Chapter 15

10 1 0
                                    


Agad kong hinabol si jhay na ngayon ay naglalakad na at malayo na ang agwat nya sakin kaya tumakbo nako para maabutan sya!
Kaso Masyado syang mabilis kaya binilisan ko rin ang takbo ko para maabutan na sya . Nung konti nalang ang layo ko sa kanya tumigil ako sa pagtakbo at saka sya tinawag.
"J-hay! Te...ka lan-g .
-Hinihingal na tawag ko sa kanya . Napapagod nako!
Agad naman syang tumigil saka ako nilingon nung makita nya ang itsura ko na nakasalampak sa simento agad naman syang lumapit sakin .
"Uyy tumayo kana dyan! Ano bang ginagawa mo saka bat pawis na pawis ka at hinihingal pa?
"Kanina pa kita hinahabol . Ang bilis mo maglakad!

"Sino ba kasing nagsabi na habulin moko?
-Inirapan ko lang sya . Halata naman na mukang badmood sya ngayon kaya sinundan ko sya at itanong narin ang tungkol dun sa nangyari .
"Halika na . Bumalik na tayo!
-Ano?
"Saan mo ba kasi balak pumunta?

"Naglakad lakad lang ako nakakabadtrip dun eh!
-Nagpakapagod lang sya . Ang layo kaya ng nilakad nya , tapos ako tumatakbo pa .
"Ano ba kasing nangyari?
-Tanong ko sa kanya .
Natigilan naman sya sa tanong ko.
"Hayaan mo na yun gwen tara na!
-Kukulitin ko pa sana sya kaya lang mukang wala talaga sa mood ngayon baka magalit pa sya sakin . Saka kaylangan nadin naming bumalik para padala ko sya sa clinic kasi may mga sugat at pasa sya sa muka. Ano ba talagang nangyari? Sa naabutan ko kanina yung mga titigan nila parang malalim ang galit nila sa isa't isa at parang gusto na nilang magpatayan . Diba? Magkaybigan sila? Sila pa nga ang laging magkadikit dati pero bakit napansin ko nalang isang araw di na sila masyadong nag uusap!
Mga baliw yata sila eh .

Pagdating namin sa clinic agad na ginamot ang mga sugat nya . Ayan kasi ayaw pa! Nabangasan tuloy ang gwapo nyang muka . Teka? Si ace kaya ok na? Baka di pa nya ginagamot ang mga sugat nya sya pa naman ang mas maraming pasa . Siguro naman aasikasuhin sya ni jane! Para san pa at naging girlfriend nya yun .
Nakatingin lang ako kay jhay habang ginagamot ng nurse dito sa clinic ang sugat nya sa muka. Bakit ba kasi talaga si nag suntukan?
Mayamaya lang biglang bumukas ang pinto ng clinic at nagulat ako ng makita ko ang pumasok! Nagsimula nanamang bumilis ang tibok ng puso ko ng sakin sya agad tumingin. Agad akong napatingin kay jhay na ngayon ay nakatingin nadin kay ace .
"Goodmorning sir ano pong - ...
-Di na tinapos ng nurse ang sasabihin nya ng ituro ni ace ang muka nya at saka dumiretso sa isa pang kama na malapit kay jhay . Nagets nadin naman yun ng nurse kaya ng matapos nyang gamutin si jhay pumunta naman sya kay ace . Teka? Sya lang ba mag isa pumunta dito? Nasan si jane? Ang girlfriend nya? Hinayaan nalang sya?
Walang kwenta!
Naglakad ako papunta kay jhay saka sya kinausap! Naiilang ako sa bawat galaw ko dito kasi alam kong pinagmamasdan ako ni ace kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko . Gusto ko din syang lapitan at itanong kung ok lang sya kaso naalala ko sya hindi ko pala sya sinunod kanina .
"Gusto mo ba syang lapitan?
-Natigilan ako ng magsalita si jhay ng makalapit ako sa kanya.
Nababasa nya ba ang nasa isip ko?
"Sige na mukang di sya ok oh!
-Ngumiti sya sakin saka ako unti unting lumapit kay ace .

Jhay :

Di naman talaga agad mawawala yung pagkagusto nya kay ace eh! Saka ang tagal nya nading gusto yun . Kaya hindi mawawala na mag alala sya! Kanina palang nung dumating sya sa ground kay ace agad sya tumingin .
Pinag mamasdan ko lang sya habang naglalakad at papunta kay ace . Putek na ace yan! Ayaw ko sana syang patulan kanina kaso yung sinabi nya na layuan ko si gwen? Ayy yun ang hinding hindi ko gagawin . Ano bang problema nya? Kahit kelan talaga ang hirap nyang basahin . Akala ko ba si jane ang gusto nya? Oh baka nga sa nakikita namin ngayon mukang sila na eh! Pero bakit nya ko pinapalayo kay gwen? Di naman pwedeng dalawa ang gusto nya .
Wala kong pakialam kung magkaybigan kami! Wala din akong pakialam kung magkabasagan pa ng mukha.

Gwen :

"Ace ok ka lang?
-Nakita pa ako nasa likod nila kaso di ko sya makausap kasi ginagamot pa sya . Ng matapos na saka ako umupo sa tabi nya! Yung tibok ng puso ko sobrang bilis padin .
"Oo wala lang to .
-Ngumiti sya sakin dahilan ng mas lalong magbilis ng tibok ng puso ko .
"Teka ikaw lang ba pumunta dito? Nasan si jane?
-Umiwas sya ng tingin sakin . Magkaaway ba sila?
"Hindi nako nagpasama! Ok lang naman ako e!
-Ok ba sya sa lagay nayan? Eh puro pasa nga ang muka nya.
"Si jhay ok lang ba?

"Ha?
-Tumingin muna ako kay jhay at nakita ko syang nakatingin samin .
"Oo ok lang sya .
-Ngumiti ako kay jhay bago umiwas ng tingin . Si ace kaya? Sasagutin nya kaya ako pag sya ang tinanong ko ng tungkol sa nangyari?
"Ahh ace? Pwede - ...
-Di ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita sya .
"Bakit di nya ba sinabi sayo?
-Nagets ko naman na yung tanong nya kaya sumagot agad ako .
"Hindi eh!
-Nagulat naman ako ng ngumiti sya ng nakakaloko .
Problema nya?
"Nahihiya siguro! Ang babaw nya kasi . Sa simpleng salita ganun agad ang reaksyon nya?
Sobrang babaw nya .
-Ha? Anong simpleng salita? Ang gulo nya ha . Saka panong naging mababaw si jhay?
"Anong mababaw?
-Naguguluhan kong tanong sa kanya .
"Bakit kasi di nya sinabi sayo?
Masyado kasi syang mababaw kaya nauwi kami sa suntukan! Dapat sya magpaliwanang sayo .
-So sinasabi nya ba na si jhay ang may kasalanan? Ang gulo nila ha .
"Ilang minuto lang ang nakakalipas ng bigla nya akong suntukin , matapos kong sabihin ang - ....
Layuan ka nya!

A/N :

Sorry short update!
Guys more reads please .
Don't forget to vote and comment . Thank you :)

#WHFI

"When He Fall Inlove"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon