Chapter 18

15 1 0
                                    


"Wow! yun lang ang masasabi ko sa pagkanta nyo ni ace kanina! Alam mo ba nung pinagmamasdan ko kayo kanina habang kumakanta? Nakita ko ang tagal sayong nakatingin ni ace. Sino bang hindi! Ang ganda ng boses mo no. Nako! Baka yan may feelings na sayo.

"Anong feelings ka dyan?
-Pakipot pa ko pero yun din naman ang nasa isip ko ngayon.
"Oo kaya! Alam mo yung last dun sa chorus? Yung sya na yung kumanta? Yung :
I can't help it , im falling inlove ... with you!
Tapos sabay tingin nya sayo! Yiee with feelings eh.
-Alam ko naman yun kaso di ko lang sinasabi kasi baka sabihin nila umaasa na naman ako pero hindi pala pati tong bestfriend ko nahalata din yun . Kaso!
"Pero diba sila ni jane?

"Ha? Hindi sila no! Akala mo lang . Akala lang natin!
-Nagulat ako sa sinabi nya. Ano daw? Eh bakit ...
"Si ace na nagsabi sakin , oo gusto nya si jane pero di nya nililigawan . Ayy nako tara na nga sa loob!
-Di ko na yun inintindi basta ngayon malinaw na sakin hindi sila , so? May pag asa ako?

----
---

"Merry Christmass mom , dad!
-Kaway ko sa camera . Sayang wala sila dad dito ngayong pasko! Mas masaya sana eh!
"Imissyou na po.
-Sabi ko sa kanila.
Ang bilis ng panahon sa susunod new year na tapos graduate na kami and then college! What a life . Sino na kaya ang makakasama ko sa mga panahong yun? May boyfriend na kaya ako nang mga panahong yun?
Nagmatapos naming makausap sila mom sa skype agad naman akong bumaba sakto naman na tumunog ang phone kaya ako na sumagot!

"Yes? Who's this?
-Tanong ko sa kabilang linya.
Wala akong narinig na sagot kundi mga tawanan lang . Sino ba to?
Ibaba ko na sana pero nagsalita na si caller .
"Heyy gwen!
-Boses palang kilala ko . Its paul! Thank god at kausap ko nadin sya .
"Oh yes paul?

"Nandito kami kina drake! Punta ka dito . Dito na daw gaganapin ang exchange gift naten!

"Ahh oo nga pala osige! Lahat ba nandyan na?

"Si ace at jane wala pa!
-Agad naman akong natigilan. Magkasama kaya sila?
Nagbihis nako ng pang alis saka
nag paalam kay ate! Excited na ako sa exchange gift namin . Sino kayang nakabunot sakin at ano ang ibibigay nya?
Ako kasi si jhay ang nabunot ko at isang watch ang gift ko sa kanya .
Pagdating ko sa bahay ni drake agad akong sinalubong ng merry christmass ng mga kaybigan ko at saka nila ako niyakap at bineso.
Nung si paul na ang lumapit sakin niyakap ko sya ng sobra! Ngayon ko nalang sya ulit nakausap!
"Namiss kita alam mo yun?
Bakit ba kasi iwas ka sakin?

"Hindi naman iwas! Merry christmass .
-Bago nya ulit ako yakapin nakita ko sa mga mata nya parang may tutulong luha . Natawa nalang ako! Namiss nya talaga ako.
Pagtapos kay paul nakita ko si jhay na hinihintay ako sa gilid! Lumapit naman ako sa kanya saka sya niyakap at binati .
"Merry christmass jhay!

"Merry christmass din . Ang saya mo ngayon ha!

"Oo naman . Bukod sa kasama ko kayo nagkausap na kami ni paul!
"Gwen thankyou ha .
-Napakunot ako sa sinabi nya.
"For what?
"For everything! Masaya ako kasi nakilala kita .

"Ako din .
-Nagkwentuhan kami ng kung ano ano ng dumating si ace na kasama si jane. Tama magkasama nga sila! Pero bakit? Ayy siguro nakasabay lang sila dyan sa kung saan .

"Hi guys! Merry  Christmass .
-Sigaw ni jane . Nagulat naman ako ng tumabi sakin si ace at saka bumulong .
"Labas tayo mamaya!
-Bumilis ang tibok ng puso dahil sa sinabi nya .
"Heyy guys! Before we start , gusto ko munang sabihin na!
Merry Christmass! - Phia
-Kung baga sa isang group si phia ang pinaleader namin kaya sya na ang nanguna ngayon!
"Yung iba satin ngayon year lang nagkakilala pero guys! The best kayo .
-Natawa kami sa sinabi nya . Agad naman akong tumingin kay jhay na nasa kabilang gilid ko . Ngayon year lang din kami nagkakilala .
"So? Sinong unang magbibigay ng regalo? - Phia

"Ako na!
-Prisinta ni bea .
"Go! Sinong nabunot mo? - Phia
-Nilibot nya ang tingin saming lahat at napako yun kay ...
Oh! Si drake pala ang nabunot nya . Yieee :) Ang cute . Remember? Gusto ni drake si bea so?
"Merry Christmass drake
-Binigay nya yung gift kay drake tapos niyakap nya to . Bigla namang namula si drake dahil dun . Oww ang cute nya!
"Thankyou :) Ahh yung nabunot ko naman ay si ano!...
Si phia .
-Tinanggap ni phia yung regalo
Si phia naman si justine ang nabunot ang nabunot naman ni justine si jane ang nabunot naman ni jane ay si ... Kyla?
Wow! Awkward .
Binigay ni jane yung regalo nya kay kyla tapos nagbeso sila!
Whaaa plastic ka jane!
Si kyla naman si paul ang nabunot .
Si paul naman si ace ang nabunot!
Natigil naman ang lahat ng si ace na ang magbibigay ng regalo . Lahat kami hinihintay kung kanino nya ibibigay ang regalo nya . Sino kaya? Si bea? Si jhay? Oh ako? Whaaa .
Nagulat ako nung sakin sya humarap sya sakin at binigay ang regalo nya . Nakita ko naman yung mga pang asar na ngiti ng mga kaybigan ko maliban kay jane. Bigla syang tumayo at naglakad palabas! Anong problema nya?
"Merry Christmass gwen!
-Ngumiti sya sakin saka ako niyakap! Whaa nararamdaman nya kaya yung bilis ng tibok ng puso ko? Ang bango bango nya! Lalo tuloy akong naiinlove sa kanya eh. Sya pala ang nakabunot sakin!
"Wala bang message? -Justine

"Nakasave yung message ko sa kanya pero hindi ko pa sasabihin ngayon!
-Umaasa nanaman ako! Sobrang umaasa nanaman ako lalo na ngayon!
Wala pa samin ang nagbubukas ng regalo kasi sabi nila pag uwi na daw namin.
"Gwen sino nang nabunot mo? - Kyla

"Ah di ko na kaylangan lumayo nandito nanaman sa tabi ko eh!
-Humarap ako kay jhay saka binigay ang regalo ko para sa kanya .
"Merry Christmass jhay!
-Tapos kong sabihin yun niyakap ko sya .
Amoy na amoy ko yung pabango nya! Narinig ko naman syang bumulong.
"Thankyou . Sana ako ang nakabunot sayo!
Pero kahit hindi ikaw yung nabunot ko may regalo padin ako sayo!
-Nagulat naman ako sa sinabi nya . Baliw talaga sya!
Matapos yun binigay na ni jhay yung regalo nya kay bea kasi yun yung nabunot nya!
Tapos yun nagkantahan kami , mawawala ba yun? Eh yung nga yung lagi naming ginagawa pag magkakasama kami eh! I think isa to sa mga pasko na gusto ko kasi kahit wala sila mommy nandyan naman yung mga kaybigan ko .

A/N:
Sana magustuhan nyo! Thankyou sa mga nagbabasa kahit na minsan natatagalan ako sa pag update! So don't forget to vote and comment .

"When He Fall Inlove"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon