"loving the same gender is not really a crime .. nagmamahal lang naman tayo ee .. at di naman napipili kung sino ang mamahalin natin .. discriminations are always there .. di na yan mawawala .. but as long as wala tayong natatapakan at nasasaktang tao go lang!"
umuwi na din ng sabay sabay ang mag kakaibigan pagkatapos nilang kumain .. nag hiwalay sila joel, shiela at cam .. sila pia, kath, mae at mary ann naman ay magkakasabay na umuwi dahil iisang way lang naman silang apat ..
pia's pov ..
nakakapagod mag-aral ahahaha .. pero enjoy kasi andyan ang tropa ..
pag ka check ko sa phone ko .. 5 msgs unread .. binuksan ko yun 4 ang galing kay angeli at isa naman kay kath ..
angeli: bunch??
bunch??
bunch????? :(
bunch reply ka naman ohh .. kelangan ko ng kausap .. :(
problema netong babaeng to? siguro di pa din sila ok ni aldrin mreplyan nga ..
"oii bunch sorry late repz .. kauwe ko lang ee .. bakit? anung problema??
tiningnan ko din ang text ni kath ..
kath: thanks kanina crumbz .. to the rescue ka talaga palagi ee .. :)
naalala ko tuloy yung nangyari kanina .. muntik na sila dun ahh .. maka "lablab" naman kasi si mary ann wagas ee ahahaha .. halatang nagulat din siya sa sinabi niya .. at xempre to the rescue naman nga ako :) .. mareplyan nga tong babaeng to at mapagsabihan na din ..
"oi crumbz .. wala yun noh alam niyo namang "lablab's" ko kayo ee ahaha .. kelan niyo ba balak sabihin sa tropa yan? ee confirmation niyo na lang naman ang inaantay nung mga yun ee .. halatang halata na kaya kayo .. idagdag mo pa yung "lablab" kanina ni b1 (mary ann) .. tsaka anu pang point para itago niyo yan sa kanila anu pa at naging magkakaibigan tayo .. tsaka hindi lang naman kayo ang ganyan noh bakit naman si aix ee natanggap nila .. sus .."
pag kasend ko ng text kay kath nkita ko naman na nagtext ulit si angeli ..
a: ok lang bunch .. san kayo galing?
p: kumain lang tapos umuwe na din agad .. anung problema moh?? si aldrin??
a: hmm wala mejo ok naman na misunderstanding lang ..
p: misunderstanding mugto ang mata moh kaninang umaga??
a: nakakainis lang kasi bunch .. monthsary namen kahapon .. pinagpalit ako sa barkada .. tama ba yun? tama bang makalimutan ako? isang araw na nga lang sa isang buwan yung ganung mahahalagang bagay tapos kakalimutan pa .. madalang na nga lang kaming magkita ee ..
ayun naman pala ang minumukmok netong babaeng to ee .. nakalimutan ang monthsary amp! anung isasagot ko dito? tsk! si kath naman di na nagreply malamang tulog na yun ee takaw tulog talaga yung kapre na yun .. mareplyan na nga lang tong si angeli .. tutal di pa naman din ako inaantok ee ..
p: hmm baka naman kasi importante yung lakad nilang magkakaibigan .. or matagal ng nakaplano yun?
a: importante?? e naginom lang naman sila! tsaka importante?? mas importante pa sa akin? tss .. kalokohan naman ata yun bunch!
p: oh relax! nagusap na ba kayo??
a: hmm oo ayun super sorry naman siya .. kaya mejo nahimasmasan na ako .. kaya nga ako di nakasama sa inyo kanina ee .. nakipagkita at babawi daw siya ..
p: oh yun naman pala ee wag ka ng mgemote diyan .. i'm sure di niya na malilimutan yang petsa na yan buwan buwan ahaha .. cheer up bunch! lahat naman nadadala sa maayos na paguusap ee .. kng galit ka magpalamig ka muna ng ulo bago mo siya kausapin .. kasi kung mainit yang ulo mo at maguusap kayo wala ding magandang mangyayare sa paguusap niyo ..