Page 4

376 55 18
                                    

GENIE P.O.V

Umagang umaga ay hindi ko na magawang ngumiti dulot na rin ng nangyari kagabi.

Napakainosente kong tao para patulan ang isang baldadong matanda. Kagabi ko pa nga iniisip at hanggang ngayon ay patuloy ko parin iniisip dahilan upang hindi ko na nga ialis ang sarili ko sa harap ng salamin dahil hindi ko makita kung san banda sa mukha ko kung bakit napagkamalan akong Mogu mogu ng ina ni Ivan! O baka siguro naglilihi siya? At akala niya siguro si Mogu mogu ako kasi maganda ako! Anong connect? Ay ewan! Matanda na nga maglilihi pa?Ang hybrid kong mag isip! Ito na nga seryoso na ako, ang totoo niyan kasi, kagabi ko pa iniisip kung saan ko nakita ang ina ni Ivan, para kasing pamilyar eh, san nga ba?
Isip-isip-isip-isip-isip!
Ah! Alam ko na! Naalala ko palang inalis nila ang alaala ko grrrrr! Asar! Pero panigurado akong naging parte siya ng buhay ko. Umalis na ako sa harap ng salamin kasi lumalaki na yong lamat, pero kanina wala to eh.

"Hoy! Ate! Kanina ka pa tulala!" sabi ni Sandra ang pinaka bunso sa lahat ng bata. Andito kasi ako ngayon sa masikip na sala at nakaupo sa sahig habang nagrerepack ng mga uling kasama ang lahat ng bata, except lang si Pepi, na as usual nasa sulok ng sala at ang lagi niyang ginagawa ay ang magsulat ng magsulat pero iisa lang naman ang nilalaman at yon ay ang "Genie love Ivan."
Isa pa to! Sino ba si Genie? Girlfriend ba ito ni Ivan? Buhay pa ba ito? Sana hindi niya ako multuhin dahil sa pag gamit ko ng pangalan niya, siguro maiintindihan niya ako kasi nga pati pangalan ko ay inalis sa memorya ko. Hayyyyyss!!! Ay ano bayan! Ang dami ko tuloy  iniisip, o talagang tsismosa lang ako?

"Ate, bilisan na po natin magrepack kasi darating na yong bibili nito." Ani Francia na pumapangalawa sa bunso. Pinagpatuloy ko muli ang pagrerepack habang kakwentuhan ko ang mga makukulit na bata at ginigiit nila na boyfriend ko daw ang kuya Ivan nila! Asus kayong bata kayo oh! Kebata bata niyo pa, may alam na kayo sa pagbo-boyfriend na yan!

Sa pagliliwaliw ko sa pag uusap ko sa mga bata ay hindi ko napansin na kanina pa pala nasa harapan namin si Ivan habang nakade cross ang kamay at mukhang naiirita na.

Ivan Pov.

Pakiramdam ko ay tumaas ang alta pression ko dahil sa bruhang kinupkop ko sa bahay namin! Poblema lang naman ang bitbit nito sakin! Unang, isa siyang damulag na palamunin! Pangalawa, nang dahil sa kanya ay laging nagpapanic si Mama, na kada bukas ko ng pintuan sa kwarto niya ay nakikita kong takot na takot siya. Inaakala niyang si Genie muli ang papasok.

Nasa harapan ako ang mga bata at kasama nila ang palamunin na damulag na aliw na aliw sa pagkukwetuhan sa mga kapatid ko.

"Hoy bruha! Sumama ka sakin!" Pasigaw kong sabi kaya napalingon lahat ng tao sa sala at sila'y napatigil sa pagkukwetuhan. Nakita ko si Genie na napalunok ng laway. Ha! Dapat lang dahil paparusahan ko siya ng husto dahil sa ginawa niya kay Mama.

"A-anong a-ahhh ehhh san tayo pupunta?"

"Basta! Tumayo ka na nga dyan! Ang kupad mong kumilos!" Sabi ko at lumabas na ng bahay, naramdaman ko naman na may tumatakbo sa likuran ko at alam kong si Genie yon.

"San ba kasi tayo pupunta!"

"Malalaman mo rin pagdating natin doon."

Maya maya......

"San ba kasi talaga tayo pupunta? Pagod na pagod na ako, bakit hindi na lang tayo sumakay kaysa naglalakad tayo? Ang init-init oh?"

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa mukhang bagong pisa na sisiw dahil naliligo na siya sa pawis. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at sabay sabing....

"May pamasahe ka ba?"

"Ha?" nagtataka niyang sabi, nakalagay ang dalawa niyang kamay sa tuhod at mahahalatang pagod na pagod ito.

"May pera ka bang pamasahe para sumakay tayo sa tricycle?" nakalahad parin ang kamay ko at inaantay ang pera na ibibigay niya sakin kung meron man.

