Dedicated to: MissGailKPOP
Too much of errors. No proof reading.
Jack Pov.
"Saglit lang judge!" Nagulat kaming lahat nang may isang gwapong lalaking na kulay tan ang bigla na lang pumasok dito sa loob. Pero ang mas nakakagulat pa ay kamukhang kamukha niya si Kuya Ace! Pero imposible! Ang alam ko ay walang kakambal si Kuya!
"Sorry sa pagsulpot ko dito." sabi niya at ang masasabi ko lang ay kaparehas na kaparehas niya ang boses ni Kuya. Nilingon ko si Ace at nakita ko din sa mukha niya ang pagkagulat.
"At sino ka naman?" -Judge
"Ako ang totoong si Ace Greford. At ayokong akusahan ng guilty ang lalaking yan gamit ang pangalan ko! P**cha ayokong masira ang pangalan ko." tinuro niya si Ace.
"Ano?!" napatayo ako sa sinabi niya.
"Imposible! Pero paano yon nangyari?" napatayo rin si Shiela na katabi ko lang.
"Ako ang totoo Lala." malambing niyang sabi kay Shiela.
"Lala?" napatulala si Shiela ng marinig ang word na "Lala."
" Paano yon nangyari!?" di makapaniwalang tanong ni Shiela.
"Maniwala ka Lala, tanda mo pa ba itong key chain na to?"
"I-ikaw nga Ace!" Maya maya pa ay bigla itong tumakbo at sinunggaban niya ng yakap ang tan na si Ace.
"Hindi totoo yan! Impostor ang lalaking yan! Ako ang totoong si Ace!" Sigaw ni Ace na mestiso.
"Wag ka ng mag deny pa. Dahil kahit anong gawin mong kasinungalingan ay mabubuking ka pa rin. Walang secreto ang hindi nabubunyag, Mr.Reko-J Kornio." nakangising sabi nung tan na si Ace. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari, nalilito ako at ang daming katanungan na bumubuo sa aking isipan.
"Wait wait! Magkalinawan tayo! Magsitahimik kayo!" malakas na pinukpok ng Judge ang martilyong kahoy. Nagsitahimik kaming lahat at wala ni isa sa amin ang nagsalita.
"Ikaw lalaki! Ipaliwanag mo ang iyong sinasabi mo!" madiin na sabi ng Judge.
"Ako talaga si Ace Greford! At ang Ace na kanina niyo pa kasama ay ang totoong impostor! Siya si Reko! Muntik na akong mamatay ng dahil sa kanya!"
"Pero paanong makamuk-" pinutol ni tan na Ace ang sasabihin ko.
"Na magkamukha kami?" Simple lang, nakamaskara ang impostor na yan!
"You!" bigla na lang tumayo si Ace at mabilis na lumapit sa pulis at mabilis niyang nakuha ang baril nito. Mas lalo pa akong nagulat ng makita na agad niyang hawak sa leeg si Jill at tinutukan ng baril ang ulo niya. Mabilis din siyang tinutukan ng baril ng mga pulis.
"Sige! Barilin niyo ako! Hahahaha! Mababaril ko rin ang babaeng to! Sige! Subukan niyo!" nanlilisik ang mga mata niyang tinignan ang mga tao na nakatingin sa kanya. Kinurot niya ang kanyang mukha at mabilis niya itong hinila. Tumanbad saamin ang tunay niyang mukha. Tinapon niya ang maskara na tumatakip sa kanyang mukha at tumingin saamin na nakangisi.
"Please Ace! Este Reko. Bitawan mo si Jill!" sigaw ko. Kinabahan ako ng tignan ako ni Reko sa kanyang nanlilisik na mata.
"Hahahaha! Ano ako tanga?! Pabayaan niyo akong tumakas at hindi ko siya papatayin."
"Ahhh! Please Reko, please pakiusap pakawalan mo na ako!" mangiyak ngiyak na sabi ni Jill. Parang madudurog ang puso ko ng makita siyang umiiyak at takot na takot. Mas lalo pang kumirot ang puso ko ng makita siyang nasa panganib.
"Manahimik ka!" mas lalo pang diniinan ni Reko ang dulo ng baril sa ulo ni Jill.
"Ano?! Mamili kayo?! Ang patayin ko siya o ang patakasin ako at mananatiling buhay ang babaeng to!"
"Please Reko sumuko ka na! May panahon pa para magbago. Isuko mo na ang iyong sarili sa mga pulis at magbagong buhay muli." - tan Ace.
"Hahahaha!!!! Kahit kailan hindi na ako magbabago!" kinuha ko ang pagkakataon na seryosong nakikipag usap si Reko kay tan Ace, mabilis kong hinablot ang baril na hawak niya, pero masiyado siyang malakas at mahigpit niyang hinawakan ang baril. Nakipag agawan kami ni Reko ng baril. Masiyado siyang malakas at kahit na hawak niya pa sa leeg si Jill ay nagawa niya parin akong itulak at mabilis niyang tinutukan ako ng baril.
Bang!
"Ahhhhhh!!!! Jack!!!!"
Urg! Naramdam ko kaagad ang pagkamanhid ng tyan ko. May mga naririnig akong naghalo halong ingay ngunit unti unti iyon humihina sa pandinig ko. Nanlalabo na rin ang mga mata ko. Nakita ko si Jill na pilit kumakalas kay Reko at mangiyak ngiyak siyang sumisigaw. Unti unti ko ng ipinikit ang aking mga mata pero bago ako kainin ng dilim ay narinig ko pa ang kanyang sigaw.
"Jack! Mahal na mahal kita Jack! Please tuparin mo ang pangako mo sakin!!!"
napangiti ako sa narinig bago ako kainin ng kadiliman.Jill Pov.
"Jack! Gumising ka Jack!!!"
"Hahahaha! Masiyado siyang nagpapakabayani kaya ayan, machuchugi na." masaya pang sabi ni Reko. Napakasama ng lalaking to! Pinilit kong kumalas sa pagkakahawak niya pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagsasakal niya sakin, dahilan upang hindi ako makahinga ng mabuti.
"Bitawan mo ako Reko!" nagkagulo sa loob ng korte marami ang nag aasikaso kay Jack at mas lalo pa akong nasindak ng makita ang madaming dugo sa sahig.
Naramdaman ko ang paghila saakin ni Reko at papalabas kami ng pinto.
"Ops! Walang susunod saamin kundi....sabog kayong lahat." hindi ko napansin na may hawak palang siyang granada sa kabilang kamay kung saan iyon ang gamit niya upang sakalin ako. Napaatras ang mga pulis na balak sanang sundan kami.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Pakawalan mo na ako Reko! Ano pa ba ang gusto mo!" sabi ko sa kanya. Kinakabahan ako sa patakbo niya ng kotse. Sobrang bilis nito at anumang oras ay maaari kaming maaksidente."Gusto ko? Hmp! Ang patayin ka." tinutok niya ang baril sa ulo ko dahilan upang mapatigil ako sa paghinga. Nilingon niya ako at nginitian niya ako ng nakakaloko.
Beep! Beep! Beeeeppppp!!!!
Naalarma kami ng may malakas na busina kaming narinig. Nakita namin na magsasalubong ang isang truck sa kotseng sinasakyan namin. Agad niliko ni Reko ang sasakyan ngunit sa pagliko namin ay siya namang pagbangga namin sa isang puno.
"F******ck!!!!"
"Ahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!"
Bogsh!..........
Thank you for reading 😄
Neurotic author: Miss_Stragic
Halata bang rush ang flow ng story?
BINABASA MO ANG
The Unbroken Promise #Wattys2016
Historia Corta"Pangako hindi kita iiwan, ikaw lang mamahalin ko habang buhay." Nagbitaw ng pangako ang dalawang magnobya na sila Jack at Jill na kahit ano mang mangyari ay mamahalin nila ang isat isa. Pero pano kung mamatay ang isa sa kanila? Mananatili pa ba an...