VII.

196 9 13
                                    

" someone who really loves you sees what a mess you can be .. how moody you can get .. and how hard you are to handle but still wants you in their life .. "

lumipas ang mga araw na malayang nakakapag lambingan sila kath at mary ann sa harap ng mga kaibigan nila .. sweet sweetan lang ee ..

si angeli ayun laging problemado sa pasaway niyang boyfriend na si aldrin .. lagi din naman niyang takbuhan si pia ..

lalo silang napapalapit sa isat isa .. kapag nasasaktan at iniiwan sa ere ni aldrin si angeli laging to the rescue naman si pia ..

isang araw .. nagkatamarang pumasok ang magkakaibigan .. pero wala naman silang maisip na gawin at puntahan ..

" shot tayo? " biglang sambit sa kanila ni angeli ..

ngiting tagumpay ang itsura ng magkakaibigan .. sa sinabi ni angeli .. so nauwe sila sa bahay nila angeli at dun naginuman ..

pia's pov ..

wooooh! nakakatamad pumasok! mademonyo nga tong mga to hahaha mukhang tamad na tamad din sila ngayung araw na to ee ..

" guys pasok kayo? "   hihihi alam ko na itong tanong na to ang kahinaan nitong mga to ee

(^_^)v

" ikaw? "   sabay sabay nilang tanong haha .. alam nah!

" eeee tinatamad ako haha wala naman tayong gagawin ee .. kakatapos lang naman ng midterm ee .. "     sagot ko sa kanila ..

" oo nga wala namang gagawin ee .. wag na tayong pumasok .. "    pagsasang'ayon naman ni joel .. sabik din sa gala ee ahaha ..

" saan naman tayo pupunta tsaka anung gagawin natin? "    sabat naman ni shiela ..

natahimik kaming lahat nagiisip kung san pupunta at ano ang pwedeng gawin .. nakakatamad naman mag malling wala din naman kasing gagawin dun .. hmmm

" shot tayo? "     pangbabasag ni angeli sa katahimikan ..

wwwwoooah! O.O

nabuhayan ng dugo tong mga to ohh ahaha .. pero teka sino ang nagyaya si angeli?? di naman to masyadong umiinom ee .. malamang di nanaman sila ok ni aldrin .. tsk!!

naiinis na ko sa aldrin na yun .. di niya man lang makuhang pahalagahan tong si angeli ..

nitong mga nakaraang araw lalong napapadalas ang pagaaway nila ni aldrin .. ako ang laging takbuhan nitong si angeli .. wala naman akong magawa kung di aliwin siya at panandaliang ialis sa isip niya ang problema niya kay aldrin ..

parang kinukurot ang puso ko pag nakikita ko siyang malungkot .. at mas masakit pag nagkakataong umiiyak pa siya dahil sa lalaking yun .. may mga pagkakataon na parang gusto ko na lang sugurin si aldrin at sapakin sa mukha dahil sa mga ginagawa niya pero alam ko namang di ko kaya yun lalaki pa din yun ee .. anung laban ko dun?

napapaisip tuloy ako kung bakit ko ba to ginagawa .. oo kaibigan ko siya .. pero hindi naman ganito ang nararamdaman ko pag lumalapit sa akin sila kath at mary ann pag nagkakatampuhan sila ee .. pero bakit pag siya parang iba??

arrrrrggghhh!!! ewan ayokong isipin! makapag-enjoy na lang sa inuman na to .. matagal tagal na din naman nmin tong hindi nagagawa kasi masyado kaming busy sa school puro hands-on na kasi ang klase namin ee .. lagi na kaming nasa laboratory ..

tamang tama katatapos lang ng midterm kaya pwede muna magpetiks! :)

isa isa kaming lumabas ng school .. mapapansin kasi kami kung sabay sabay nanaman kaming lalabas ee .. baka maudlot pa tong lakad na to .. hehe ..

distanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon