-O-

1.5K 110 71
                                    

Dahil sa madulas na kalsada. Isang Suv ang naaksidente sa kasagsagan ng ulan. Kasabay ng malakas na kulog ay ang pagsigaw ng isang babae na humihingi ng tulong.

"Tulong! Tulungan niyo kami please!!"

Ngunit dahil na rin sa walang kabahayan ay walang nakuhang tulong ang babae.

"J-jill, iwan mo na kami dito, paki usap umalis ka na dito, b-bago pa ito sumabog ." Hinang-hina na sabi ng lalaki na nagngangalang Jack. Tumagos ang tubo sa tyan nito.

"Hindi! Hindi ko kayo iiwan ni Tita dito. Ayokong iwan mo ako Jack! Hindi ko yon kaya, please kayanin mo ang sakit!" Pasusumamo ng babaeng nag ngangalang Jill. Ito lang ang pinagpala dahil nakatamo lang siya ng galos. May isa pa silang kasama at iyon ay ang ina ni Jack na siya namang driver ng kotse. Wala na itong malay dahil narin sa malakas na pag untog nito sa manubela.

Kumilos si Jill at inilabas niya si Jack, ngunit wala na itong malay. Kinabahan siya at bigla niyang inilagay ang tenga sa dibdib ng binata. Nakahinga siya ng maluwag ng mapagtantong humihinga pa ito, sinunod niyang nilabas ang ina ni Jack. Nang mailayo, hindi niya alam ang gagawin kung paano siya makakahingi ng tulong.

Nagring ang cellphone at naiwan iyon sa loob ng kotse, nakakuha ng pag asa si Jill at patakbo siyang lumapit sa kotse at pilit inaabot sa loob ang phone.

Nang makuha niya ang phone ay agad niya itong sinagot. Dahil na rin sa sabik makahingi ng tulong ay hindi agad siya umalis sa kotse.

"Jill! Sa-

"Naaksidente kami! Kailangan ko ng tu-tulong niyo please!" Deperadang sagot ni Jill habang umiiyak.

"Ano! Saan kayo?'

"Dito kami sa Brgy. Maraming Aksidente bilisan niyo marami ng dugo ang nawala kay Jack!"

"Oo papun---

BOGS!!!!!!!!!

Sumabog na ang kotse ng pagkalakas lakas.
At nakasama doon si Jill sa pagsabog.

Bago mawalan ng ulirat si Jill, hinalikan niya muna ang kwintas na may kalahating puso ang pendant. Sa kwintas na iyon sila nangako at ito rin ang bagay na nag witness sa naging kontrata nila na "Walang iwanan."

Tandaan mo na mahal na mahal kita Jack. Ang pangako natin sa isat-isa ay tutuparin ko. Gagawa ako ng paraan para magkasama ulit tayo.

Bulong ni Jill sa kwintas bago siya tuluyang masunog.



Kamusta po story?
Please comment;

Any Reactions
Suggestions
Corrections
and Advices

The Unbroken Promise #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon