" relationships are like birds .. if you hold tightly, they die .. if you hold loosely, they fly .. but if you hold with care,bthey remain with you forever .. "
angelis's pov ..
nakakainis!! lagi na lang kaming nagaaway ni aldrin .. ayokong isipin ng dahil mas bata siya sa akin kaya lagi kaming di magksundo .. may mga bagay siyang ginagawa na hindi niya sinasaalang alang kung masasaktan ba ako o hindi .. minsan naiisip ko kung mas mahalaga pa ang dota at ang barkada niya kaysa sa akin ..
dumadating sa punto na iaatras niya ang lakad namin para lang sa barkada niya .. anu ako display lang? na kung kailan lang siya libre tsaka niya ako maaalala? tsaka niya maiisipang makipagkita sa akin? nakakapuno!! minsan gusto ko ng bumitaw .. kaso sa twing naiisip kong mahal ko siya nanghihina ako at natatakot kung talaga bang kaya ko makipag hiwalay sa kanya .. :(
buti na lang at laging nandiyan si pia .. kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko twing nakakausap ko siya ..
ang galing lang nung taoong yun magpagaan ng pakiramdam .. pag siya ang kausap ko pakiramdam ko maaayos ang lahat .. lagi niya kasing sinasabi sa akin na pagisipan ko munang maigi ang mga bagay bagay bago ako gumawa ng desisyon ..
kagaya ngayun .. may lakad dapat kami ni aldrin pero hindi natuloy dahil nanaman sa barkada niya .. ang sama sama na ng loob ko .. :(
wala naman akong makausap tungkol dito kung di si pia lang ..
speaking of pia .. maitext nga ng gumaan naman ang pakiramdam ko ..
" bunch? "
sana magreply .. sabado naman ngayon at walang pasok ee .. baka nasa bahay lang nila yun ..
after 10 min ..
di nagrereply si pia aa .. baka may ginagawa lang .. antay antay ka lang angeli magrereply din yun .. maitext nga ulit ..
" bunch?? busy ka? "
lumipas ang kalahating oras hindi pa din nagrereply si pia .. baka naman walang load yung babaeng yun .. amp! kung kailan naman kailangan ko ng makakausap tsaka di mahagilap to si pia .. haist .. mapaulanan nga ng text ..
" bunch? wala kang load? "
" oiii bunch? kausapin mo naman ako ohh "
" bunch? :( pinagpalit nanaman niya ako sa barkada tama ba yun? :( "
" haist mas importante pa ang barkada kesa sa akin .. "
" bunch? please text back! :( i need someone to talk! "
lumipas ang mga oras na walang pia na nagtext .. baka nga walang load or baka may lakad .. wrong timing naman :( kung kelan kailangan ko ng makakausap tsaka wala yung taong maasahan ko haist ..
pia's pov ..
pagkauwe ko ng bahay galing kanila kath .. tsaka ko lang naalalang hagilapin ang phone ko .. maghapon ko pala to hindi hinawakan .. masyado kasi akong nalibang sa bonding namin ng mag "lablab" hehe ..
pagtingin ko sa phone ko .. ang daming messages .. at lahat yun ay nanggaling kay angeli ..
anu nanaman kaya ang problema nitong babaeng to .. siguro magkaaway nanaman sila ni aldrin .. tsk!
isa isa kong binasa ang text nia .. at hindi nga ako nagkamali .. magkaaway nanaman silang dalawa .. hay naku naman kasi yung lalaking yun .. mas importante pa ang barkada niya kesa kay angeli .. nakakainis yung ganun tsk
naaawa naman ako kay angeli .. di niya din naman mahiwalayan yung lalaking yun .. mahal niya ee .. woooohhh!! pagibig nga naman .. mareplyan na nga lang tong babaeng to tsk!