Chapter 16

22 1 0
                                    


Finally! Break na namin sa school .
Hindi maganda ang naging huling araw namin bago magbreak! Si jhay at ace kasi madalas nagtititigan ng masama! Ang tahimik tuloy minsan . Si jane ayun madalas absent ewan ko ba dun hindi naman sya naimpluwensyahan ni ace kasi araw araw naman to pumapasok! Saka madalas napapansin ko nananadya sya.
Naalala ko nanaman yung huling sinabi ni ace nung araw na nandun sila sa clinic! Yung sinabi nya kay jhay na : Layuan ako ni jhay .
Bakit nya naman sinabihan si jhay nun! Mas lalo tuloy akong nagdududa kung sila ba talaga ni jane . Eh kasi naman yung mga galaw nilang dalawa akala mo naman sila na .
Pero kahit sinabi nya na kaybigan nya ako may parte parin na umaasa ako e! Umaasa na sana ako nalang at hindi si jane . Saka napansin ko na bakit parang ang bilis magustuhan ni jane yun si ace? Eh sandali palang naman sila nagkakasama ha . Pero sino ba kasing hindi mabibilis mahuhulog kay ace gwapo pa sya! Tapos lagi pa silang magkasama . Pero hindi e! Ang bilis talaga . Depende nalang kung matagal na nyang gusto si ace hindi nya lang sinasabi samin kahit nung ok pa kami .

Nandito kami sa mall ni kyla para mamili ng mga bagong damit! Tama lang na sya ang naging bestfriend ko kasi nagkakasundo kami sa lahat . Saka di nya hinahayaan na maubusan kami ng kwento! Tawa nga kami ng tawa sa mga pinagkukwentuhan namin eh!
Nagmapagod kami umupo muna kami sa isang bench habang may iniinom kaming shake . Pinagmamasdan lang namin ang mga taong nagdadaanan ng magsalita si kyla .
"Gwen may napapansin kaba kay jhay?
"Ha? Wala naman . Baket?

"Ahmm The way he looks at you parang may iba eh!
-Napatingin naman ako kay kyla kasi hindi ko sya na gets!
"Ano kasi! Napapansin ko yung mga tingin nya sayo! Saka iba yung care nya sayo . Tapos lagi pa syang nandyan for you . Diba? Di kaya may gusto na sya sayo?
-Baliw talaga tong kaybigan ko .
Sa sobrang lawak ng pag iisip kung ano ano na pumapasok sa isip nya .
"Tumigil ka nga kyla! Wag mo nga bigyan ng malisya yun . Tingnan mo ganun na ganun din si paul sakin pero diba wala naman syang gusto sakin? Kaya wag ka nga!
-Sabay irap ko sa kanya . Totoo naman e. Ganun na ganun si paul sakin pero diba wala naman syang gusto sakin? Saka never mangyayari yun kasi isa yun sa promise namin sa isa't isa na walang maf-fall . Alam ko naman na hindi nya sisirain ang kahit isa sa mga pangako namin sa isa't isa . Kahit ngayon alam ko iwas sya sakin pero alam ko na hindi ako iiwan nun. At never akong iiwan nun no! Sa tagal naming magkasama ni minsan hindi sya sumira ng isang pangako . Si paul pa ba?
"Kung alam mo lang gwen!
-May sinabi si kyla pero hindi ko naintindihan kaya tinanong ko sya .
"Ano yun?

"Ahh wala sabi ko tara na! Dami mo pang ililibre sakin eh .

Kyla :

Kung alam nyo lang kung gaano na kakati tong dila ko na sabihin ang tungkol kay paul dito kay gwen . Ayy! Kung alam mo lang ang pinagdadaan ng bestfriend mo ngayon gwen . Kung alam mo lang palihim ka na ngayon minamahal ng kaybigan mo . Kung alam mo lang na sira na ang pangako nya sayo!

"Alam mo ikaw lahat alam mo sakin . Pero ako? Hindi ko alam kung may boyfriend kanaba ngayon? Di ka nagsasabi sakin .

"Wala ok? Kaya tigilan mo nako!
-Sabay irap ko sa kanya . Wala naman talaga eh! Wala sa isip ko yan . Kontento na ko sa pagiging isang fangirl ko .

Paul :

"Siguro next week ipapadal na kita sa america . Sa ngayon iaayos ko muna ang mga kaylangan mo!
-Next week na! May magagawa kaya sila? Sana wala! Tanggap ko na mawawala nako . Panatag akong aalis at iiwan si gwen kasi alam ko na may maiiwan sa kanya pag wala na ko . At alam ko na hindi nila iiwan si gwen tulad ng ginawa ko! Sana lang bago ako umalis makausap ko sya . Oo tama!

Agad kong kinontak si kyla , ilang sandali lang sinagot nya na agad!
"Ano?
-Yan agad ang bungad nya sakin . Oo nga pala galit sya sakin!
"Kyla . Gusto kong makausap si gwen bago ako umalis!

"Bakit pa? Babalik ka naman diba? Marami pang araw na pwede kayong mag usap!

"Kyla naman .

"Paul ano ba! Wag ka ngang tanga . Pupunta ka dun magpapagaling , at babalikan ang bestfriend mo .

"Para san pa?

"Baka sa pag kakaybigan nyo .

Gwen :

"Alam mo ate ang dami nang nagbago no? Ilang weeks nalang bagong taon nanaman at syempre bagong buhay!

"Tama ka . Pero ikaw? Nakamove on kanaba dyan sa crush mo?
-Natahimik naman ako sa sinabi ni ate . Pano naman napasok si ace dito?
"Pano naman sya napasok sa usapan?

"Pinasok ko . So ano?

"Di ko alam ate! Alam mo sya na mismo nagsabi na isa ako sa mga kaybigan nya saka sila na ng kaybigan ko pero hindi ko alam kung bakit uumaasa padin ako .

"Na magustuhan ka nya?
-Tumungo ako .
"Di naman masama umasa! Basta handa kang masaktan!
Minsan kaylangan mo ding mag assume kesa maging manhid!
-Naisip ako sa sinabi ni ate! Aasa padin ba ako kahit alam ko na may girlfriend na sya? Yun ay kung sila ba talaga? Wala namang nagsabi sakin na sila na pero base nakikita ko ,  nakikita namin , mukhang sila na . Eh pano kung hindi na? May pag asa pa ba ako?
"Eh yung bestfriend mo? Kamusta? Paul ba pangalan nun?

"Ahh oo si paul . Ayun minsan ko nalang sya makita . Saka parang iwas sya sakin! Ewan ko dun kung may problema ba.

"Baka naman iwan kadin nyan tulad nang pag iwan sayo ni james dati .
-Natigilan nanaman ako sa sinabi ni ate . Naalala ko nanaman sya! Kahit galit ako sa kanya hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko . Nasan na kaya sya?
Pero si paul? Hindi ako iiwan nun . Siguro busy lang yun sa ngayon kaya ganun pero iiwan? Never! May tiwala ako kay paul no .
"Hindi sya katulad ni james na hindi tumutupad sa pangako! Si paul? Hindi ako iiwan nun kahit kelan . Sigurado ako dun kasi si paul pag pinangako nya tutuparin nya!
"Wow! Bestfriend talaga kayo nun . Eh yung isang bes na naghatid sayo dito?Sino naman yun?

"Ahh si jhay yun . Kaybigan ko rin sya!

"Dami mong kaybigan ha! Sana isa dyan maging boyfriend mo.
-Di nalang ako sumagot kay ate.
Inubos ko na yung pagkain ko pero mayamaya lang may naramdaman akong kakaiba kaya tumayo ako at pumunta sa labado at saka ako sumuka!
Lumapit naman sakin si ate at hinagod ang likod ko .
"Gwen ano ba yan? Ano bang nangyayari sayo?
-Nanghihina ako pagtapos kong isuka ang mga kinain ko , hinila naman ni ate ang upuan na malapit sa kanya at dun ako pinaupo . Nakahawak ako sa ulo ko habang dahan dahan akong umuupo . Ngayon naman nagdidilim ang paningin ko!
"Gwen ok lang ba?
-Di ako sumagot kasi hindi ko talaga kaya . Sobrang akong nanghihina,hindi ko na maintindihan kung ano bang nangyayari sakin .

"Gusto mo ba sabihin natin to kay mama at papa?

"Wag na ate! Wala lang naman to eh . Saka ayoko silang mag alala sakin!

"When He Fall Inlove"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon