Chapter 18

7K 193 1
                                    


After 1 week

Krystal's P.O.V

Kailangan ko nang bumalik agad sa Canada dahil nasa panganib daw ang buhay ni Aika.. Parang binagsakan ako ng langit at lupa nang malamang si Aika na ang hawak ni HanLu at pwede niyang patayin..

Canada

"Tita.." tawag ko pagkarating ko sa bahay nila, andun narin sa kanila ang mga pulis upang tumulong..

"Andiyan ka nap ala Krystal, si Aika isang lingo naring hindi pinapakain, puro tubig lang ang binibigay sa kanya.."

"Nako.. kailangan na natin magmadali tita, ngayon naba?" tanong ko..

"oo, ready kana?"

"opo.."

"So police officers, please do your best to save the life of our daughter"

"We will do.." saad ng General ..

Nag-umpisa na silang sumakay sa mga kotse nila, ngunit pinauna nila ako upang masigurong hindi papatayin si Aika sa pagdating ng mga pulis..

Pagkarating ko roon ay may dalawa agad na tauhang nakabantay sa pinto ng building, sabay ko silang tinamaaan at pinatumba tsaka ako maingat na pumasok..

Hindi ko maitanggi na kinakabahan rin ako pero lakas loob at matapang akong sumabak ulit sa ganito upang mailigtas ang pinakamamahal ko..

Hangang 10th floor ang building at nandun si Aika, kaya agad akong gumamit ng hagdan upang makarating sa pinakatuktok.. Ang gamit kong baril ay hindi maingay upang kung sakaling may makakita sa akin ay hindi agad malalaman ng iba pang tauhan..

"UY!" tawag ng isang lalaki at agad ko siyang pinaputukan sa ulo nito.. at nagpatuloy ako muli sa pag-akyat..

"May babae!"

BANG !

BANG!

Dalawang lalaki ang nasalubong ko paakyat, medyo napalakas yung pag sigaw niya kaya't may lumapit pang apat..

Nagtago muna ako sa gilid ng hagdan at nang lumapit sa harapan ko ang dalawa ay agad ko silang binaril may dalawang pang natira , ako na mismo ang paupong umakyat at ng liningon ko na sila'y agad kong tinamaan ang ulo nila..

Mabilis naman akong nakarating sa 9th floor dahil wala na akong nasalubong ,paniguradong nasa mga room ang marami sa kanila.. Nang nasa 10th floor na ako ay marami agad ang sumalubong sa akin, anim ang bilang ko kaya naman nagpasabog na lamang ako ng garanada at iyon ang dahilan upang lumabas si HanLu hawak hawak ang hinihilang buhok ni Aika...

"Ms. De ayala.." tawag niya at itinutok ko kaagad sa kanya ang baril ko.. itunutok niya rin ang baril niya sa ulo ni Aika , dahilan upang ilagay ko lamang ang baril sa bulsa ko..

Pinindot ko na ang senyas sa mga police upang pumasok na sila sa building, medyo naririnig ko naman ang mahinang mga putok ng baril mula sa baba..

"Hindi ko inaasahan na ikaw ang pupunta rito mag-isa.." saad niya..

"Bingi ka ba?" tanong ko..

"Bakit??"

"wala naman,natanong ko lang, malaki ang galit ko sayo, at alam kong ganun Karin sa akin... nangagati na ang mga kamay kong patayin ka, para manahimik ang buhay ko.."

"hahahah!, kaso hawak ko ang prinsesa mo? Diba?" natatawang saad niya..

"maari mo namang bawiin ang kompanya, hindi ko naman pinagdadamot sa iyo yun, kaso pinaghirapan iyon ng aking ama, kaya hindi ko basta basta nalang ibibigay sayo.."

"alam ko! Kaya ang kailangan ko nalang gawin ay patayin ka!" sigaw niya.. balak niya na sana akong barilin ngunit may police na dumaan sa kabila at nagpaputok ng baril , natamaan ang balikat ni HanLu at matulin siyang nakatakbo, papasok sa kwarto na katabi niya..

Kaya namang mabilis din akong tumungo sa kinauupuan ni Aika.. upang harangan ang paniguradong hindi pagtigil niya sa pagkitil ng buhay ni Aika..

"ikaw ang magbabayad!" sigaw ni HanLu mula sa loob ..

BANG!

O_O

hindi maari..

Straight Girl Meets Ms. Perfect(Love and Lust 2 girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon