Chapter 19

7.6K 203 2
                                    

Aika's P.O.V

O_O

"Krystal!" sigaw ko..

"Hindi ako mawawala sa mundo hangat hindi ka namamatay" saad ni Krystal at mabilis niyang tinamaan ng dalawang putok ang ulo ni HanLu..

At sa pagtumba ni HanLu ay kasabay rin ng pagkahulog niya sa bisig ko..

"Krys.. Krystal.." nanlalabo na ang paningin ko dahil sa namumuong luha sa mga mata ko..

Mabilis ang pagdaloy ng dugo mula sa dibdib niya.. kahit binabaha na ang damit ko ay niyakap ko parin siya ng mahigpit..

"Krystal please, wag kang mawawala" ..

Di ko na napigilan ang luha na umagos sa pisngi ko..

Parang hindi ko kaya...

hindi ko kayang mawala ang nag-iisang babaeng minahal ko, hinaplos ko ang pisngi niya at nagigitgitan ang ngipin ko sa sakit at bigat na nararamdaman ko..

"Ms. Fabellon, we need to bring her at the hospital immediately, we might survive her life"

At mabilis namang binawi siya sa akin ng iilang mga police, nanlalabo ang paningin ko at parang hindi ko alam ang gagawin, pero sa huli.. Tumingala na lamang ako sa langit..

Panginoon, kunin niyo na ang lahat sa akin wag lang si Krystal, hindi ko pa nasasabi sa kanyang mahal na mahal ko siya, kailangan niiya pang mabuhay , hindi ko kakayanin pag nawala siya..

Kaya nakikiusap ako, iligtas niyo po ang mahal ko, wag po muna.. sigina please..

At napayakap na lamang ako kay mommy lee pagkababa namin sa building, matulin siyang dinala sa pinaka malapit na hospital at sumama narin kami gamit ang kotse ng police..


Dinala siya sa Operating room at nanatili lang kami sa labas ng kwarto, pilit ko pang pumasok pero pinigilan nila ako..

"Doc!" tawag ko.. pinilit ko ring sumilip sa bintana ng pinto pero may nakatabing na kurtina..

Palakad lakad na lamang ako kahit pakiramdam ko ay nanghihina ako sa nangyari kay Krystal..

Kunin niya na sana kahit ang yaman namin, wag lang si Krystal.. Hindi pa ako tapos Lord, di ko pa nagagawa yung mission ko sa kanya na pasayahin siya, na mahalin siya, na suklian yung kabutihan niya..

Sa gitna ng paglalakad ko ay niyakap na lamang ako ni Mommy Kate, tumugon naman ako sa yakap niya at ibinuhos ko na lamang ang luha kong tila hindi nauubos..

"Hindi ko pa nasasabi Ma.." umiiyak na saad ko..

"Sssshh.. maliligtas si Krystal.."

"Mahal na mahal ko si Krystal mommy, at pag nawala siya, hindi ko na alam.."

Parang ikakamatay ko pag nawala siya, parang wala nang saysay ang buhay ko pag kinuha na si Krystal.. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito, kaya sana ay pagbigyan niyo ako panginoon.. Pakiusap po..

Wag si Krystal, mawala na lahat ng ari-arian ko, wag lang siya.. Please.. Lord.. Pleeeaase..

Tahimik na akong umiiyak at yakap yakap ang sarili ko sa tabi ng pintuan nang bigla na lamang bumukas ito at lumabas ang doctor..

Napalapit naman agad sila mommy pero ako?.. eto nanatili akong nakaupo, parang ayokong malaman ang resulta.. Tinakpan ko na lamang ang tenga ko at hindi parin tumitigil ang mga luha ko..

"How is she Doc?" mahinang dinig ko sa boses ni mommy lee

.

.

.

.

.

.

..

.

.

.

.

.

.

.

..

"Im sorry.. we did our best but she didn't survive"

At sa narinig ko ng iyon halos bagsakan ako ng langit at lupa, tila matutumba ako sa kinauupuan ko, pero imbes na manatili ay matulin akong tumakbo papasok sa Operating room at niyakap si Krystal na nakahiga sa kama..

"Krystal..." tawag ko.. "gumising ka please, mahal na mahal kita..wag mokong iwan!"

Patuloy lang ako sa paghikbi habang yakap yakap ko pa siya..

"Krystal!" muli kong tawag..

"Anak.."

"hindi totoo to mommy, hindi pa siya patay diba? hindi siya mawawala!"

Kung panaginip man to , gusto ko na gumising at hindi na muling bumalik pa dito..

"Krystaaaaall! Wag ka naman mang-iwan, wag naman yung di ko na maririnig yung boses mo, di ko na masisilayan yung mga ngiti mo, di ko na mahahawakan yung mga kamay mo at habang buhay na hindi ko na mararamdaman ang yakap mo at din a kita makikita..."

" I miss you naaa.. gumising ka naa.."

"tama na anak.." boses ni Mommy lee sa likod ko pero hindi ko na lamang siya pinansin..

"I love you Krystal, mahal na mahal kita.." dinampian ko siya ng halik sa labi niya.. at muli ko siyang niyakap ng sobrang higpit..

Ayoko na siyang bitawan.. dito nalang ako.. ayoko nang umalis sa tabi niya..

"Tanggapin nalang natin Anak, tama na..." at niyakap ako ni mommy Kate mula sa likod ko..

Ayoko pa.. ayoko pang mag-paalam.. Hindi ko pa kayang tanggapin.

di ko pa tanggap... na hindi ko na muling masisilayan ang magandang ngiti niya, ang mga mata niyang nangungusap na mahalin ko siya, mga salita niyang lubos na nagsasabi kung gaano niya ako kamahal, labi niyang kay lambot at nagparamdam sa akin ng halik ng pagmamahal, yakap niyang higit na mainit kaysa sa iba..

At higit sa lahat, yung Krystal na walang ibang ginawa kundi protektahan ako at mahalin kung sino ako..

Hindi ko pa kayang mag-paalam, hindi ko kayang tanggapin na wala na ang lahat ng yun, di ko kayang tangagapin na..

na ang lahat ay isa na lamang Masaya at masakit na Ala Ala..

"Paalam Krystal"

.

.

.

.

.

.

.

..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Aika.. bakit ka umiiyak?.."

O_O

.

.

.

.

.

Boses ni ni.. Krystal..

Straight Girl Meets Ms. Perfect(Love and Lust 2 girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon