Dedicated to : crazy_clumsy
Remember past ito no Jill nong bata pa siya
Remember past ito ni Jill bago niya mameet si Jack.
Jill Pov."Palimos po.....Ale pahingi po ng konting barya, pambili lang po namin ng pagkain gutom na gutom na kami."
Pero parang walang tenga ang Ale at dinaanan niya lang kami."Hay.... lagi na lang ganito. Kahit na mamatay tayo sa harap nila ay wala parin silang pakealam."
"Oo nga King, bakit ba ganito ang mga tao. Kung sino pa yong mayaman sila pa yong madamot."
"Oy hindi naman lahat, nagkataon lang na talagang madamot yon."
"Sana pinatay na lang ako ni Mama sa tyan niya, mas gugustuhin ko pa yon kaysa sa niluwal niya ako tapos iiwanan niya ako dito sa kalsada."
"Sana nga ganun din ang ginawa ng Mama ko. Mga walang hiya sila noh? Tinatapon lang nila ang anak nila dito sa kalsada. Tsk! Mga irresponsable sila!"
"Hay...halika ka na nga Jill at lumipat tayo ng pwesto, don tayo sa mataong lugar." Tinayo ako ni King at kinuha ko ang kalawang na lata na walang laman at nagsimula na kaming mag hanap ng pwesto kung saan maraming dumadaan. Napahinto kami sa pag lalakad ng may humintong itim na van sa harapan namin. Mabilis ang pangyayari at nakita ko na lang ang sarili namin na nasa loob ng van at mabilis iyon pinatakbo.
__________
"Bitawan niyo kami!"
"Sino ba kayo!? Aray!" malakas kaming tinulak ng lalaking kumuha samin at pinasok kami sa kulungang kwarto.
"Tsk! Ang iingay ng nakuha mo Emil. Patahimikin mo yan!" sabi ng isang lalaki na nag lalaro ng bilyar, may sigarilyo ito na nakaipit sa bunganga niya.
"Hoy! Manahimik nga kayo! Oh!" Yong lalaking kumupkop samin na may pangalang Emil ay hinagisan kami ng dalawang tinapay. Wala sa sarili namin ni King na agad pinulot ang tinapay at mabilis namin iyon kinain.
"Tsk! Patay gutom talaga." umalis sa harapan namin si Emil at lumapit sa lalaking nagbibilyar at nakisama sa paglalaro.
Maya maya pa ay biglang may dalawang batang nag iiyak ang pinasok din sa loob kung saan kami nakakulong..
"Whaaa!!!! Maawa po kayo samin, pakawalan niyo kami!!!"
Pero katulad din ng ginawa samin ni King ay agad din silang binigyan ng tinapay. Tumigil sila sa pag iiyak at kinain ang inihagis sa kanila.
"King, anong gagawin nila saatin?"
"Hindi ko alam Jill pero mas gusto ko pa na andito tayo at pinapakain."
"Oo nga tsaka may tirahan tayo pero nakakulong naman."
"Tsk! Hindi niyo ba alam kung bakit tayo andito?" sabi nung isang batang lalaki.
"Hindi ko alam, ano ba ang gagawin nila saatin?" sabi nung babaeng kakapasok lang.
"Pinapakain tayo para gamitin tayo sa pag nanakaw." sabi nong batang lalaki.
"Oy! Oy! Anong binubulong bulong niyo dyan ha?!" -Emil
"Wa-wala po."
--------------
"Sa oras na pumalpak kayo isang linggo kayong hindi kakain, maliwanag ba!?"
"Opo." chorus naming sagot. Marami kaming mga bata na kinuha ng mga lalaki na hindi namin alam ang kanilang pangalan, si Emil lang ang kilala namin. Totoo ng yong sinabi ng batang lalaki na nagpakilalang si Alias, kinuha kami para gamitin sa pag nanakaw.
BINABASA MO ANG
The Unbroken Promise #Wattys2016
Nouvelles"Pangako hindi kita iiwan, ikaw lang mamahalin ko habang buhay." Nagbitaw ng pangako ang dalawang magnobya na sila Jack at Jill na kahit ano mang mangyari ay mamahalin nila ang isat isa. Pero pano kung mamatay ang isa sa kanila? Mananatili pa ba an...