Dedicated to: Byancz
Genie Pov.
"Anong gusto mong kainin?" tanong sakin ni Jack. Andito kami ngayon sa condo niya. Balak ko sanang umuwi kasi baka hinahanap na ako nila Ivan at Ate Shine sa ampunan, paniguradong mag aalala ang mga yon. Pero hindi pumayag si Jack, sabi niya kasi namiss niya daw ako ng sobra at mahigpit na niya akong pinagbabawal na pumunta sa ampunan na yon. Simula daw ngayon ay dito na ako titira pero hindi ako komportable, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng sobra pag kasama siya.
"Hey? Tulala ka na naman." pinitik niya ang noo ko.
"Sorry, hehehe, ahm ano, adobo na lang yong may pinya diba favorite mo rin yon?" Oo alam kong favorite niya yon, hindi niya titigilan papakin yon hanggat meron.
Nakita kumunot ang noo niya.
"pineapple?" iritado niyang bulong, pero malinaw ko parin yon narinig."Im sorry Jill, pero ano hindi na ako nun kumakain kasi may allergy ako don." Sabi niya sakin. Pero imposible! Ang alam ko wala siyang allegry don!
"Ka-kailan ka pa nagkaroon mg allergy don?"
"Since na magka amnesia ako. Maybe kaldereta na lang ang kainin natin." hindi ako satisfy sa sagot niya, pero binale wala ko na lang yon.
"Wow! Gusto ko yan! Basta luto mo."
umasim ulit ang mukha niya at umiling."Sorry pero ano kasi, hindi ko alam magluto, dahil alam mo naman na may amnesia ako. Magpapadeliver na lang ako dito." pagdadahilan niya ulit. Wala sa sariling tumango ako sa dahilan niya. Jack? Ikaw ba yan? Bakit ang laki ng pinagbago mo? Lahat ng gusto mo noon ngayon ayaw mo na. Hay.... ganito ba ang magagawa ng amnesia.
Ng matapos kami kumain ay agad siyang nag anyaya na magmovie marathon kami. At ito na naman tayo, pinapanood namin ay yong House of Wax na nakakatakot! Ang alam ko hate niya panoorin ang mga brutal na palabas, pero bakit ngayon ang saya saya niya habang may minamasacre. Baliktad na yong kilala kong Jack dati. Ng matapos kaming manood ay nabigla ako ng patayin niya ang ilaw. Alam ko takot siya matulog pag walang ilaw?
"Kung anu ano na naman ang iniisip mo. Matulog na tayo para may lakas ka na ipaglaban ako bukas." inaantok na sabi niya sakin. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Oo nga pala magkatabi kami ngayon sa master bed niya.
Masaya kaming tumungo sa basement kung saan nandoon ang sasakyan ni Jack. Kasama ko ang isang ginang na may edad na ngunit hindi parin kumukupas ang angking kagandahan. Hindi ko lang makita ng malinaw ang kanyang mukha dahil blurd ito.
"Ay naku! Pag pinanood mo siya ng horror lalo na yong Saw ay naku hindi yon makakakain ng isang linggo. Napaka sensitive kasi ng batang yon." matawa tawang sabi sakin ng ginang.
"Pero pag nilutuan ko siya ng adobo with pineapple, naku paniguradong mag kakaroon yon ng ganag kumain, paborito niya kasi yon. Ang swerte mo nga sa anak ko at marunong yon magluto, pwede mo siyang gawing chef sa bahay kung mag asawa na kayo."
Nakarating kami sa basement at patungo na sa sasakyan ni Jack ng may lalaking tumakbo ng mabilis at mukhang nanggaling yon sa kotse ni Jack. Bigla ako kinabahan at baka isa yong carnapping at balak nakawin ang kotse ni Jack. Ako lang ang nakapansin sa lalaking tumakbo at nakasumbrero kaya hindi ko masiyadong napansin ang mukha nito. Buti na lang at nakarating kami dito sa basement bago pa man makuha ng carnapping ang kotse ni Jack.
Maya maya ay nakarating na rin si Jack sa basement.
"Sorry kung natagalan ako." sabi ng nasa likod namin at napangiti ako ng makita siya, may kasama siyang tatlong body guards.
"Jack." blurd parin ang mukha niya. Nakita kong magulo ang necktie niya kaya inayos ko.
"Thanks Jill, hey wait nasan ang mga body guards niyo?"
"Pinaday off namin ni Tita kasi puyat na sila at baka magkasakit pa sila."
"Edi sana nagrequest kayo sa agency nila na kumuha ng reliver nila."