"Wala."

Ngumisi ako sa kanya at sabay talikod at nagpatuloy muli sa paglalakad.

"Pwes kung wala kang pera, no choice ka kundi maglakad."

"Ehhhhh!!!" Ivan naman eh! Wala ka bang awa at pinaglalakad mo ang isang tulad kong babae! Be gentleman naman!" pagtatam-trum ni bruha.

"Sa panahon ngayon madalang na ang lalaking gentleman. Nagiging gentleman lang kami kung alam namin na nahihirapan ang isang babae, hanggat kaya namin magpapakagentleman kami, pero kung mga nag iinarteng babae tulad mo, sayang lang ang tulong namin. Kung tutuusin pwede rin maging gentle ang mga babae." mahaba kong lintana habang naglalakad

"Oh tapos?" bored na sabi ni bruha.

Napakamot ako sa ulo dahil sa inis. Hinarap at linapitan ko siya at hinawakan ng madiin ang magkabila niyang balikat.

"A-aray! Bitawan mo nga ko! Masakit!"

"Ang ibig ko lang sabihin ay kung kaya mo pa ay di mo na kailangan ng tulong. At hindi yong kaya mo pa ay humihingi ka pa ng tulong gets mo ba? Ha!"

"Andito na tayo." Huminto kami sa isang karinderya at agad kaming umupo kasi sobra kaming napagod sa paglalakad.

"Aling Lenz pahinging tubig!"

"Ay aba andito ka na pala Ivan. Siya ba ang tinutukoy mo?" Nakangiting itinuro ng matabang babae si Genie.

"Opo, masipag yan kaya walang poblema sa kanya. Bigyan niyo nga kami ng tubig pagod na pagod kami kalalakad."

"O sige, kukunin ko lang." Umalis si Aling Lenz at pumasok sa kusina. Matagal na akong suki ni Aling Lenz sa karinderya niya. Mabait at masayahing tao yan, kaya marami siyang nagiging customers at ngayon naextend na ang maliit na pwesto ni Aling Lenz, lumawak at mas lalong dumami ang kumain kaya mas dumami rin ang trabahador niya. Dito ako laging bumibilli ng ulam para ipangkain sa pamilya ko, kahapon nga nong bumili ako ng ulam at ipinangbayad ang ninakaw ko sa skinita, nabanggit niya na kulang siya ng trabahador. At kagabi habang pinapatahan ko si Mama nong nakita niya si Genie, ay nagkaroon ako ng idea na ipasok ko si Genie sa karinderyang ito para naman lumuwag luwag din ang paghahanap ko ng pera. Oh diba bright idea! Talino ko talaga!

" Hehehehe."

"Anong tinatawa tawa mo dyan?" nilingon ko si Genie na ngayon ay nakatingin saakin.

"Pakealam mo ba ha?!"

"Grabe siya oh. Teka? Matanong ko lang ha? Ano bang gagawin natin dito?"

"Dito ka magtatrabaho para naman may pakinabang ako sayo at hindi yong palamunin ka lang sa bahay."

"Grabe ka naman! Diba may deal tayo? Pag hindi mo ako pinatira sa bahay niyo ay magsusumbong ako sa pulis dahil sa pagnanakaw mo."

"Tsk! Wag mong isama doon sa deal na responsibidad pa kitang pakainin! Baka nakakalimutan mo, deal lang natin ay patirahin kita at hindi pakainin, pasalamat ka pa nga at hinanapan kita ng trabaho para may ipanglamon ka sa sarili mo."

Ngumuso lang siya dahil sa sinabi ko.

"Heto na yong tubig." nakangiting sinalinan kami ni Aling Lenz ng malamig na tubig. Hay.... nakakarefresh.

Genie Pov.

"Ayus ayusin mo ang trabaho mo dyan ah?"

"Teka? Di ka rin ba dito magtatrabaho?"

"Tsk! 150 lang ang sahod dyan! Sa tingin mo mapapakain ko ba ang pitong tao sa 150 na yan?"

"Kung ganon, san ka magtatrabaho?"

"Wala ka ng pakealam don!" Aling Lenz alis na ako!"

Nakamulsang umalis si Ivan sa karinderya. Paniguradong magnanakaw na naman ang gagawin niya. Hay.... napabuntong hininga na lamang ako. Paano ko ba aalisin sa buhay ni Ivan ang pag nanakaw?
Akala ko madali lang ang misyon na ito? Pero pag actual na ay napakahirap pala. Tumingin ako sa papalayong si Ivan, pumikit ako at nanalangin ng taimtim. Oh Panginoon, baguhin niyo po si Ivan, maging instrumento nawa ako upang alisin ang makasalanan niyang gawain.


Thank you for reading!

@Miss_Stragic

The Unbroken Promise #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon