Chapter 17

8K 203 0
                                    


Aika's P.O.V

Ngayon na daw araw ng pag-alis ni Krystal.. =( pakiramdam ko sobrang lungkot ko..

"Tita, magiingat po kayo dito hm?" at yumakap siya kay mommy lee at mommy Kate..

"Anong oras ba ng flight mo krys?" si mommy lee.

"mamayang 3pm po, pero kailangan ko na pong umalis para maiayos ko pa po yung kailangan kong dalhin..

"ah ganun ba?.. osge, ikaw ang mag-iingat Krystal"

"opo tita.. thankyou sa ilang araw na pagpunta ko rito..sana po gumaling na kayo"

"ah oo! Makakalabas na to sa isang araw Krystal" si mommy kate.

Ngumiti naman si Krystal at muli silang yumakap dito..

"sige po tita, mauna na po ako.."

"mommy, samahan ko siya ha?" paalam ko..

"sige lang, alam kong mamimiss mo ang sweetheart mo.." -_-

Mommy Kate talaga pang-asar nanaman . hmmmff..

------------------

Krystal's House

"bakit ka nakasimangot?" si Krystal..

"aalis ka na kasi.. sabi ko na mangiiwan ka rin." At hinagis ko ang sarili ko sa kama niya.

"ikaw nga ang nangiwan dati.." saad niya habang naghahalungkat ng damit na dadalhin.

"ah so ganun , gantihan!?" inis na saad ko sabay upo at nagcross legs at arms ako..

"Hindi ganun!, may kailangan lang talaga ako asikasuhin sa Pilipinas" at huminto siya para lumingon sa akin.

"mas importante pa ba yun? ilipat mo nalang kasi dito!"

"hindi ganun kadali yun, lahat ng nasa matataas na katungkulan sa kompanya nasa Pilipinas.." at naupo siya sa tabi ko..

"Nakakainis.." at nakatalikod akong humiga ulit..

Bakit ganun? Naiiyak ako...

Nararamdaman ko na ang init na mula sa mga mata ko.. kahit 1 week pa yun, masyadong matagal..

Tumayo siya at naglakad papunta sa harap ko.. sinilip niya yung mukha ko na natabunan ng mga buhok ..

"wag ka umiyak.." nag-aalalang sabi niya.. Tumalikod ako ulit at dumapa nalang.. ayan na yung luha ko nagsisimula nang umagos.. bakit ba kasi naiiyak ako?.. hindi ko dapat nararamdaman to eeh..

Ramdam kong napapahikbi na ako.. di ko na talaga napigilan yung luha ko, sunod sunod nalang siyang dumadaloy sa pisngi ko, wala akong pake kung mabasa yung kama niya..

"ui, sorry na.. 1 week lang talaga promise.." halata ang pag-aalala sa boses niya..

Naramdaman ko ang paghiga niya sa tabi ko at ang pag-akap ng bisig niya sa katawan ko..

"Aiks.. wag ka na umiyak oh.." at inabutan niya ako ng panyo..

Kinuha ko naman at pinunasan ang luha ko sabay upo sa kama niya..

Naupo na rin siya at inakbayan ako. "Aika.. tahan na.."

Tinanggal ko naman ang kamay niya.. "bahala ka! Sige na umalis kana.." saad ko..

Nakakainis talaga >.< ayoko siya umalis! Wala nanaman akong kasama sa bahay, magisa akong matutulog dahil nasa hospital sila mommy , tagabantay ako nung bahay namin.. =(

Straight Girl Meets Ms. Perfect(Love and Lust 2 girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon