipas ang mga araw .. si pia ay patuloy na tinago ang nararamdaman niya para kay angeli .. kahit isa wala siyang pinagsabihan nito .. ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila ni angeli ng dahil lang dito .. may mga pagkakataon pa din naman na nagkakatampuhan sila angeli at aldrin .. pero agad naman nila itong naaayos .. natutuwa naman si pia dito dahil malaki na ang pinagbago ni aldrin ..
naging tahimik si pia .. lahat ay nagtagaka kung bakit siya biglang nagkaganon .. kapag tinatanong naman siya kung anung problema .. wala naman ang lagi niyang sagot sa mga kaibigan ..
lunch break ..
" guys mag unwind naman tayo .. masyado na tayong stress sa mga activities sa school .. swimming tayo before mag christmas break .. " pagyayaya ni shiela habang kumakain sila ..
" saan naman at kailan yan ng mapagipunan na .. " tanong naman ni joel ..
" sa sea breeze na lang para malapit lang .. (^_^)v " singit naman ni kath sa usapan ..
" palibhasa malapit sa inyo ee " baling ni cam sa kanya ..
" onga!!! " sang'ayon naman ng lahat ..
" ee saan nga? yun lang naman ang madaling puntahan na hindi masyadong malayo sa ating lahat .. tsaka wag na tayo sa masyadong malayo .. " sagot naman ni kath sa kanila ..
abala silang lahat sa pagpaplano samantalang si pia tahimik lang na nakikinig sa kanila ..
napagkasunduan nila na sa sea breeze na nga lang mag- swimming .. tutal malapit yun kela kath pwede silang mg overnight sa bahay nito .. sa darating na weekend nila nai'set ang nasabing swimming .. lahat sila ay makikitaan ng excitement maliban kay pia na oo lng ng oo sa mga napagkasunduang plano ng mga kaibigan niya ..
angeli's pov ..
maayos na kami ni aldrin nitong mga nakaraang araw .. sinisigurado niya na may oras siya sa akin .. hindi ko din naman siya pinagbabawalan na makipagkita sa mga kaibigan niya .. basta siguraduhin niya lang na may nakalaan siyang oras para sa akin .. ayos lang naman yun sa akin na paminsan minsan ang mga kaibigan niya ang kasama niya ..
napapansin ko ang hindi pag imik ni pia nitong mga nakaraang araw .. at aksidente kong nalaman yun kung bakit ..
-- flashback --
" bunch? patext ako? " hiram ko ng phone kay pia .. itetext ko sana kasi si aldrin .. di naman siya nag dalawang isip na ipahiram sa akin ang phone niya ..
" ohh hawakan mo muna yan .. wala naman akong katext ee .. " sabi niya sa akin sabay abot ng phone niya ..
inabot ko naman yun at nagsimulang magtext .. habang inaantay ko ang reply ni aldrin .. kinalikot ko ang phone ni pia .. ako na pakielamera di ba? napunta ako sa mga notes niya at ang daming naka'save dun na mga messages .. hilig lang talaga nun sa ganun .. di kasi yun mapaglabas ng sama ng loob ee .. mas gusto niya na sinasarili ang nararamdaman at problema niya .. isa isa ko yun binasa ..
" nasasaktan ako sa twing iiyak siya sa harapan ko ng dahil sa lalaking yun .. kung sana may magagawa lang ako para maalis lahat ng sakit na nararamdaman niya .. "