"Ano kaba Jack, naaalibadbaran ako pag may mga sumusunod sakin, hindi ako sanay."
"Kahit na dapat masanay ka na lalo na't dumadami na ang mga threats nila saatin."
"O siya o siya ngayon lang kami walang body guards eh. Bukas na bukas makikita mong may guards na ulit kami." sabat naman ng ginang.
"Hay buti na lang at tatlo ang body guard ko, bale tig isa tayo ng guard." bulong ni Jack.
Agad kaming sumakay sa Suv car ni Jack. Umupo ni Jack sa passenger seat at ang Mama nito ang nagdrive. Ang tatlo namang body guards ay sumakay sa ibang kotse. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Pag tinatanong ko si Tita ang lagi niya lang sinasabi "Malalaman mo pag andon na tayo." Pag si Jack naman ang tatanungin ko ang lagi niya lang sinasabi "Basta" , siguro may suprise ang dalawang to sakin. Hihi excited na ako, pero bakit ganon? Mas nangingibabaw ang kaba sa puso ko kasya sa galak na makapunta doon sa "basta na lugar na yon?" Feel ko may masamang mangyayari pero wag sana. Napakatok ako ng tatlong beses sa pintuan ng kotse.
Nakita ko sa side mirror na sumusunod samin yong kotse ng mga guards.
Maya maya......
"S**t!" narinig kong mahinang mura si Jack.
"Bakit? May poblema ba?"
"Hindi ko macontact yong mga guards natin. Kanila lang nakasunod lang sila satin." tinignan ko ulit ang side mirror at hindi ko nga makita ang sasakyan ng mga guards. Yong kanina na kaba ko ay mas lalong lumala.
"Baka naligaw lang sila." pagpapakalma ko kay Jack.
"Sana ganon nga pero dapat macontact ko sila. Dapat nagrereport sila sakin agad kung maligaw man sila."
"Baka wala silang signal."
"Sana nga, pero may masama akong kutob dito. Ohh.. God please guide us."
hindi na mapakali si Jack sa kanyang kinauupuan kay mas lalo akong kinukutuban ng masama."Ma, mag iba tayo ng rota, doon tayo dumaan sa Barangay Maraming Aksidente." agad naman niliko ni Tita ang sasakyan at pumasok sa makipot na daan.
"Paniguradong may sumusunod na saatin, hope na hindi nila nakita na dito tayo dumaan."
"Kalma lang Jack, mas lalo akong kinakabahan sayo eh."
Halos walang kabahayan sa tinatahak naming lugar. Maitim ang ulap at nagbabadyang uulan ng malakas. Panay din ang lingon ni Jack sa likod at tinitignan kung may sumusunod nga samin. Salamat sa Diyos at wala naman. Bale kami nga lang ang sasakyan na dumadaan sa kalsada. Maya maya pa ay bumuhos na ang makalas na ulan kasabay ng kidlat.
"Ma, bagalan niyo na ang takbo ng sasakyan, wala naman sumusunod satin, siguro naligaw natin sila."
"A-anak! Kanina ko pa pinapadyakan yong break pero hindi gumagana!"
"What?!"
"Anak, nawalan ata tayo ng preno!"
Dahil sa mabilis na pangyayari ay nagpagewang gewang ang sinasakyan namin dahil na rin sa madulas na kalsada at hanggang sa bumunggo ang sasakyan namin sa poste ng kuryente.
"ahhhhhhhhhh!!!!" sigaw namin tatlo bago pa man sumapok ang sinasakyan namin.
"Hey Jill! Gising Jill!" pak! Naramdaman ko ang sampal sa mukha ko kaya agad akong napabangon ng gising.
"Kanina ka pa nagsisigaw. Binabangungot ka ata?" Bigla kong niyakap si Jack ng mahigpit. Naalala ko ang araw na kung kailan kami naaksidente.
"Wag ka ng umiyak andito naman ako" malambing na sabi sakin ni Jack.
Thanks for reading
author: Miss StragicHindi ganito ang plano ko pero pag gumagawa na ako ng chaps naiiba yong kinalabasan sa naisip ko.
Hays............. I predict na mga 8 chaps na lang at matatapos ko na. Hope matapos ko nga bago magsimula ang pasukan.
BINABASA MO ANG
The Unbroken Promise #Wattys2016
Short Story"Pangako hindi kita iiwan, ikaw lang mamahalin ko habang buhay." Nagbitaw ng pangako ang dalawang magnobya na sila Jack at Jill na kahit ano mang mangyari ay mamahalin nila ang isat isa. Pero pano kung mamatay ang isa sa kanila? Mananatili pa ba an...