Page 16

261 34 14
                                    

Dedicated to: DarkBlood_JYP24

Ivan Pov.

Pagkarating ko sa Empire corp ay agad akong pumasok sa loob at kunwaring isang empleyado roon. Mabuti na lang busy ang dalawang guard na nagbabantay kaya hindi nila ako napansin na pumasok sa loob. Ngayon ang poblema ko ay kung saan ko hahanapin ang bruhang iyon. Pero meron akong kutob na sa tingin ko ay una niyang pupuntahan, at yon ay ang office ni Ace. Naglakad ako papuntang elevator ng bigla may sumigaw.

"Hoy! Sino ka?" alam kong ako ang tinutukoy niya, malamang dahil nakajersey lang ako at nakapajama. Hindi ko na siya nilingon pa at agad sumakay sa elevator. Nakita ko sa papasarang pinto ang paghabol ng dalawang guwardiya, ng malapit na sila ay agad silang nagulat at binanggit ang "S-sir Ja----" hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi sapagkat tuluyan ng nagsara ang pinto ng elevator. Nasa 50th floor na ako ng hindi ko inaasahan na may mga guwardiya at patakbo sila sa direksyon ko at sumigaw ang isa ng "Huliin niyo siya!" Walang kakyemeng kyemeng tumakbo ako ng mabilis, mabuti na lang paliko liko ang hallway kaya pagkaliko ko ay agad akong nagbukas ng pinto at mabilis na pumasok doon. Agad ako sumandal sa likod ng pinto at nagbuga ng hangin. Ho! Narinig ko ang mga yapak ng mga paa na tumatakbo at lumagpas sila sa madilim na kwartong kinatataguan ko. Agad ako napatayo ng tuwid nang may nagtapat ng flashlight sa mukha ko dahilan upang masilaw ako.

"S-sino ka?" boses babae. Lumapit ang babae at nakita ko na nanginginig ang kanyang kamay na may hawak na flashlight. Patay ako nito pagsumigaw to! Mabilis ako lumapit sa kanya at agad kong tinakpan ang bunganga niya. Nagpupumilas siya, ang lakas ng babaeng to! Pwedeng isali sa Wresling. Sa sobrang lakas niya ay napunta kami sa pader, naibalibag niya ako sa pader at saktong nasiko ko ang switch ng ilaw. Agad kong nabitawan ang babae dahil kilala ko to. Nagulat din ang babae ng makita ako.

"S-sir Ja--!"

"Call me Ivan, Shiela."

"Teka bakit ka ba andito sa bodega?" nasa bodega kami kung saan ang mga files na hindi gaanong kaimportante ay dito tinatambak. Yumuko lang si Shiela at hindi kumibo. Narinig kong humikbi siya at napansin ang patak ng luha sa sahig.

"Hey? bakit ka umiiyak?" hindi ulit siya kumibo.

"May poblema ba?" doon ay mas lalo siyang umiyak.

"S-sir, k-kasi po....."

"Kasi??"

"Sorry po sir, kasalanan ko pong lahat."

"Teka ? Anong pingsasabi mo?" hinawakan ko ang dalawa niyang balikat, pero niyakap niya ako.

Mga ilang minuto lang ay tumigil siya sa pag iyak. Kumalas siya sa yakap at tumikhim.

"Ahem! Sorry po sir nadala lang ako sir. Mabuti naman at nakita ko kayo may mahalaga akong sasabihin."

"Ano naman yon?" naglakad siya papunta sa mga files na nasa bookshelf at may hinilang folder doon.

"Sir, ito ang mga papeles na naglalaman na kayo parin ang presidente ng EMPIRE CORP. Peke po ang pinakitang documents ni Sir Ace sainyo." hindi ako nakaimik sa sinabi ni Shiela at agad kinuha ang folder at binuklat. Nakita ko ang orihinal na documento na nagsasabing

"Ivan Jack Drefon the PRESIDENT of EMPIRE CORP 2008- until............"
habang binabasa ko ang nakasulat ay bigla ko na lang naalala ang pangyayari noong nasa ospital pa ako.

Flashback:

Nagising ako, at ang una kong narinig ay ang pag totoot ng lifesupport. Maraming nakakabit na mga host sa katawan ko. Agad kong tinanggal ang oxygen sa bibig ko.

The Unbroken Promise #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon