" don't take people for granted .. no matter how much they love you .. people get tired eventually .. "
rochelle's pov ..
bumyahe kami ni pia pa bicol .. laking pasalamat ko at andyan pa rin siya sa tabi ko pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya .. maling mali ako .. bakit ko sinaktan ang isang gaya niya ..
habang nasa byahe .. nakasandal lang ako sa balikat niya .. gustong gusto ko lang sumandal dun ang lambot kasi ee hihi .. haist i know i still love her sobra .. kahit naman nakipaghiwalay ako sa kanya alam ko sa sarili kong mahal ko pa siya ee .. its just that nahihirapan lang talaga ako na magkakalayo kami .. alam kong patuloy ko lang siyang masasaktan kung ipagpapatuloy ko pa ang relasyon namin .. kilala ko ang sarili ko .. ang dami kayang tukso .. at alam kong mahina ako sa temptasyon ..
buong byahe ay tahimik lang akong nakandal kay pia .. di siya mapalagay .. alam kong hindi siya nagpaalam na sasama sa akin .. hindi ko din naman masabi sa parents niya na ako ang kasama niya .. wala na kong mukhang ihaharap pa sa kanila pagkatapos ng mga ginawa ko kay pia ..
after 1234567 12 hours nakarating din kami sa bahay .. nagulat si mama ng makita niyang kasama ko si pia .. alam niyang hiniwalayan ko ito .. kaya siguro marahil nagulat siya ng makitang kasama ko ito .. gusto ni mama si pia .. kaso huli na lang niyang napagtanto na nasa mabuti akong mga kamay ..
agad kaming dumeretso sa kwarto ni nanay para makita ang lagay niya .. laking tuwa naman ito ng nakita niyang kasama ko si pia .. napalapit na din kasi ang loob ni nanay sa kanya .. at ganun din naman si pia sa family ko .. lagi niyang sinisiguro na maayos ang pakikisama niya sa kahit na sinong ipakilala ko sa kanya na miyembro ng family ko .. kahit alam niyang sa simula ay tutol ang mga ito sa kanya ..
pinagpahinga na muna kami ni mama .. pagod din daw kasi kami sa mahabang biyahe ee .. kung dati ay magkatabi kami sa kama ngayon ay iba na .. doon siya humiga sa kabilang kama .. hindi ko naman siya pinigilan dito .. wala din akong karapatang hingin sa kanya na tumabi sa akin .. masaya at nagpapasalamat na din ako na ksama ko siya ngayon ..
eto nanaman kami ni pia .. sa iisang bahay nanaman kami mamamalagi .. nakakamiss yung ganito .. alam kong di na kami gaya ng dati pero mamimiss ko yung ganito kami na parang mag-asawa .. mas mamimiss ko to pag nakaalis na siya .. haist ang tanga tanga ko kasi ee wala akong tiwala sa sarili ko .. sa dami ng tuksong nakapaligid hai ewan!!!
pia' pov ..
pagkarating namin dito kela rochelle agad naming pinuntahan ang lola niya .. natutuwa ako na masaya si nanay na makita ako .. nagulat naman ang mama ni rochelle na kasama ako ni pia .. siguro naikwento na niya dito ang tungkol sa amin ..
pagkatapos kumain ay nagpahinga na kami ni rochelle .. dami kong pagod di naman ako nakatulog ng ayos sa byahe dahil inaalala ko sila mama .. hindi kasi nila alam kung nasaan ako ee .. hindi ko naman masabing kasama ko si rochelle .. tiyak na malalagot talaga ako ..
pagpasok sa kwartong paglalagian namin ni rochelle .. dumeretcho ako sa kabilang kama .. gustuhin ko mang tumabi sa kanya at lambingin siya di ko magawa .. natatakot ako na baka ipagtabuyan niya lang ako .. kaya mabuti na rin yung ganito ..
hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako .. pagkagising ko wala sa kabilang kama si rochelle .. nahihiya naman akong lumabas ng kwarto .. maya maya pa pumasok si rochelle sa kwarto ..
" ohh gising ka na pala .. kain na tayo? "
tumango lang ako atsaka nag-ayos palabas ng kwarto .. dumerecho kami sa hapag kainan .. naroon din ang mama niya at ang bunso niyang kapatid .. tahimik kaming kumakain ng magsalita ang kapatid niya ..
