Chapter 23

10 0 0
                                    


"Gwen! Gwen! Gwen!
-Halos mabuga ko yung iniinom ko ng yugyugin ako ni ate habang paulit ulit na tinatawag ang pangalan ko.
"Ano kaba ate? Baket?
-Iritado kong sabi sa kanya habang pinupunasan ko ang gilid ng labi ko.
"Si ace nandyan na!
-Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi nya.
"Lumabas kana. Baka iwan ka pa nun!
-Pinagtulakan nya ako palabas pero hindi ako nagpatinag .
"Wait lang! Ok lang ba yung itsura?

"Oo maganda kana! Sige na bye sis . Enjoy your date with your special someone!
-Kanina pa talaga ako hindi mapakali dahil sa date namin ni ace nato! Ewan ko kung date ba ang tawag nya dito pero ako? OO! I think isa ito sa pinakamasayang araw sa buhay ko kasi makakasama ko sa simpleng gabi ang lalaking matagal ko nang pinapangarap! Dahil dito kahit papano na nababawasan ang kalungkutan ko.
"Let's go?
-Bungad sakin ni ace ng makalapit na ako sa kanya . Ngumiti ako sa kanya saka nya ako pinagbuksan ng pinto ng kotse nya.
Pagpasok ko sa loob naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya agad kong kinuha para makita kung sino yung nagtex .

-Kyla-
"Hey my very beautiful bestfriend! Enjoy your date with ace . Im so happy for you :) Sana tuloy tuloy na yan. Take care :*

-Napangiti ako sa message sakin ni kyla. Ito ang gusto ko sa kanya eh , yung support nya ko sa lahat.
Sana nga tuloy tuloy na to!

"Sino yan?
-Napatingin naman ako kay ace na ngayon ay nakatingin na sa daan.
"Ahh si kyla. Enjoy ko daw to!
-Napangiti naman sya na dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Mahal ka talaga ng kaybigan mo. Sigurado ba kayo na magkaybigan lang kayo? Parang magkapatid na kasi kayo kung magturingan eh!
-Tama sya! Kapatid na nga ang turingan namin. Ok na kami ulit ni kyla! Ang bilis no? Parang walang nangyari . Hahahaha
"Maswerte sya dahil may kaybigan syang tulad mo.

"Maswerte din ako sa kanya.
-Ilang minuto lang huminto na ang sasakyan kita ko sa labas na nasa isang sikat na restaurant kami ngayon.

-----
----

"So saan kana after graduation?
-Nagkwentuhan kami ni ace habang nandito kami sa isang park. Pagtapos namin kumain dito nya ako dinala! Simple lang pero para sakin napakasweet ni ace! Perfect boyfriend .
"Bakasyon?
-Patanong na sagot ko sa kanya.
Hindi ko din kasi alam kung anong plano after graduation.
"Ang bilis ng panahon no? Parang kelan lang nung mga laro pa ang iniisip natin pero ngayon magc-college na tayo!
-Tama! Dati tinitingnan lang kita ngayon nakakasama at nakakausap na kita! Mula sa pagiging hangin ko sayo noon , ngayon unti unti na tayong nagkakalapit!
"Gwen?

"Huh?

"Magkikita pa kaya tayo pagdating ng panahon?
-Natigilan ako. Hindi ko alam ang isasagot ko!
"Sana magkita pa tayo!
-Sabi nya na ikinatigil ko.

Jhay :

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako ngayong magkasama si ace at gwen! Dapat maging masaya ako kasi masaya ngayon si gwen , masaya sya kasi kasama nya ang taong dahilan kung bakit sya minsan masaya yung taong madalas dahilan ng pag iyak nya! Ace . Hindi ko alam kung ano ba talagang plano mo! Papaasahin mo nanaman ba si gwen? Hindi ka naman siguro tanga para hindi mo maramdaman ang mararamdaman ni gwen pag nalaman nya na wala lang ang lahat ng to sayo! Aasa at aasa si gwen hanggang hindi ka tumitigil sa pagpapaasa sa kanya!

"Who's that girl?
-Agad kong tinago ang phone ko na may picture ni gwen na kanina ko pa pinagmamasdan ng maramdaman ko ang presenya si jade sa likod ko.
"Sino sya? Girlfriend mo?
-Sana! Sana girlfriend ko sya! Sana ako nalang ang gusto nya para hindi sya nasasaktan ng ganyan! Kaso hindi eh . Kaybigan ko ang gusto nya! Kaybigan ko na walang ginawa kundi paasahin sya.
2nd year palang ako ng mapansin ko si gwen. Parati syang dumadaan sa room namin para lang silipin si ace na grade school palang classmate ko na . Di sya pinapansin ni ace! Minsan nakikita namin sya na pinagmamasdan si ace pero ni minsan di sya pinansin! Lagi ko syang pinagmamasdan tuwing nakikita ko sya at nakita ko na maganda sya. Hanggang sa naging 3rd year kami pinagpapantasyahan nya padin si ace na hindi padin sya pinapansin lahat ng kaybigan ko tinutukso sila tuwing magsasalubong silang dalawa.
Maliban sakin! Hindi ko sila pinapansin . At nang tumungtong kami ng 4th year pangarap parin ni gwen si ace! Pumasok sa isip ko na siguro may pag asa si gwen kay ace kasi  classmate na sila at mas lalo silang magkakalapit! Di ko sila pinapakielaman bahala na sila. Tahimik ako pag sa kanilang dalawa ang usapan! Hindi ako nakikisali sa kanila. Pero hindi ko akalain na ang babaeng nakikita ko lang noon dahil kay ace ay magugustuhan ko pala. Oo gusto ko si gwen! Simula pa ng maging classmate kami . Nung una ayokong mapalapit sa kanya kasi alam ko naman na di nya din ako mapapansin kasi kay ace ang atensyon nya. Hindi ko akalain dahil sa isang report sa school ganto na kami ka close ngayon! Ayoko syang nakikitang nasasaktan , ayoko syang makitang malungkot kasi feeling ko ako yung nahihirapan! Si gwen yung tipo ng babae na gusto kong makasama habang buhay. Kaso hindi mangyayari yun! Kasi si ace ang gusto nya. Si ace lang! Kahit na ito ang dahilan kung bakit minsan umiiyak sya. Wala akong balak sabihin sa kanya o sakanila ang nararamdaman kong to! Bakit kung sabihin ko ba may magbabago? Mawawala ba yung pagkagusto nya kay ace? Hindi naman diba? Masaya nako na nakikita ko syang masaya kasama ang taong mahal nya.

Ace :

"Sino yan?
-Agad kong tinago ang cellphone ko . Kanina pa ako nakauwi galing sa paghatid ko kay gwen sa bahay nila . Masasabi ko na naging masaya ako ngayon gabi . Nag enjoy ako kasama sya! Ok naman sya kasama hindi nakakabored .
Pagpasok ko ng kwarto ko agad kong tiningnan yung mga picture namin ni gwen sa phone ko ang ganda ng mga ngiti nya! Maganda sya . Pero agad nawala ang mga ngiti ko kasi tinago ko ang phone ko ng makita ko si ate sa tabi ko.

"Girlfriend mo?

"Ha? - .....

"Maganda sya ha!

"Wait - .....

"Bakit di mo sinabi sakin na may girlfriend kana pala .

"What?! - ......

"Bakit di mo sya pinapakilala samin?

"Tek - ....

"Gusto kong makilala ang unang naging girlfriend ng kapatid ko .
-Lahat ng gusto kong sabihin hindi ko natuloy dahil sa sunod sunod na salita ni ate!
"Ano tapos kana? Pwede naba akong magsalita?
-Natawa naman sya sa reaksyon ko .
"Una sa lahat di ko sya girlfriend! Oo maganda sya . At higit sa lahat saka ko na sya ipapakilala sayo pag girlfriend ko na sya.
-Hindi ko alam kung saan galing ang mga sinabi ko . Shett! Ano bang sinasabi ko.
"Ok! Alis nako!
-Nahampas ko ang ulo ko. Ano bang ginawa ko.

"When He Fall Inlove"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon