" nothing hurts more than being disappointed by the single person you thought would never hurt you .. "
pia's pov ..
ang saya .. after one year of searching a job heto at may trabaho na din kami .. at abroad pa ehe ang saya lang makakasama ko si ate mela at syempre ang bha'bha ko :))
tinawagan ko sila mama para ibalita ang nangyare .. tuwang tuwa naman siya dito .. pauwe na kami ng mapansin kong tahimik si rochelle ..
" hmm bha? ok ka lang?? bakit ang tahimik mo yata? " tanong ko sa kanya ..
" hmmm ayaw kasi pumayag nila mama ee .. middle east daw kasi ee .. " sagot niya sa akin ..
aww! oo nga pala .. ayaw ng parents niya na magtrabaho siya sa middle east delikado daw kasi ayon sa papa niya .. nagttrabaho kasi ang papa niya sa abu dhabi kaya siguro takot din ito na magtrabaho siya middle east .. iba daw kasi ang ugali ng mga arabo ee .. haist panu to?? :(
" ganun .. kasama mo naman ako ee .. di ba pwede yun? "
" hmmm di ko alam bha .. alam mo naman na kapag ayaw nila ayaw talaga ee di ba? "
yun lang! haist .. ang saya ko pa naman sana kasi akala ko makakasama ko siya .. pero hindi din pala .. haist panu na kaya to? tatlong taon ang kontrata .. paano na kami? paano na ko???
di na ako sumagot sa sinabi niya .. nanahimik na lang ako nagiisip .. naiinis??? oo naiinis .. haist bakit ba kasi ganito tong si rochelle ee .. masyadong nakadepende sa family niya .. ok lang naman yun ee syempre family yun .. pero di ba its about time para naman gumawa siya ng sarili niyang desisyon sa buhay niya? di na siya bata .. para sa mga ganitong bagay .. isa pa ako naman ang kasama niya ee .. bakit feeling ko hindi niya yun kayang ipaglaban??? bakit feeling ko last priority ako?? yung relasyon namin .. haist ..
naiintindihan ko naman na mahal niya ang family niya at gusto lang niyang sumunod sa mga ito lalo na sa parents niya .. pero panu na ako? kami?? hahayaan niya bang magkalayo na lang kami ng ganun na lang?? eto na yung opportunity ohh .. haist ..
" bha galit ka ba? " tanong niya sa akin .. napansin niya din sigurong wala akong imik ..
" ha? hmm hindi .. wala naman akong magagawa di ba? " sagot ko sa kanya ..
" bha'bha naman ee wag naman sanang ganito .. intindihin mo naman ako .. "
" naiintindihan naman kita ee .. pero kelan ka gagawa ng desisyon mo para sa sarili mo ng hindi mo na kailangan pang itanong sa pamilya mo??? bha naiintindihan kong family sila me rights pa din sila sayo pero di ka na bata diba? me sarili ka ng utak .. graduate na tayo ohh .. kelan ka matututong tumayo sa sarili mong paa? hindi ko naman sinabing talikuran sila ee .. ang akin lang matuto ka naman sanang gumawa ng desisyon para sa sarili mo .. yung ikaw lang? "
" susubukan ko na lang po kumbinsihin sila mama .. wag ka ng ganyan please? "
di na ako sumagot .. hinatid ko lang siya sa bahay nila (sa labas lang di naman kasi ako pwedeng makita ng ate niya ee) .. at umuwe na din ako agad ..
pagkauwe ko ng bahay (sa makati) nagcheck ako ng phone .. may mga text yun at wala namang iba yun kung di si rochelle ..
" bha? asan ka na? bahay ka na ba?? di ka man lang nagtetext! galit ba?? haist .. "
galit? di nga ako galit pero naiinis ako haist! kahit ayaw kong mainis naiinis ako .. selfish ba?? hai gusto ko lang naman siyang makasama ee .. ayaw ko lang naman mapalayo sa kanya ng ganun katagal .. pero anung magagawa ko?? ayaw ng family niya ee .. sino ba naman ako?? haist ..
" bahay na ko .. di ako galit naiinis lang ako .. hayaan mo na muna ako .. papalipasin ko lang tong inis ko .. " reply ko sa text niya ..
lumipas ang mga araw .. at naintindihan ko na din na hindi talaga uubra ang gusto kong mangyari na makasama siya .. :( pinagaral ulit siya ng parents niya ng baking and pastry .. gusto niya yun ee mahilig siya sa mga cake .. ang galing lang ng magulang niya mangumbinsi alam lang kung panu siya aamuhin sa ganyang sitwasyon ..