Proloque

74 7 6
                                    


Mahal mo , mahal ka ba? Mahal ka , mahal mo ba?
Yung akala mong ayun na , yun pala hindi pa! Yung umaasa kana , pero kaybigan lang pala . Pag gusto mo nang sumuko , saka naman  sya magpaparamdam . Hindi mo alam kung saan ka lulugar , o kung may lulugaran kaba!

Pag nag mahal ka hindi pwedeng hindi ka masasaktan!
Bago ka makarating sa finish line , marami ka munang pag dadaanan . Magiging masaya ka , pero mayamaya lang magkakaroon ng dahilan para maging malungkot ka! Sa bawat yugto ng buhay , marami kang bagong makikilala .Sa buhay natin hindi mawawala ang hadlang! Magiging ok na pero hahadlang pa! Yung iba akala mo dumating sa buhay mo para pasayahin ka , yun pala para saktan ka! Sa buhay , dadating yung araw na kaylangan mong mag sakripisyo para sa ikabubuti mo o ikabubuti ng mga taong nasa paligid mo!

Sa bawat yugto ng buhay ko , marami akong nakikilalang bago . Pero ilang school year na ang dumaan pero nakastuck padin ako sa kanya! May mga bago nakong nakilala pero hindi padin nagbabago ang tingin ko sa kanya! Sya padin ang laman ng utak at bukang bibig ko .

Ako?
Ako si Gwen Sophia Legaspi
-Isa lang akong simpleng estudyante na nangagarap na mapansin ng taong gusto ko! Ako yung tipo ng babae na tumatahimik kapag nasasaktan na . Minsan OA! Minsan sobrang ingay! Mabait akong tao . Minsan tanga tanga din ako! Isa ako sa mga babaeng naghahangad ng happy ending. Pero papalarin kaya akong makamtan yun?

"Ace Kevin Villanueva"
-Sya yung isa dahilan kung bakit ginaganahan akong pumasok sa school araw araw . Sya yung lalaking pinapangarap ko . Sya yung laging laman ng utak at bukang bibig ko! Sya yung lalaking ngumiti lang, para sakin guguho na yung mundo! Sya yung nagiging dahilan kung bakit nagiging special ang araw ko sa tuwing kakausapin nya ko . Yan si ace! Simple , pero para sakin malakas ang dating . Masungit pero pogi . Sya ang long time crush ko . 2nd year palang pinapangarap ko na . Kahit na alam ko sa sarili ko na di nya ako magugustuhan na hanggang kaybigan lang . GO padin ng Go! Minsan nya lang ako mapansin pero sa minsan na yun hindi ko maiwasan hindi umasa .

Paul Andrew Flores
-Sya ang boy bestfriend ko . Mabait , gentleman , pogi . Nasa kanya na lahat! Ang lalaking laging gumagawa ng move para mapansin ako ng taong gusto ko . Ang lalaking alam halos lahat tungkol sakin! Pero ako wala kong alam tungkol sa kanya. Sya yung lalaking hindi ko malaman kung sino ang gusto! Sya yung lalaking gagawin lahat maging masaya ka lang .

Jhay Yves Alvarez
-Nung una akala ko hindi ko sya magiging close. Sya kasi yung tipo ng lalaki na once na ngitian mo iiwasan ka lang ng tingin! Suplado sya at laging tahimik . Sya yung lalaking laging nandyan kung kaylangan mo . Yung lalaking biglang susulpot para pasayahin ka sa tuwing malungkot ka . Yung lalaking nandyan pag nasasaktan ka! Sya yung lalaking kayang ibigay lahat maging masaya ka lang .

Kyla Terriz Fernandez
-Sya yung babaeng kung makapang bara sakin ay wagas! Yes. She's my bestfriend . Sometimes we have problems , sometimes we fight . Sometimes we laugh , sometimes we cry . I know everything about her , and she knows everything about me . Matagal na kaming magkaybigan ni kyla kaya kilalang kilala ko na sya . Minsan support sya sa crush ko pero minsan sinasabi nya na suko na daw ako . We love each other ang we always will . Si kyla kasi yung klase ng kaybigan na ayokong mawala .

Jane Channel Mendoza
-Isa si jane sa mga kaybigan ko . Kaming tatlo nila kyla ang madalas magkasama! Mabait sya maganda at makulit. Marami narin kaming pinagsamahan . Pero sa isang mababaw na dahilan nasira ang pagkakaibigan namin .

Sila yung mga taong malapit sakin at bubuo sa buhay ko .

"When He Fall Inlove"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon