Dedicated to: msguene
Jill Pov.
"Wag! Please maawa ka! Wag!!!!"
Bang!
"Hahahahaha! Ito ang gusto ko ang mamatay ka!"
"Wag!" hinihingal ako ng magising ako sa masamang panaginip. Agad kong pinunasan ang malabutil kong pawis sa mukha gamit ang likod ng aking palad.
Anong klaseng panaginip yon? Nakakatakot! Ramdam ko parin ang malakas na tibok ng aking puso.Bumangon na ako sa kama at lumapit sa side table. Kinuha ko ang pulang pentelpen at gumulis ng exis sa kalendaryo. Nalungkot ako ng makitang isang numero na lang ang hindi pa na- eexis sa buong buwan ng June. June 30, ito ang petsa kung saan nakatakda ang pagkawala ko dito sa mundo.
Lumabas na ako ng kwarto at nagulat ng sabay pala kaming nagbukas ni Jack ng pinto dahilan upang magkatitigan kami. Nahihiya ako sa ginawa ko sa kanya kahapon. Naisip ko naman na tutal last day ko na bukas ay kung pwedeng ipagsawalang bahala na lang ang selos kong ito at ipadama na lang ang buong pagmamahal ko sa kanya.
"Ja-jack? Go-good morning!" pilit na ngiti kong sinabi sa kanya. Pero nagulat ako sa reaction niya. Tinignan niya lang ako ng ilang segundo tapos ay umalis na siya ng walang sinabi. Teka galit ba siya saakin? Nasaktan ko ba siya sa naging reaksyon ko kahapon?
Pumunta na akong kusina at ang alam ko na doon tutungo si Jack. Pero nagulat na lang ako ng may marinig akong busina ng kotse dahilan para patakbo akong lumabas ng kusina at tinungo ang garahe. Nakita ko ang Nissan GTR na kakalabas lang ng gate.
"Good morning Maam Jill." nakangiting sabi saakin ni Ate Shine. Hindi ko napansin na nakatayo lang pala siya katabi ng garahe.
"Good Morning din Ate Shine. Sino po ba yong umalis?"
"Si Jack. Bakit hindi ba siya nagpaalam sayo?" malungkot akong umiling. Confirmed talaga na may tampo saakin si Jack. Kakainis! Kasalanan naman niya yun eh! May pa I love you pa silang nalalaman ng Lanie niya!
"Ok na ba siya para mag drive? Baka kasi bumuka yong hiwa niya."
"Wag kang mag alala, malakas yang si Jack, para siyang pusa."
"Pusa?"
"Oo, siyam ang buhay niya e. Halika na nga at pumasok na tayo, inaantay na tayo ng mga bata para mag almusal." inakay na ako ni Ate Shine sa kusina.
Jack Pov.
Pagdating ko sa isang cake parlor ay agad akong sinalubong ni Lanie at nakangiti niya akong binati.
"Sir, dito po tayo." iginaya niya ako sa loob ng kusina at tumanbad agad saakin ang limang layer na blue and white cake.
"Whoa! Simple yet beautiful. Masarap ba to?" nilingon ko si Lanie na walang kupas pa rin sa pag ngiti.
"Yes Sir! Ito po yong sample niya." pumunta si Lanie sa ref at kinuha doon ang isang slice ng cake. Agad ko namang tinikman iyon, at ang masasabi ko lang ay..
"Perfect! Gusto ko yong lasa niya!" Laking pasasalamat ko kay Shine at nalaman ko dito na ito ang gustong cake ni Jill. Humingi kasi ako ng tulong sa kanya para malaman kung anong klaseng cake ang gusto ni Jill.
"Thank you Sir, tsaka nga pala ito na rin yong invitation card niyo sir. Ginawa ko po yong sinabi niyo na lagyan ng "I Love You" sa picture niyo."
"Thanks Lanie, best wedding planner ka talaga." Kahapon lang nong nagalit si Jill saakin ng walang dahilan ay umalis agad ako non at pumunta sa isang sikat na restaurant para tikman lahat ng putahe na ipapakain sa mga bisita. Aissh! Bakit ba ganun na lang ang mga babae? Napakabipolar nila kapag madatnan sila ng red tide. Kanina ng batiin ako ni Jill ay hindi ko siya pinansin dahil baka mag iba na naman ang awra niya. Edi ako na naman ang pag iinitan niya ng ulo. Paano na lang kaya kung mabuntis siya? Baka mas malala pa yon kaysa ngayon. Bigla kong naramdaman ang pag init ng mukha ko ng sabihin ko ang "buntis" na word. Hehehehe, hindi naman ako masiyadong excited sa first day namin. Ay! Ano ba tong iniisip ko!
BINABASA MO ANG
The Unbroken Promise #Wattys2016
Short Story"Pangako hindi kita iiwan, ikaw lang mamahalin ko habang buhay." Nagbitaw ng pangako ang dalawang magnobya na sila Jack at Jill na kahit ano mang mangyari ay mamahalin nila ang isat isa. Pero pano kung mamatay ang isa sa kanila? Mananatili pa ba an...