Chapter 21

17 2 0
                                    

Gwen :

Masasabi ko nga na mabilis lang lumipas ang araw! At eto nanaman kami balik sa school . At syempre ano pa nga ba ang inaasahan namin kundi tambak na projects or anything. Nakakatuwa kasi ilang months nalang g-graduate na kami . Dati lang grade school wala akong kamuwang muwang. Puro laro ang iniisip ko tapos napunta sa highschool na medyo may alam na lalo na sa pag ibig . Tapos sa susunod college nako!
And then? Ano kayang naghihitay sakin sa future? Sila kyla , mga kaybigan ko. Si ace? May pag asa kaya kami? Oh hanggang kaybigan lang . Sino kaya yung maswerteng babae na makakasama sa future nila jhay at paul . Magiging tulad padin kaya kami ng dati? Si james kaya magkikita pa kaya kami? Oo na mimiss ko na sya! Kung magkikita kaya kami tulad padin kaya kami ng dati? Yung close kami sa isa't isa? Ganun padin kaya? Nasan na kaya sya? Ok lang ba sya? Hindi ko alam ang magiging reaction ko pag nagkita kami o kung magkikita pa kaya kami. Galit ako sa kanya kasi hindi nya tinupad ang pangako nya na babalik sya after 2 years! Pero maraming taon na ang nakalipas marami nang nagbago . Kung sakaling magkita kami edi maganda! Hindi naman habang buhay dala ko ang galit ko sa kanya kasi sigurado ako na pati sya ay malaki na ang pinagbago! Ni hindi ko na nga maisip kung ano nang itsura nya ngayon eh!
Ang dami kong tanong sa utak ko! Pero may isa ang mas nangingibabaw . Yun ay kung..... Makakamit ko kaya yung happy ending na inaasam ko kasama ni ace?

"Bagong taon bagong buhay pero bakit parang ikaw ang daming laman ng utak mo?
-Hindi ko pinansin si kyla . Nilibot ko ang paningin ko sa mga kaybigan ko na seryoso sa mga ginagawa . Kami lang yata ni kyla ang hindi busy! Pero teka? Parang may kulang?
"Nasan si paul?
-Nagkatinginan ang mga kaybigan ko nang maitanong ko yun . Kanina pa pasukan pero bakit wala pa sya? Wag nya sabibing busy sya . Hello new year na po! Tagal ko na syang hindi nakikita pasko pa nung huli ko syang nakita at nakasama . Nag iba na talaga si paul!
Hanggang ngayon di padin nawawala ang mga tinginan ng mga kaybigan ko sa isa't isa na parang nag uusap sila . May hindi ba ko nalalaman?
"Guys i think eto na yun . - Phia
-Finally may nagsalita sa kanilang isa pero balewala din kasi hindi ko sya na gets.
"Ha? Sabi ko kung nasan si paul!
-May halong pagkairita na sa boses ko . Sino bang hindi maiinis? Muka akong tanga na naghihitay sa sasabibin nila.
"Bakit di nyo pa sabihin? Ginagawa nyo lang tanga yung tao eh.
-Napatingin ako kay ace na ngayon ay lumabas na ng room. Bakit ba sila ganun? Hindi nalang nila ako diretsuhin kung may gusto ba silang sabihin na alam kong kaylangan kong malaman. Kinakabahan na tuloy ako eh!
"Gwen! -Kyla

"Ano?
-Naiinis na talaga ako! May alam ba sila na hindi ko alam?! Putek mukha nakong tanga ngayon tapos ayaw pa nilang sabihin?
"Gwen umalis si paul!
-Agad nabaling ang tingin ko kay drake . Anong umalis?
"Ha? Saan naman sya pumunta? Pwede ba kumpletuhin nyo na yung sasabibin nyo?
-Iritadong sagot sa kanila . Nakita ko expression ng mga mukha dahil sa pinakita ko! Ngayon lang siguro nila nakita na ganito ako! Hindi ko mapigilang hindi magalit sa kanila lalo na kung si paul na ang pinag uusapan!
"Pinadala sya ng papa nya sa america para magpagamot! - Bea
-Ngayon naman si bea na ang nagsalita . So? Ano? Bawat isa sa kanila ang magsasalita?
Kinakabahan nako ngayon . Hindi ko alam na umalis yung kaybigan ko saka magpapagamot? Teka! May sakit ba sya? Bakit wala akong alam?
"Ano ba! Pwede bang isa nalang ang magpaliwanag sakin kung ano bang nangyayari sa kaybigan ko ngayon?
-Tiningnan ko sila isa isa! Alam kong nag aalala na sila ngayon sakin dahil sa inaasta ko!
"Gwen may sakit si paul! May sakit yung kaybigan mo! Naiintindihan mo ba yun?
-Bigla nalang tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi ni kyla! Bakit hindi nila sinabi sakin na may pinagdadaanan yung kaybigan ko ngayon? Dapat sinasamahan ko sya pero hindi! Wala ako . Wala akong alam!
"Sinabi nya sakin na anytime pwede na syang mawala! May taning na yung buhay nya gwen! Pinadala sya ng papa nya sa america baka doon sakaling maaganap at gumaling sya!
-Gusto ko nang sumigaw dahil sa nalaman ko! Alam kong gustong gusto nila akong lapitan ngayon pero alam kong sinasabi nila sa sarili nila na wag nalang .
"So ako lang ang tanga na hindi alam ang tungkol sa kalagayan ng kaybigan ko ngayon?
-Pinagmasdan ko sila isa isa lalo na si kyla! Diba dapat sinabi nila? Kahit si jhay pero baket hindi?

"BAKIT DI NYO SINABI? DI NYO BA ALAM KUNG ANONG NARARAMDAMAN KO NANG MALAMAN KO TO?! LALO NA NALAMAN KO NA AKO NALANG ANG HINDI NAKAKAALAM! NAKAKATANGA ALAM NYO YUN?!
-Sigaw ko sa kanila .
"Gwen pls! Iniisip namin yun magiging kalagayan mo pag nalaman mo! - Bea
-Di ko sya pinansin . Tumingin ako kay kyla!
"Lalo kana kyla! Hindi mo man lang naisip na kaylangan kong malaman kasi kaybigan ko si paul!

"Gwen hindi mo naiintindihan! Hindi mo alam kung gaano na kakati yung dila ko na sabihin na sayo ang tungkol dito . Pero pinipigilan ko kasi nangako ako kay paul na hindi ko sasabihin ang tungkol dito! Alam mo ba sinabi nya sakin na wag na wag naming sasabihin ang tungkol dito kasi ayaw nyang mag alala ka sa kanya saka ayaw nyang masaktan ka! Kasi sa sating lahat alam nyang ikaw ang mas maaapektuhan! Naiintindihan mo ba yun gwen?

"Natural mag aalala ako kasi kaybigan ko sya kyla!

-Napaupo nalang ako bigla! Hindi ko na kaya pakiramdam ko anytime babagsak ako!
Napatingin ako kay kyla nakita kong umiiyak nadin sya!
Napahawak ako sa ulo ko kasi sobrang sakit na! Tatayo na sana ako kaso biglang nagdilim ang paningin ko at naramdaman ko nalang na bumagsak ako sa sahig.

Kyla :

Tulog sya pero may tumutulo paring luha sa mga mata nya . Pinagmamasdan ko ang kaybigan ko habang sya'y natutulog!
Di ko mapigilang maiyak dahil sa nakikita ko ngayon! Alam kong nasaktan sya ng malaman nya ang tungkol dun! Lalo akong nag alala lalo na ng bumagsak sya sa sahig kanina kaya minabuti ko na ito na sa bahay nila sya dalhin. Nag aalala nako sayo gwen! Ano bang nangyayari sayo? Madalas kang himatayin , nahihilo minsan pa sumasakit yang ulo mo . Nakausap ko ang ate ni gwen , napag usapan namin ang tungkol kay gwen at nabanggit nya na ayaw naman daw ni gwen magpadala sa ospital para matingnan kung ano bang nangyayari sa kanya ngayon!
Lahat kami nag aalala na sa kanya kasabay pa ang nararamdaman nya ngayon dahil alam nya na ang nangyayari sa kaybigan nya .

"When He Fall Inlove"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon