Chapter 6

18 2 0
                                    


Jhay :

Pinagmamasdan ko yung mga picture namin ni gwen na pinasa nya .
Yung mga ngiti nya na akala mo hindi nasasaktan .
Dahil lang sa taong gusto nya kaya sya nasasaktan ng ganito!
Ang tanga ni ace . Na kay gwen na lahat pero baket naghahanap pa sya ng iba? Alam ko nitong mga nakaraang araw nagiging malapit na silang dalawa , kaya isa din ako sa nag isip na baka gusto na ni ace si gwen . Pero hindi pala may kasama syang babae. At balak nya pa talagang ipakita kay gwen yun? Wala syang kwenta! Di sya marunong mag isip! Di nya ba alam kung ano ang mararamdaman nung tao? Ngayon pa na asang asa na si gwen sa kanya! Ang tanga nya! Kung ako sa kanya hindi ko na sasayangin ang isang katulad ni gwen .

Gwen :

"San kaba galing kahapon? Hindi kana bumalik! - Kyla
-Tahimik lang ako habang si kyla dakdak ng dakdak sa tabi ko . Ewan ko ba , baket wala ako sa mood ngayon .
Sana dumating na yung teacher namin para naman tumigil na to si kyla . Mas mabuti nang makinig ng report ng mga classmate ko kesa makinig kay kyla . Oo nga pala speaking of report! Si jane na ang magrereport ngayon at kasama nya si ace! Ang lalaking paasa!
Sino ba nag tanga? Ang lalaking paasa o yung taong umaasa? Sino ba kasing hindi aasa? Long time crush mo tapos lagi kang inatabihan , nahuhuli mong nakatitig sayo , at tinatanong ka kung ok ka lang . Odiba? Hindi nyo ko masisisi kung umaasa ako kasi dalawang linggo na syang ganyan sakin? Dati hindi nya ako pinapansin pero ngayon ganto na! Tapos kahapon makikita ko sya na may kasamang iba? Akala ko ayun na e , hindi pa pala . Umasa lang pala!
Pero kahit na umiyak ako kahapon at dahil sa kay ace yun baket gusto ko padin sya? Hindi ko alam kung ano na ba!
"Gwen?
-Napatingin ako sa lalaking tumawag sakin .
"Paul! Baket?

"Ok ka lang ba?
-Sa tono palang ng pananalita nya alam ko na nag aalala sya sakin dahil siguro yun sa nangyari kahapon . Masyado siguro talaga akong OA dahil may paiyak iyak effect pa ko kahapon .
"Oo naman .
-Nakangiti kong sagot sa kanya.
Nakita ko lang tong bestfriend ko nagbago na yung mood ko . Pano si kyla?
"Sorry kahapon hindi kita napuntahan nung umiiyak ka! Nandun na kasi si jhay e .
-Ganun kasi si paul once na alam nya o nakikita nya na hindi ako ok , nandyan agad sya para icomffort ako . Pero kahapon hindi sya nakapunta kasi nandun na si jhay?
"Ano kaba ok lang ako .

-Dumating ang teacher namin at nagsimulang magreport si ace at jane .
Sa style ng pagd-discuss nila halatang inayos talaga nila . Habang nasa harap sila napapansin ko yung mga tinginan nila at ngitian . Dun ako nakaramdam ng selos! Lintik na puso! Nasasaktan na patuloy padin?
Nahahalata rin siguro ni kyla yung mga galawan ng dalawa nun sa harap kaya napapansin ko sya na tumitingin sakin . Nitong mga nakaraang araw hindi na masyadong dumidikit samin ni kyla si jane . Madalas si ace na yung kasama nya! Hindi naman kami nag ayaw pero parang iwas na sya samin ni kyla . Kung hindi si kyla , si paul naman ang kasama ko o kaya si jhay . Ngayon kasi mas lalo kaming naging close! Di ko akalain na ganito na kami kaclose! Yung turing ko sa kanya parang yung turing ko nadin kay paul . Dalawang kaybigan kong lalaki! Sana hindi nila ako iiwan .

