" it's gonna get harder before it gets easier .. but it will get better, you just gotta make it through the hard stuff first .. "
pia's pov ..
ito na ang pinaka mahabang gabi sa buhay ko .. hanggang ngayon hindi ako makatulog .. mugtong mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak .. walang kasing sakit ang nararamdaman ko ngayon .. hindi ko mahanap ang mga kasagutan sa mga tanong ko .. mga tanong na puno ng 'BAKIT' .. bakit niya nagawa sa akin to .. bakit parang ganun lang niya tinapon lahat ng pinagsamahan namin .. tatlong taon? tatlong taon na itinapon niya na lang ng ganun .. bakit hindi ko makuhang magalit? kung bakit hindi ako naniniwala na sa ganoong kabilis na panahon meron na kaagad akong kapalit .. anung nagawa ko? anung hindi ko nagawa? ano ang pagkukulang ko?
hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak .. nagising ako kinaumagahan na walang kagana gana .. bakit pa ako nagising?? haist sana tuluyan na lang akong nakatulog .. para hindi ko na maramdaman tong sakit na nararamdaman ko .. ayokong bumangon .. ayokong kumain .. ayokong lumabas ng bahay .. ayoko nah .. :( ang sakit sakit :(
sinubukan kong tawagan si rochelle .. nakailang ring pa ang telepono niya bago niya ito sagutin ..
" bha? "
tawag ko sa kanya sa kabilang linya .. hindi siya umiimik pero alam ko nakikinig siya sa akin .. hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko .. wala na akong nasabi kung hindi 'BAKIT' at hagulgol ng iyak ..
" sinabi ko na sayo kung bakit di ba? sige na ayoko makipagusap! "
binaba niya ang telepono .. sinubukan ko ulit tumawag pero hindi na niya ito sinasagot .. nagmukmok lang ako sa kwarto maghapon .. tinatawag ako ng tita ko para kumain pero wala talaga akong gana .. ayoko din magpakita sa kanya dahil alam kong mugto ang mga mata ko .. alam ko namang hindi sila maguusisa kung bakit pero ayoko pa din magpakita sa kanila na mugto ang mga mata ko ..
ng mapagod akong umiyak phone ko naman ang pinagdiskitahan ko .. ganito lang ako .. pag hindi o wala akong malabasan ng sama ng loob ko ang cp ko ang kakampi ko ..
" ayokong magpanggap o kahit magpakaimpokrita at sabihing ok lang ako .. masakit, mahirap pero anong magagawa ko? kailangan ee .. yun ang gusto niya .. alangan namang ipagpilitan ko ang sarili ko .. pero sana makuha man lang niya sabihin sa akin yung totoong dahilan kung bakit ganito .. sa ngayon pinaniniwalaan ko pa rin yung salitang 'ILOVEYOU' bago niya ako iwan :( sana magkaron pa ng pagkakataon na makapagusap pa kami .. hindi para hilingin at magmakaawang bumalik siya sa akin .. kung di para maliwanag lahat sa akin .. aaminin ko nangangapa ako .. hindi ko alam kung paano magsimula ulit .. ang hirap sobra! buong araw kaming naging masaya tapos bibiglain niya ako sa pakikipaghiwalay niya .. ang sakit sobrang sakit .. bakit ganun? hindi ko alam kung anong nagawa ko o kung meron man akong nagawa na hindi niya gusto .. ang sakit!! tatlong taon! tatlong taon tapos ganun ganun na lang ni hindi man lang malinaw sa akin lahat .. :( "
maya maya ay may tumawag sa akin .. si honey pala .. sinagot ko ang tawag niya ..
" boii asan ka? " tanong niya sa akin ..
" dito sa bahay .. " tipid kong sagot sa kanya .. hindi ko kayang makipagusap ng matagal baka umiyak lang ako ulit ..
" lumabas ka diyan tambay tayo! "
wala akong gana pero nangulit sila ni ate mela .. kaya inayos ko ang sarili ko naligo ng mabilis atsaka lumabas ng bahay .. paglabas ko andoon silang tatlo .. si honey si ate mela at ang karelasyon nito ..
naupo ako sa bandang likuran ni honey .. tahimik lang ako .. pilit nila akong nililibang sa mga kwento nila .. ramdam ko na iniiwasan nilang mapagusapan o masali sa usapan namin si rochlle oh kahit ang nangyare kagabi ..
