Chapter 12

13 2 0
                                    

Gwen :

Pagtayo ko sa kama biglang nandilim yung paningin ko at biglang sumakit ang ulo ko . Anong bang nangyayari sakin?
Napapansin ko madalas sumasakit yung ulo ko! Wala naman akong sakit . Depende nalang kung ganto ang epekto ng nasasaktan . Ayy OA ako! Speaking of nasasaktan naalala ko nanaman ang nangyari kagabi! Ok gwen . Move on!
Move on? Kaya ko ba yun pagdating kay ace? Mukang ...
Kaya ko! Sya nga nagsabi na kaybigan nya ako diba? Kahit di nya sinabi ang :
kaybigan lang ang maibibigay ko sayo gwen! Pero nung Banggitin nya ang "kaybigan kasi kita" Ganun nadin yun . Buti ba kung sinabi nyang "Kaybigan muna sa ngayon" Yun! dun siguro may pag aasa pa pero wala e! Kaya move na! Sana kaya ko!

-----
----

"Happy Birthday jane! - Sigaw ng mga kaybigan ko . Woo! Gusto ko syang batiin kasi kahit papano classmate ko padin sya at kaybigan? padin? Pero wag nalang siguro baka mapahiya lang ako . Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang mga kaybigan kong nagsasaya! Napatingin ako kay paul na nakatingin pala sakin . Ilang araw ko naba syang hindi nakakausap? Saka feeling ko iniiwasan nya ko . Wala naman kaming problema diba? Namimiss ko na sya . Di nya nako nahahatid sa bahay , minsan nalang kami mag usap sa room . Ano bayan! Baket ang dami nila ngayon sa utak ko?
"Birthday ng kaybigan mo . Hindi mo ba sya babatiin?
-Napalingon ako kay drake na umupo sa tabi ko at binigyan ako ng pagkain .
"Hindi naman siguro mahalaga sa kanya yung bati ko .
-Mahinahon kong sagot sa kanya habang mabagal na hinahalo ang pagkain sa plato ko .
"Hindi nyo ba maayos yan?
Ang tagal nyo na dibang magkaybigan .

"Almost 3years!

"Tapos masisira ng ganun ganun nalang?

"Hindi ako ang may problema . Kundi sya!

"Sayang yung mga pinagsamahan nyo kung dahil lang sa isang lalaki nag kaganyan kayo!

"Hindi ko maintindihan si jane , drake eh! Ang gulo nya . Oo galit ako sa kanya dahil lang sa magiging malapit nila ni ace pero bakit kaylangan nyang umiwas? Kung sila na edi sila na! Oo masakit pero siguro tanggapin nalang wala namang magagawa kung gusto sya ni ace eh! Pero bakit nya pa kaylangan umasta na parang di nya kami kilala?
-Iritadong sagot ko sa kanya! Napag isip isip ko na wala naman talaga akong magagawa kung sa kanya nagkagusto si ace eh! Tanggapin ko nalang kahit sobrang sakit!
"Siguro meron syang maayos na dahilan kung bakit nya yun ginawa!

"Sana nga! Kasi kahit kelan di ako nagkaroon ng kaybigan na abnormal .
-Natawa naman si drake sa sinabi ko pero ako tumahimik nalang. Mayamaya nabaling ang tingin ko kay ace na ngayon ay nakaakbay kay jane! Biglang kumirot ang puso ko . Sila na ba talaga? Bakit kahit anong pilit ko sa sarili ko na tanggapin nalang bakit hindi ko magawa? Imbis na umiwas nalang ng tingin para hindi na masaktan pero hindi! Eto padin nanatiling nakatingin sa kasweetan nila . Sana ako nalang ang nasa posisyon ni jane . Kung nangyari yun siguro ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo! Kasi kasama ko ang lalaking mahal na mahal ko.

Jhay :

Alam ko sa sarili nya na pinipigilan nyang umiyak dahil sa nakikita nya ngayon Pero bakit pinagmamasdan nya pa? Lalo lang syang masasaktan sa ginagawa nya e! Kung alam mo lang na ako yung mas masasaktan sa tuwing nasasaktan ka dahil sa kanya .
Habang pinagmamasdan ko si gwen napansin kong napahawak sya na ulo nya na parang may iniindang sakit . Ano bang nangyayari sa kanya?
Mayamaya lang ang sunod na nangyari ang labis kong ikinagulat . Si gwen bigla nalang bumagsak sa sahig . Pupuntahan ko na sana sya pero naunahan na ako ni ace! Napatigil naman ako sa pag hakbang . Anong problema nya? Nabaling naman ang tingin ko kay kyla na ngayon ay nakatingin sakin . Mukhang parehas lang kami ng iniisip ha! Na ang lalaking nagbuhat kay gwen at isang lalaking sobrang hirap basahin . Ang gulo nya!

Kyla :

Ano bang nangyayari sayo gwen? Mukang napapadalas yan ha . Ako na yung kinakabahan sa kanya e!
Nandito kami ngayon sa kwarto na tinutulugan namin ni gwen dito sa resort nila jane . Lahat kami nakapalibot kay gwen at hinihintay na magising sya! Masyado kaming tahimik at walang yatang may balak na magsalita ngayon kaya lumabas ako para makapagpahinga!
"May alam kaba dito?
-Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si paul na sumunod pala sakin .
"Ha?
-Naguguluhan kong tanong sa kanya .
"May sakit ba si gwen o ano man?

"Hindi ko alam paul . Wala naman syang sinasabi sakin!
-Hindi na sya nagsalita . Umupo ako sa isang bench dun sa labas at tumabi naman sakin si paul .
"Oh epekto lang yun pag nasasaktan .
-Natawa ako sa sinabi nya . Anong epekto? Pwede ba yun? Pag nasasaktan ka automatic hihimatayin ka?
"Ano bang nangyayari sayo paul?
-Pagbubukas ko ng bagong usapan . Pansin ko din kasi na hindi na sila masyadong nag uusapan ni gwen at nagtataka din si gwen dun . Mga tao ngayon hindi maintindihan!
"Lumayo na ako habang maaga pa! Para pag dumating ang araw na yun handa sya!
-Napakunot ako sa sinabi nya .
"Ano? Pwede pakiexplain sakin? Ang gulo mo e .
-Huminga sya ng malalim .
"Kyla dalawang pangako ang hindi ko matutupad kay gwen .
-Lalo pa akong naguluhan sa sinabi nya . Oo alam ko ang pangako nila sa isa't isa una walang iwanan! Corney diba? Pero yaan mo na . Ganyan talaga pag boy and girl bestfriend . Pero kami ng gwen? Oo magkaybigan kami nun wala kami napag usapan na pangako bago basta mahal ko sya at mahal nya ko . Hindi kami magkakahiwalay! Solid kaming dalawa e . Tapos ang pangalawang pangako nila sa isa't isa ay walang ma iinlove! So? Yun ba yun? Psss . Teka?
"Kyla mas sakit ako!
-Nagulat ako sa sinabi nya . Pero dahil alam kong hindi totoo hinawakan ko ang noo nya .
"Parang wala naman ha . Di ka naman mainit! Mukang ok ka naman .
-Pagbibiro ko sa kanya . Pero alam kong .....
"Kyla hindi ito yung oras para magbiruan . Seryoso ako!
-Muka nga eh! So totoo nga yung sinasabi nya? Napalunok ako ng maulit sa utak ko ang sinabi nya . "Kyla may sakit ako!"

"Oh!
-Walang kaemo-emosyon kong sagot sa kanya .
"Hindi na ako magtatagal kyla .

"Bakit ngayon mo lang sinabi?
ako lang ba ang pinagsabihan mo tungkol dyan sa sakit mo?

"Alam ni drake .
-Napatingin ako ng diretso sa kanya .
"Kaya ba madalas ka ng wala?

"Oo .

"Wala ka bang balak sabihin sa kanya to?
-Kahit di ko naman sabihin alam kong alam nya kung sino ang tinutukoy ko .
"Ayoko syang masaktan .

"Diba dapat sinusulit mo na yung mga panahong kasama mo sya habang nandito ka pa?

"Gusto kong masanay na sya na wala ako kaya ngayon palang umiiwas nako . Saka nandyan naman si jhay pag kasama nya yun hindi nya na ako naaalala . Mas ok na yun!

"Akala mo lang paul . Araw araw kaming magkasama ni gwen . Tinatanong ka nya sakin kung anong nangyayari sayo? Nagtatanong sya kung bakit ka umiiwas? Napapansin nya yun paul . Magkaybigan kayo ni gwen ang tagal nyo ng magkasama kaya sa tingin mo basta basta ka nalang nya kakalimutan porket may nakakasama na syang iba? Hindi ganun si gwen , paul! Hindi ka nya basta basta kakalimutan . Alam mo ba nasasaktan sya sa tuwing umiiwas ka! Ano sa tingin mo ang turing nya sayo? Wala lang? Classmate lang? Hindi paul . Kaybigan ka nya! Bestfriend . Oo mas una kaming nagkakilala kesa sayo pero nakikita ko na mas malapit na kayo sa isa't isa . Tapos ganun?

"Mahal ko na si gwen .
-Napatigil ako sa sinabi nya .

"Yun yung isa pang pangako na hindi ko natupad! Mahal ko na sya . Hindi lang gusto kundi mahal na! At yun ang isang dahilan kung bakit ko sya nilalayuan . Ayokong lalong mapamahal sa kanya kasi alam kong sa huli ako lang ang masasaktan .
-So ganto pala ang sitwasyon nya ngayon? Wahh ako yung nahihirapan para sa kanya .

"When He Fall Inlove"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon