Page 10

338 37 20
                                    

Dedicated to: GenHon

Ivan Pov.

Alas tres ng madaling araw ng magising ako dahil sa malakas na hangin dahilan upang umuga uga ang tent na tinutulugan namin.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa tabi ni Genie at ang masaklap pa ay magkayakap kami. Bakit parang ayaw kong bumitaw sa yakap niya? Para bang ang sarap sarap niyang yakapin. Teka? Masarap yakapin? Agad ako bumitaw sa pagyayakap sa kanya at agad bumangon .

Blooogggggg!
Malakas na kulog ang pinakawala ng langit kasabay nito ang malakas na ulan. Dahil na rin sa luma na ang tent ay marami na tong butas dahilan para mabasa kami sa loob. Hinayaan ko lang umulan dahil baka humina din to. Kaso mukha bumaliktad ang akala ko, mas lalo pang lumakas ang ulan at pati ang hangin dahilan para tangayin ang tent na pinagsisilungan namin. Nagising lahat ng mga kasama ko at kumuha ng anumang bagay na pansukob.

"S**t! Hoy Genie babaha na dito hindi ka pa babangon dyan?" Ewan ko lang kung di to gumising. Charot lang yong babaha. ( A.N. Bakla ka na pala Van)
Hindi ah! Gusto mo sapakin pa kita eh! (gomene)

"Kuya basang basa na kami!" sabi ni Glenda na ngayon ay pinapayungan si Mama gamit ang batya.

"Aisssh! Bakit ngayon ka pa umulan!" inis kong sabi sabay kamot sa ulo.

"Kuya san tayo sisilong?" -- Ram.

Hay......panay ang bugtong hininga ko dahil hindi ko alam kung san kami sisilong. Basang basa na kaming lahat. Hinihintay lang nila kung anong desisyon ko kung saan kami makikisilong. Tinignan ko si Genie na ngayon ay unting unti minumulat ang mata.

Ayoko man bumalik sa lugar na naging parte ng buhay ko dati. Pero sa pagkakataon na ito, babalik ako doon hindi dahil gusto kong balikan kundi dahil para sa mga bata at kay Mama.

"Kunin nyo ang lahat gamit, pupunta tayo sa Ramcham House of Angels. Ikaw Genie, bumangon ka na para naman hindi na lumala yang lagnat mo."

Tumango lang si Genie at dahan dahang bumangon. Ramdam kong nahihirapan siya pero wala akong choice! Kinuha lahat ng mga bata ang mga gamit. Ako naman ay binuhat si Mama dahil paralisado ang paa nito.

Binagtas namin ang daan papunta sa ampunan. Malakas ang ulan at kidlat na gumugilis sa kadiliman ng langit. Nakita ko si Genie na inaalaylay ng mga bata sa pag lalakad. Maputla ang kanyang mukha at makikita na hirap na hirap siya sa pag lalakad.

Nasa harap na kami ng bahay ampunan. Nag hang ang kamay ko sa ere sa pagpindot ng door bell na nakakabit sa gate.
Tama ba ang desisyon ko? Tama ba na tumuloy ako sa teritoryo ng taong karibal ko?

Ding!!! Dong!!!

Nanghihinang pinindot ni Genie ang door bell.

"Ang tagal mong pindutin. Tignan mo nanginginig na kami sa lamig."
Nakita kong bumukas ang ilaw sa loob ng ampunan. Lumabas sa pinto si Shine. Kita kong nagulat siya ng makita kami sa labas ng gate at basang basa ng ulan. Mabilis niyang binuksan ang payong at patakbong pumunta sa gates upang buksan ito.

"Tuloy kayo bilis." sabi ni Shine. Kita ko sa mga mata niya ang pag aalala. Nahihiya man pero pumasok na rin ako sa nasabing gate.

"Ate Genie!" napalingon ako sa likod dahil sa malakas na sigaw ni Glenda.

"Miss Genie! Gumising ka!" mabilis kong nilapag si Mama sa harap ng ampunan at agad akong tumakbo ng mabilis papunta kay Genie na ngayon ay akay akay ni Shine. Agad ko kinuha kay Shine si Genie na wala ng malay.

Genie Pov.
(A.N. Yong mga nakaitalics, mga past yan ni Genie bilang Jill.)

"San ba tayo pupunta ah Jack?" nakatakip kasi ng panyo ang mata ko.

The Unbroken Promise #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon