Dedicated to my friend. Shimade
Genie pov.
"Aling Lenz alis na po ako." magalang kong paalam kay Aling Lenz. Ala sais na kasi at ito ang oras na uwian ko sa karinderya ni Aling Lenz.
"Teka lang Genie may ibibigay ako." Nagmadali pumasok si Aling Lenz sa kusina. Pagbalik niya ay may bitbit na itong kulay puting supot.
"Ito sayo na lang, lutuin mo na lang sa bahay niyo, naparami kasi ang bili ni Jilenz ng karne at baka masira lang dito kaya ibibigay ko na lang sayo."
"Naku Aling Lenz salamat po! Paniguradong sasaya ang mga bata sa dala ko. Salamat po talaga!"
"Naku wala yon! O sige mag ingat ka na lang sa pag uwe ha?"
"Opo, alis na po ako." Nakangiting kumaway ako kay Aling Lenz. Pumunta na ako sa paradaan ng tricycle para umuwe.
Pagdating ko sa bahay, hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay naririnig ko na kaagad ang ingay ng mga bata na pawang may pinag aawayan. Agad kong binuksan ang pinto ngunit wala sa sala ang mga bata.
"Hindi ganyan! Ganito!"
"Masasaktan si Lola ganito dapat!"
Sinundan ko lang ang ingay nila at dito ako dinala ng paa ko sa harap ng pinto kung saan ang kwarto ng Mama ni Ivan. Napakamot na lang ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
Genie Right Brain
Pasukin mo na dali! Baka may masamang nangyari kay Lola!Genie Left Brain
Wag kang pumasok paniguradong sisigaw lang yan pag nakita ka, nakakatakot kasi yang mukha mo. Mukha ka kasing Mogu mogu.Left brain hindi ka nakakatulong!
Okey lang na pagkamalan akong Mogu mogu basta makatulong lang ako."Genie kaya mo to!" kinakabahan kong sabi.
Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang door knob at binuksan ang pinto. Bumungad agad saakin ang mga bata na hirap na hirap buhatin si Lola para ipahiga sa kama. Panigurado nahulog ulit ito sa kama.
Walang kibong lumapit ako sa kanila at tinulungan sila na ipahiga si Lola sa kama. Kinuha ko ang kumot nito at siya'y aking kinumutan. Nakita ko sa mata ni Lola ang paglaki ng mata nito at halatang takot na takot ng makita ako. Pero saglit lang ang takot na nakita ko sa mukha niya at napalitan ito ng lungkot at hanggang sa may mga luha ng lumalabas sa mga mata nito, hirap man niya iangat ang kamay ay hinawakan niya ang mukha ko. Mahina niyang pinisil ang mukha ko at bigla na lang siyang humagulgol."Hala ate! Anong ginawa mo? Bakit umiiyak si Lola!" pasigaw na tanong ni Glenda.
"Hala hindi ko din alam! Lola bakit kayo umiiyak? Napatunayan niyo na bang hindi ako si Mogu mogu?" mas lalo lamang umiyak si Lola ng banggitin ko ang Mogu mogu.
"Wag kayong mag alala bibilhan ko po kayo non bukas, tumahan na po kayo." sabay yakap ko sa kanya. Gusto ko rin maiyak sa kalagayan ni Lola. Sino ba naman ang hindi iiyak kung yong gusto mong kainin ay hindi mo makain dahil sa baldado ka.
"Ate anong lulutuin mo?" Tanong ni Glenda na kasama kong naghihiwa ng karne na ibinigay ni Aling Lenz.
"Adobong baboy, yon kasi ang specialty ni Aling Lenz sa karinderya niya at gusto ko yon matikman kaya magluluto tayo ng adobong baboy!"
"Wow! Favorite ko po yon!"
"Panigurado matutuwa si Ivan pag matikman niya ang luto ko hihihi!" patawa tawa kong sabi.
Ng matapos na kami sa paghiwa ng karne at iba pang rekado ay lumapit na ako sa gas stove para umpisahan na ang pagluluto. Paglapit ko sa gas ay napatigil ako.
BINABASA MO ANG
The Unbroken Promise #Wattys2016
Historia Corta"Pangako hindi kita iiwan, ikaw lang mamahalin ko habang buhay." Nagbitaw ng pangako ang dalawang magnobya na sila Jack at Jill na kahit ano mang mangyari ay mamahalin nila ang isat isa. Pero pano kung mamatay ang isa sa kanila? Mananatili pa ba an...