------

"Ang galing mo kanina jane! - Ace
-Nandito kami ngayon sa canteen at pinag uusapan nila ang tungkol sa report na ginagaw nung dalawa . May iba akong nararamdaman sa closeness ni jane at ace! Kelan pa kaya sila naging close? Simula nung naging mag partner sila?! Hindi! Bestfriend mo si jane , gwen . Whaaa! Yung mga ngitian nilang dalawa . Oo nagseselos ako! Kahit wala namang karapatan . Nagseselos ako kasi mas close pa sila ng kaybigan ko kesa sakin! Tapos yung mga ngiti ni ace kay jane parang?
Sa nararamdaman ko ngayon gusto kong maiyak . Habang nakatingin ako sa kanila na ngayon ay nagtatawanan sa harap ko feeling ko tutulo na yung luha ko . Parang nakalimutan na nila na may kasama sila!
Sa di malamang dahilan tumayo ako at naglakad palayo. Narinig kong tinawag ako ni kyla pero di ako lumingon!
Pumunta ako dun sa likod ng school at umupo dun sa nag iisang swing. Bute may gantong lugar dito sa school! Pag nandito kasi ako pakiramdan ko gumagaan yung loob ko . OA naba ako masyado? Iba kasi yung mga titigan nung dalawa kanina kaya ganto yung nararamdaman ko . Argh! Ang tanga ko ba? Alam ko naman na walang pag asa , Asa padin ako ng asa! Mayamaya lang naramdaman ko na unti unti ng bumabagsak yung luha ko . OA na kung OA . Nasasaktan talaga ako e!
"Sayang naman yung pagkain mo kanina!
-Kahit nakatalikod ako alam ko na agad kung sino yung nagsalita sa likod ko .
"Malamang magkapartner yung dalawa kaya malapit sila .
-Pumunta si jhay sa harap ko at umupo sa damuhan .
"Pano mo nalaman na nandito ako?
-Napangiti sya sa tanong ko .
"Tambayan mo to e .
-Oo nga naman . Nagtatanong pa ko!
"Alam mo talaga kung baket ako umalis no?

"Oo naman . Sa titig mo palang kay ace at jane halatang nasasaktan ka na e!

"Ang sweet nila no?
-Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya! Sya naman ngumiti ng nakakaloko sakin.
"Hmm joke lang . Alam mo gwen kung nasasaktan kana tigil mo na!
-Natigilan ako sa sinabi nya . Madali bang sumuko? Sobrang tagal ko na syang crush minsan nya lang ako mapansin pero hindi padin ako sumuko . Si ace yung lalaking pangarap ko! May tatlong matitinong lalaki ang nanligaw saken last year pero di ko pinayagan kasi sobrang umaasa ako kay ace! Wala pa kong nagiging boyfriend . Wanna know why? Because i want my first to me my last! At si ace yun .
"Di ko alam jhay! Kahit nasasaktan nako tuloy padin!

"Gwen hindi kita pipigilan kung gugustuhin mo padin sya , pero .....
-Hinawakan nya yung kamay ko at diretsong tumingin sa mga mata ko . Gusto kong matawa dahil sa kilos nya pero nakita ko na seryoso sya .
"Pero eto ang tatandaan mo!
Lagi ko lang hahawakan yung kamay mo pag nasasaktan at nahihirapan kana!Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo .
-Parang narinig ko na yung linyang yun . San nga ba yun?
"Ok? Pag kaylangan mo ako lagi lang akong nandito para pasayahin ka . Wag kang magdadalawang isip na puntahan ako kasi hindi din ako magdadalawang isip na puntahan ka .
-Baket ang swerte ko pagdating sa kaybigan? Maliban kay james ha. Simula nang naghighschool ako pumasok si kyla , sumunod si paul , at ngayon si jhay! Lahat sila sobrang bait saken . Laging nandyan pag kaylangan ko! At sigurado na ako na hindi talaga sila mawawala at hindi nila ako iiwan .

Paul :

Yung kaybigan ko nasasaktan nanaman kanina at wala nanaman ako sa tabi nya . Ok lang naman siguro kasi nandun na si jhay! Alam ko na papasayahin nya ang bestfriend ko . Oo nga pala napapansin ko na lagi nang nagkadikit si jane at ace ngayon . Dahil lang ba yun sa pagiging partner nila?
Masyado naman yata yun . Sabagay si jhay nga naging close sila ni gwen dahil dun sa report na yun tingan nyo lagi na silang magkasama . Pero di naman issue saken yun! Masaya nga ako kasi alam ko na kahit wala na ako merong jhay na mag aalaga sa kaybigan ko . Panatag akong aalis dahil may papalit naman sakin sa buhay ni gwen!

"When He Fall Inlove"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon