Chapter 2

42 5 0
                                    


"Guys! May project naba kayo sa english? - Phia
-Nandito kami ngayon sa canteen kasama ko yung mga kaybigan ko .
Si kyla,jane,paul,phia,drake,jhay, at si ace!
Lahat sila alam na may gusto ako kay ace . Lahat naman sila close ko maliban lang kay ace at jhay . Kay ace alam nyo na kung bakit . Pero si jhay di talaga kami nag uusap nyan. Muka kasi masungit e!
"Gwen? Ok ka lang?
-Bulong sakin ni paul na nasa tabi ko . Si paul ang boy bestfriend ko! At super close kami nyan . Sya din minsan yung nangunguna sa kanila na gumawa ng move para mapansin ako ni ace!
"Oo naman :)
-Ngumiti ako sa kanya at tinuloy ang pagkain ko . Hindi ako makakilos ng maayos kasi nasa harap ko lang si ace na busing busy sa pakikipag tawanan kay jhay . Lalo syang gumagwapo sa tuwing nakangiti sya!
"Alam nyo guys! Nagiging busy tayo this past few days e. Mag outting kaya tayo! - Drake
-Outting? Tapos kasama si ace? Ohmy! Game ako dyan.
"Sakto birthday ni phia. - Paul
"Ano tara? - Jane
-Lahat sila sumangayon! Ako lang ang di nagsalita kaya naman lahat sila tumingin sakin napansin yun ni ace kaya napatingin din sya sakin.
"Don't tell me hindi ka sasama? - Kyla
-Di lang talaga ako sanay makisabay sa usapan nila pag nandyan si ace kaya tahimik nalang ako .
"Sasama yan! Si gwen pa ba?
-Halos mabilaukan ako nang marinig ko si ace na banggitin yung pangalan ko .
Nagulat din sila paul kaya tumingin sila kay ace . First time kasi na kausapin nya ako na hindi sinasabi ng mga kaybigan ko .
Minsan kasi kung hindi pa sasabihin ng mga kaybigan ko na pansinin ako hindi nya talaga ako papansinin . Kaya naman ganun nalang sila nagulat!
Ngumiti nalang ako tapos yumuko . Ang bilis na talaga ng tibok ng puso ko .
"Oo sasama ako!
"Akala naman namin hindi! - Drake
-Di parin ako makapaniwala na kinausap nya ko .
"Tara na! Balik na tayo sa room. - Jhay
-Nauna na syang maglakad samin . Baket kaya laging nakasimangot yun!
"Problema nun? - Jane
"Selos? - Drake
"Kanina naman? - Phia
"Basta! Tara na . - Drake
-Weird ha . Mga tao ngayon hindi maintindihan! Lalo na si ace , kahapon lang di ako pinansin pero ngayon bigla bigla nalang babanggitin yung pangalan ko.
"Umaasa? -
-Nagulat nalang ako nang biglang sumulpot sa tabi ko si kyla habang naglalakad kami pabalik ng room.
"Huh?
"Umaasa ka nanaman?
-Di ko sya sinagot . Malamang magagalit nanaman to .
"Pero kinilig ako kanina nung kausapin ka nya ha .
-May pataas taas pa sya ng kilay habang sinasabi nya sakin yun.
"Ano yang itsura mong yan?
-Tanong ko sa kanya
"Itsura to ng kinikilig . Mukang -....
"Diba kakasabi mo lang sa-...
-Di nya nadim ako pinatapos at nagsalita na sya ulit.
"Oo alam ko . Pero nakakagulat kasi si ace kanina e! Wag kang mag alala. Support ka lang namin ni jane diba jane?
-Hinanap nya pa si jane yun pala nandun na sa unahan kausap si phia . Natawa nalang ako kay kyla.
"Ahh basta! Nandito lang kami ni jane.
"Osige . Sabi mo e!
-Nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang room . Pag bukas palang ng pinto ni drake bumungad agad sa kanya ang president ng klase namin na si Bea . Ang babaeng palihim na nagugustuhan ni drake! Hindi masyadong sumasabay si bea samin sa pagkain kasi busy sya sa mga pinapagawa kasi sya nga ang Vice President namin.
"Guys! Wala daw si ma'am Jean meaning uwian na natin! - Excited na sabi nya samin. Buti naman si ma'am jean ang pinaka ayaw kong teacher kasi ang boring nyang turo pero mabait naman sya .
"Guys! Wala daw si ma'am! - Drake
- Ulit nya sa sinabi ni bea .
"Oo narinig namin! - Paul
-Binatukan ni drake si paul dahil sa ginawang pambabara sa kanya nito .

----------

"Ang cute ng itsura mo kanina nung narinig mo si ace na binanggit yung pangalan mo! Hahaha . -
- Naglalakad kami ni paul pauwi ngayon . Nakasanayan nya na na ihatid ako pauwi tutal naman daw sa kabilang kanto lang sya nakatira!
"Nagulat nga din ako dun e!

"Alam mo bagay kayo!
-Napataas ang kilay ko sa sinabi nya .
"Alam ko yun . Pero ikaw ba paul? Wala kabang gusto ngayon?
"Si jane padin ba?
-Tugtong ko sa tanong ko.
"Hindi ko alam!
-Si jane lang kasi ang alam kong gusto ni paul . Nung 2ndyear nya pa kasi yun gusto yun . Nung nalaman yun ni jane madalas nalang sila magkausap kasi nagka ilangan na sila .
"Gusto mo tulungan kita sa kanya?
"Wag na! Ok lang .
"Paul naman . Sige na! Ikaw nalang kasi ang laging gumagawa ng move para magkalapit kami ni ace eh at nagiging masaya ako dun. Kaya its my turn to make you happy. Kaya tutulungan kita kay jane!
-Bigla syang tumigil sa paglalakad at humarap sakin tapos hinawakan nya ang dalawang balikat ko .
"Gwen yung pag papasayang ginagawa ko sayo ay hindi naghihintay ng kapalit! Ok? At eto ang sasabihin ko sayo , makita lang kitang masaya. Masaya nadin ako!
-Napangiti ako sa sinabi nya.
"Kaya halika na .
-Inakbayan nya ako at nagsimula na ulit kaming maglakad! Yan si paul , sobrang bait . Parang kapatid ko na nga sya e! Kaya humahanga ako sa kanya e . Iba kasi sya sa lahat ng lalaking kilala ko .

--------

Habang naririnig kong nagriring yung phone ni jhay lalo akong kinakabahan. Baka naman di nya sagutin! Ayy subukan nya lang wag sagutin.
"Hello . Baket?
-Wow! Baket agad? Hindi man lang nya itatanong kung sino ako?
"Ahh . Jhay si gwen to!
-Baket ba ako kinakabahan sa tuwing kakausapin ko sya? Di nya naman ako kakainin ha .
"Oo alam ko . Nakasave na number mo sakin!

"Ahh . Ano! Pag uusapan sana natin yung report natin?

"Kung free ka bukas ng uwian , dun nalang natin pag usapan! Ok ba yun?
-Free ba ko bukas? Wala naman siguro akong gagawin.
"Osige . Itetex nalang kita kung saan tayo magkikita! Saka dadalhin ko nalang yung laptop ko .
-Mukang dahil pa sa report na to magiging dahilan ng pagiging close namin ha . Hindi naman sa gustong gusto ko sya maging close , syempre lahat ng mga kaybigan ko nakakausap ko sya lang ang hindi! Parang pangit naman tingnan yun.
"Gusto mo ako nalang ang magdala?

"Hindi . Magdala ka nalang din para madali tayong matapos .

"Osige .
-Binaba ko na yung tawag saka ako humiga.
May pinagdadaanan kaya si jhay kaya sya ganun katahimik?
Kung tanungin ko kaya sya bukas? Ayy wag na! Baka ano pang isipin nya .

----------

Masyado akong lutang ngayon kasi nasa tabi ko si ace! Di ko alam kung baket sya umupo dito sa tabi ko . Di nya naman ako kinakausap kasi busy sya sa pagsusulat pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Ganun ba kalakas ang epekto nya sakin?
"Kamusta yung report nyo? Naasikaso nyo ba? -
-Di ko pinansin yung teacher ko . Nagpatuloy nalang ako sa pagsusulat.
"Ok naba yung report nyo ni jhay?
-Tanong ni paul na nasa kabilang gilid ko . Oo nga pala gagawin na pala namin ni jhay yun mamaya .
"Pag uusapan na namin mamaya .

"Ahh . Alam mo mabait naman yan si jhay e! Suplado nga lang.

"Halata naman yun sa kanya .

-------
Fast Forward :

"Drake baket madalas tahimik si jhay?
-Kami ni drake ang magkasabay umuwi ngayon kasi si paul may kaylangan puntahan.
"Alam mo hindi naman talaga tahimik yan si jhay e! Minsan nga pag kami ang magkakasama sya pa ang nangunguna sa ingay e . Napapansin ko na tumatahimik lang sya kapag .....

"Kapag?
-Di ko alam kung baket nacurious akong malaman yung tungkol kay jhay .
"Ahh wag mona pansinin yun. Minsan kasi papalit palit din ng mood yun e . Osige na dito nako!
-Nagpaalam nako kay drake at dumiretso na sa bahay . Pagdating ko sa bahay nagpalit agad ako at inayos yung mga gagamit ko . Itetex ko nadin si jhay kung saan kami magkikita.

Message : Jhay sa may park palapit sa starbucks . Dun nalang ha :) Seeyou!
-Sungit-
-Yan yung name nya sa phonebook ko .

Bzzzzttt
-Sungit-
"Sige pupunta nako :)
-Wow! With smiling face.
Pagtapos ko mag ayos nagpahatid na agad ako sa driver namin . Pagdating ko dun nakita ko si jhay na nakaupo sa damuhan. Maganda talaga dito paghapon na . Mahangin at hindi mainit!
"Jhay!
-Yan na yung bati ko sa kanya paglapit ko . Nilapag ko na yung mga gamit ko saka umupo sa tabi nya .
"So? May nakuha ka nabang info about sa topic naten?

"Meron na kong nakuha pero konti palang .
-Nilabas nya yung laptop nya saka nagbukas ng isang files.
Nagsimula na kaming ayusin ang report na id-discuss namin bukas . Nakakatuwa kasi ang dami nyang alam!
"Ok nadin pala na ikaw ang naging partner ko .
-Pagbubukas ko ng usapan nang matapos namin ayusin ang report namin.
"Baket akala mo ba wala akong kwentang kapartner? Grabe ka naman sakin.

"Hindi naman sa ganun.
-Medyo kinabahan ako kasi baka nagalit sya.
"Joke lang naman.
-Tapos ngumiti sya sakin. At dun ko napansin na gwapo pala sya lalo na pag nakangiti.
"Hmm . Baket ba ang suplado mo? Natatakot tuloy kitang kausapin e .

"Eh baket ngayon kinakausap moko?

"Syempre kaylangan e .

"So gusto mo pala akong maging close?
-Gusto ko ba syang maging close? Oo? Ewan!
"Ikaw lang kasi yung hindi ko nakakausap magkakasama tayong lahat nila drake .

"Ayoko naman kasing mag feeling close sayo .

"Di naman ako maarte kung gusto makipag kaybigan sakin e . Wag ka lang iiwas ng tingin sa tuwing nginingitian kita .
-Bigla syang tumawa . Anong nakakatawa sa sinabi ko? Totoo naman e , lagi syang umiwas .
"Hi im jhay yves . Pwede ba akong makipag kaybigan?
-Inabot nya sakin yung kamay nya . Natawa lang ako sa ginawa nya pero agad din akong nakipag shake hands sa kanya .
"Friends!
-Parehas kaming natawa sa ginawa namin
"Tara na ihahatid na kita!
-Tinanggap ko nalang yung offer nya saka nag ayos ng gamit ko .

"When He Fall Inlove"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon