Page 20

223 22 25
                                    

Dedicated to:Tejaswi123456 Im so happy to have an indian friend. This chapter is dedicated for you, even if you cannot read it because it is written in Pilipino languange. This is my way to say "thank you" to you.
" Dhanyavad"

Genie Pov.

"Ikaw!!!!!" napalingon ako sa pamilyar na boses.

"It can't be!!" nanliwanag ang mukha ko ng makita si Jack pero agad yon napalitan ng takot ng maisip ko na mali ang pinili kong wiwitnesan. Buong akala nung una, na si Ace ay si Jack. Ngunit ngayon bumalik na ang lahat ng alaala ko ay nalinawagan na ako. Lahat ng sinabi sakin ni Ace ay puro kasinungalingan! Lumingon ako sa gawi ni Ace na ngayon ay nakangisi na. 

"Pano yon nangyari?!" Bumalik ang tingin ko kay Ivan Jack na may hindi makapaniwalang mukha.

"Buhay siya?"

"Its a miracle!"

"But how?" isa lang yan sa mga ingay na naririnig ko sa loob ng korte. Halos lahat ay hindi makapaniwala at puno sila ng pagtataka.

Natigil lang ang ingay sa loob ng ipokpok ng judge ang martilyo( anong tawag don sa pinangpupokpok ng judge sa korte yong parang martilyong kahoy)

at malakas na sinabi...

"Lets have continue this in the next meeting. Ajourn!"

Tumayo na ako at nakita si Jack na papalapit saakin. Ngumiti ako sa kanya at lalapit na sana ako sa kanya ng may humablot ng malakas sa braso ko.

"May pag uusapan tayo." mahigpit akong hinawakan at magaspang niya akong hinila.

"Ace, wag mo akong hilahin nasasaktan ako!" pero parang bingi lang siya at patuloy niya lang akong hinihila palabas sa loob ng korte.

"Wait Jill?!" napalingon ako sa sumigaw at naramdaman ko ang paghawak niya sa aking isang kamay upang matigil ang paghila sakin ni Ace.

"Ja-jack?" pabulong kong sabi at mabilis na tumulo ang luha ko na kanina pa nagbabadyang lumabas.

"Dont talk to her!" galit na sigaw ni Ace.

"Siya ang girlfriend ko kaya may karapatan ako!"

"No! Hindi ba niremind sayo ng abogado mo na wag na wag kakausapin ang witness sa kabilang panig?"

"Bu-but girlfriend ko siya at wag mo siyang nilalayo sakin!"

"Siya ang witness ko at hindi siya pwedeng kausapin hanggat hindi natatapos ang kaso.

"Wala akong pakealam!"

"Sige! Kausapin mo siya! At pag ginawa mo yon, may possibility na matalo ka at mabulok sa bilanguan!"

Yong kanina na mahigpit na hawak ni Jack sa kamay ko ay unti unting lumuluwag.

"Please Jack wag mo akong bitawan......"

"Im sorry Jill....." yong mata niya parang nangungusap. Nanlaki ang mata ko ng bitawan niya ang kamay ko at mabilis akong hinila ni Ace.

"Good bro..." rinig kong sabi ni Ace.

Bakit Jack? Bakit sinuko mo agad ako kay Ace? Hindi mo na ba ako mahal? Pano yong pangako natin?

"Aray!" pagpasok namin sa masyon niya ay agad niya akong hinagis sa kama niya. Agad siyang lumapit saakin at hinawakan niya ng mahigpit ang panga ko.

"Tell me, kung ikaw nga talaga si Jill paano ka nakaligtas sa aksindente?"

Sa tanong niya palang ay wala na akong maisagot? Ano ba ang dapat kong sabihin? Na binuhay lang ako ulit? Pero kung sasabihin ko yon ay baka hindi siya maniwala?

"Sagot!!" mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa panga ko. Maluha luha akong umiling at sinabing....

"Hindi ko na matandaan."

"Sinungaling!!" malakas niya akong sinampal at sa sobrang lakas ng impact na yon ay agad akong napahiga sa kama.

"Kahapon lang sabi mo nagka amnesia ka, pero sa akto mo kanina sa korte ay alam mo ang lahat at natatandaan mo lahat. Ano to nagdradrama dramahan ka lang na may amnesia?"

"Hi-hindi ako nagdradrama! Kanina ko lang natatandaan lahat lahat! At ikaw! Ikaw ang sinungaling! Pinaniwala mo akong ikaw si Jack!" Lumapit siya saakin na may nanililisik na mata at nakakamaong kamay.

"Urg!!!!" mabilis ang pangyayari at naramdaman ko na lang na namimilipit ako sa sakit ang tyan dahil sa malakas na suntok niya. Namaluktot ako sa sobrang sakit at nalalasahan ko ang dugo saaking bibig.

"Hahahahaha!!!!!!! Anong akala mo sakin bobo! Ngayon naiintindihan ko na kung bakit pinagpipilitan mong ako si Jack dahil yon ang strategy mo para manalo sa korte si Jack. Tapos magpapakilala kang witness ko ayon pala ilalaglag mo ako para manalo si Ivan."

Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Mali ang nakukulasyon niya sa isip niya. Namimiss understanding niya ang lahat ng pangyayari! Nakita niyang lumaki ang mata ko kaya ngumisi siya saakin.

"So, my guess is right? Huh? Genie Jill Xorto?" hinawakan niya ng mahigpit ang panga ko at ngumiti.

"Ang galing ng strategy niyo ni Jack. Well, masiyado niyo namang minaliit ang Ace na kinalaban niyo. Lahat ng strategy ng pandaraya ay alam ko kaya wag na wag niyong gagamitin yan saakin na expert na dyan!"

Pak!

Sinampal niya ulit ako.

"Kung hindi madaan sa santong dasal, idaan natin sa santong paspasan."

Lumapit siya sa side table ng kama at hinila doon ang drawer. Nagulat ako ng ilabas niya doon ang baril.

"Te-teka? Anong gagawin mo? Please maawa ka wag mo akong papatayin."
Mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya. Hindi pa tapos ang misyon ko dito. May isang linggo pa akong natitira kaya sana hayaan niya akong mabuhay kahit isang linggo lang.

Mas lalo akong napaiyak ng tinutok niya saakin ang baril... Pinikit niya ang isa niyang mata at mukhang aasintahin niya ang ulo ko.

"Please! Wag!!!!! Maawa ka Ace!!!!"

"Bang!"









Thank you for reading!!

Any suggestions?
Advices?

Please comment.

Naiintindihan niyo ba ang flow ng story?

Hindi naman ito ang plano ko sa chapter na to. Pero kasi nung nagsimula na akong magtype ay kung anu ano na ang tinatype ko, at ito ang naging kalabasan.

Hay........ maybe madadagdagan ang chapter na ito. Siguro lang ha? Baka maging 30 chapter to.........Im not really sure.

Miss_Stragic

The Unbroken Promise #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon