Page 2

600 77 46
                                    

Dedicated to: dark-kura
Siya ang unang readers ko. Hi friend!



IVAN POV:

Binilisan ko ang paglalakad. Bakit ba niya ako sinusundan? Narinig ko ang mabilis niyang yabag at alam kong papalapit na siya saakin. Bigla niyang hinawakan ang damit ko sa likod tapos bigla siyang napahinto kaya pinagpatuloy ko ulit ang paglalakad. Naramdaman kong hindi na siya sumusunod saakin. Ano kayang nangyari doon?
Nilingon ko siya at nakita na nakatulala lang siya. Nakatayo lang siya sa gitna ng kalsada. Ano naman kayang nangyari doon? Ay ewan! Basta ako babalik sa naudlot kong trabaho, nakakainis nga kasi hindi matao ang napuntahan ko kaya wala akong makitang tatargetin.

(Konsensya)........

Baka masagasaan yong babae nasa gitna pa naman ng kalsada, igilid mo siya sayang naman ang ganda pa naman niya.

Manahimik ka nga konsensya! At wala akong pakealam sa kanya!

(Devil side)

Tama nga yan, hayaan mo siya doon total baliw naman na at wala ka doon mapapala. Hayaan mo na siya masagasaan. Depende na lang kung ibebenta mo at ipasok sa night club. Laking kita yon pre!

Oo nga noh!

Bumalik ako sa babae na hanhgang ngayon ay tulala parin. Kinuha ko ang braso niya at ikinaladkad.

"Pwede ba wag kang tumambay sa gitna ng kalsada!" Asik ko. At bigla ko siyang binitawan at nagpatuloy sa paglalakad. Sa unang pagkakataon, umangat ang konsensya ko, oy! Minsan lang to! Minsan lang na naging concern.

"Humanda kang lalaki ka, ako ang babago sayo!" Sigaw niya. Ano na naman ba ang sinasabi nito? Parang sumasakit ang ulo ko dito! Kanina tinatanong kung sino siya, ngayon naman siya daw ang makakapagbago saakin. Ano to? Gagawin niya akong beki?

Napatunayan ko na......................
Nakawala sa mental hospital ang babaeng to.





Ha! Ha! Ha!  Hingal na hingal ako sa kakatakbo. Lestugas naman! Ano ba talaga ang kailangan ng baliw na yon at bakit ako sinusundan! Kaya ayon nag ala amazing race kami (nagsitakbuhan) at mabuti nalang alam ko ang pasikot sikot kaya nataguan ko siya. Ay ewan! Imbes na paghahanap ng pera ang ginawa ko sa araw na ito ay naging tagu-taguan ang nangyari! Kainis wala pa akong kita!
Sinilip ko muna ang paligid baka kasi andito lang si baliw.

Hay..... (sign)
Lumabas na ako sa C.R ng babae. Peste hindi ako nakahinga doon ah! May submarine kasing lumulutang.
Pagkalabas ko sa C.R ang haba ng pila, parang may namimigay ng relief goods, at bakit naman sila nakapila sa C.R? At lahat sila puro babae.

Biglang pumasok sa C.R ang babae sa unang pila, nagpasabog (Umutot) pa nga. Hmp! Ang baho!

At bigla nalang namula ang mukha ko. Naku pagkakamalang bakla ako nito.

"Bakla siguro?" Bulong ng isang manang. Sinasabi ko na nga ba eh.

"Sayang gwapo pa naman." Sagot nong isa.

"AY ANO BAYAN! HINDI MAN LANG BINUHUSAN!" Sabi ng babaeng pumasok agad sa C.R nong pagkalabas ko.

"Oy! Hindi akin yan! Nadatnan ko ng nagdidive na yan!"

Namumulang sagot ko. Bigla na lang ako umalis. Nakakahiya! Purque nanggaling lang sa C.R ng babae bakla agad? Peste nagtago lang naman ako ha! At ang malala pa. Akala nila sakin yung....yung.....ano aissh! Basta!







Searching...... Searching
Gold necklace alert!!

Pagkakita ko sa isang uugod ugod na matandang babae na may makapal na gintong kwintas sa leeg ay agad kong sinundan. Hindi ako nagpahalata na na sinusundan ko siya at mas lalong hindi ko siya nilubayan ng tingin.

The Unbroken Promise #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon