Chapter 22

11 1 0
                                    

Gwen :

Unti unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad sakin ang kulay pink na paligid. Teka! Kwarto ko to ha pano ako napunta dito? Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si kyla na umiiyak sa tabi ng kama ko . Ano bang nangyari?

Nang maalala ko ang mga nangyari bago ako bumagsak kanila , unti unti na namang tumulo ang mga luha ko .
Totoo na umalis si paul , totoo na may sakit sya at totoo na tinago yun ng mga kaybigan ko sakin .
"Gwen ok ka lang ba?

"Pano ako napunta dito?
-Tanong ko sa kanya . Galit ako sa kanya! Sa lahat lahat sya ang iniisip ko na hindi magtatago ng kahit ano sakin pero eto! Ang dahilan nya ba ay para hindi ako mag aalala at masaktan tulad ng sabi ni paul?
Natural mag aalala ako! Kaybigan ko yun sa ginawa nila lalo lang akong nag aalala at lalo lang akong nasaktan.
"Dito nalang kita dinala para mas makapagpahinga ka!
-Iniwasan ko na sya ng tingin.
"Ngayon pwede ka nang umalis. Ok nako di ka na dapat MAG ALALA!
-Diniinan ko talaga ang salitang mag alala kasi dun naman nag simula to eh! Sa bwicit na pag aalala nayan.
"Gwen mag usap naman tayo!

"Tungkol san? Sa ginawa nyo sakin?

"Hindi ko alam kung saan ko sisimulan.
-Nakikita ko sa muka ni kyla na nasasaktan din sya sa nangyari kaya kinalma ko ang sarili ko at diretsong tumingin sa kanya!
Parehas na kaming umiiyak ngayon. At nasasaktan ako dahil dun! Ayokong makitang umiiyak ang kaybigan ko ng dahil sakin kahit na nasa ganito kaming sitwasyon. At yun ang mali sakin!
"Sinabi nya sakin na wag  sabihin sayo! Nung una ako lang ang sinabihan nya pero sinabi ko na kung pwede malaman ng iba pumayag naman sya basta wag lang sayo kasi ayaw nyang umalis lalo na't malungkot ka! Ikaw yung inaalala nya dito gwen .
-Panimula nya. Tahimik lang ako at hinihintay na ituloy nya!
"Sinabi nya na walang ng pag asa pero sinubukan parin nila at yun ay ang dalhin sya sa ibang bansa! Nung una ayaw nyang pumayag na dalhin sya doon , mas mabuti nalang na hintayin nya ang huling araw nya .
-Lalo akong naiyak sa narinig ko . Ano magpapadala nalang sya at iiwan ako? Akala ko ba hindi nya ako iiwan? Nakakainis sya!
"Nung nag usap kami sinabi nya na ayaw nya na nang bumalik! Pero pinilit ko sya , sinabi ko na bumalik sya para sayo! Nakikita ko na nahihirapan na sya .
-Ang tanga ko! Hindi ko man lang napansin na may pinagdadaanan na pala yung kaybigan ko. Yun ba yung dahilan kung bakit madalas syang wala?
"Pero bakit sya umiiwas sakin?

"Para handa ka pag sakaling wala na sya!
-Akala nya ba ganun kadali yun? Hindi ko sya basta basta makakalimutan kasi kaybigan ko sya!  At mahal ko sya.
"Saka para hindi nadin sya masaktan.
-Napakunot ang noo. Bakit sya pa ang masasaktan? Diba dapat ako? Kasi ako yung iiwan? Akala ko matutupad nya yung pangako nya na hindi nya ako iiwan. Hindi din pala! Parehas lang sila ni james. Lahat ba sila iiwan ako? Sinong sunod si jhay? Si kyla? Lahat na sila iwan nako! Nakakasawa na.
"Ayaw nyang lumapit pa sayo! Kasi ayaw nyang lalo pang mahulog sayo kahit na alam nya na sa huli aalis sya at sya din ang masasaktan!
-Lalo pang mahulog sakin? So gusto nya ko? Lahat pala ng pangako nya hindi nya natupad? Gusto ko nang sumigaw!
"Sinabi nya na panatag syang aalis kasi alam nyang may mag aalaga sayo tulad ng ginagawa nya! Panatag syang aalis kasi alam nyang nandyan si jhay para sayo! Para pasayahin ka, alagaan ka! At yun sigurado sya na hindi ka iiwan!
-Nabinataw ko yung kamay ni kyla na kanina ko pa hawak! Ang dami nang laman ng utak ko ngayon.
"Sinabi ni paul na hindi na sya babalik sinabi nya na hindi na sya lalaban at hahayaan nalang na dumating yung huling araw pero bago sya umalis nag iwan ako ng ilang mga salita na alam kong tatatak sa utak nya.
"Bumalik ka para kay gwen! Hindi para sa nararamadaman mo , kundi para ipagpatuloy ang pagkakaibigan na nasimulan nyo!
-Sa di malamang dahilan napayakap ako kay kyla . Oo galit ako sa kanya ngayon pero hindi ko inintindi yun . Kasi mas nangingibabaw yung kay paul .
"Kelan pa yung sakit nya?

"Last month ng nalaman nila na malala na yung kundisyon nya .

"Gusto ko syang makausap!
-Sa tagal na yun hindi ko alam na may nararamdaman na pala yung kaybigan ko sakin. Ganun ba ko kamanhid? Lalo akong naiiyak pag sumasagi sa isip ko na kaya nangyayari to ay dahil sa pag aalala sakin ni paul . Hanggang huli ako padin ang iniisip nya!

"Hindi ko alam kung makakausap mo sya sa mga oras na to kasi alam ko ngayon na nga operation nya.
-Nanatili akong nakayakap sa kanya at wala pading akong tigil sa pag iyak!
"Sorry gwen!
-Hindi ako nagsalita. Sumasakit na ang ulo ko.
"Alam ko galit ka sakin . Galit ka saming lahat pero gwen! Hindi kami mawawala sayo.
-Totoo ba na hindi nila ako iiwan? Oh baka katulad lang sila ni paul.
"Nangako ako sakanya na hindi ka namin papabayaan.

-Isang linggo na ang lumipas ng malaman ko ang tungkol kay paul pero hanggang ngayon wala padin kaming natatanggap na tawag muna sa kanya . Hindi ba sya lumaban? Iiwan nya nalang ako? Itatapon nya nalang ang 2years na pinagsamahan namin? Wala lang ba sa kanya yun? Oh umpisa palang wala lang talaga ako sa kanya!
Gusto ko syang makausap , gusto ko sabihin lumaban sya! Di lang naman ako ang babalikan nya eh pati yung pamilya nya!
Hindi ko akalain na sa tuwing magkasama kami may nararamdaman na pala sya! Nasabi sakin ni kyla lahat. Pinaliwanang nya sakin yung mga sinabi sa kanya ni paul .
"Ok ka lang ba?
-Bumalik ako sa matinong pag iisip ko ng maramdaman ko ang pag upo ni ace sa tabi ko . Isang linggo nadin akong wala sa sarili! Iniisip ko si paul .
"Ha? Oo naman.
-Pagsisinungaling ko.
"Talaga?
-Ngumiti ako sa kanya para ipaalam na ok lang talaga ako.
"Hindi na yata kayo nag uusap ni jane?
-Pagbubukas ko ang usapan kasi ang awkward . Masyado na kaming tahimik!
"Di nya ako pinapansin.

"Nag away ba kayo?

"Hindi naman . Hayaan mo na sya , Oo nga pala free kaba tonight?
-Napaisip ako. Yayayain nya ako? Ulit? Tapos di sya pupunta?
"Sorry about last time . Biglaan kasi yung pinagawa sakin!

"Its ok.

"So labas tayo mamaya? Promise pupunta nako.
-Napaisip ako . Totoo na kaya to? Whaaaa .
"Ahh di kita masisisi kung di kana maniniwala . Pero para sure susunduin kita sainyo!
-Bumilis ang tibok ng puso ko. Lord sana eto na talaga yun!
"Sige .

"Ok then see you later!
-Kinuha nya na yung bag nya saka lumabas . Uwian na pala! Hinanap ko agad si kyla para yayain na sa pag uwi kaso di ko sya makita . Konti nalang din ang tao sa room! Sa sobrang lalim ng iniisip ko diko namalayan uwian na pala.
"Gwen!
-Tiningnan ko kung sino ang tumawag sakin . At napangiti ako ng makita ko si jhay na kinuha yung bag saka lumapit sakin.
"Nasan na sila?

'Umuwi na yata! Ikaw san ka galing?

"Ahh may pinasa lang ako. So ano? Tara na? Sabay na tayo.
-Ngumiti ako sa kanya at nagsimula na kaming maglakad.

"Sana bumalik sya no?
-Sabi ni jhay maglakad nalang daw kami at sabi nya ihahatid nya nalang ako sa bahay kaya eto kami ngayon naglalakad!
"Im sure babalik sya.

"Pano mo naman nalaman?
Wala naman na tayong magagawa kung nahihirapan na sya at gusto nya ng sumuko.

"Kahit walang kasiguraduhan,alam kong babalik sya . Babalikan ka nya!

"Pano kung hindi?

"Pano kung oo?

"Pano kung hindi na nga?

"Nandito naman ako eh!
Kaya kong gawin lahat ng ginagawa nya sayo.

"Pati ang pag iwan sakin?

"Yan ang hinding hindi ko gagawin! Alam ko dalawa na silang nangako na hindi ka nila iiwan pero hindi natupad . Alam ko din na hirap ka nang magtiwala pero pls! Ibahin moko sa kanila kasi .....
-Natahimik ako at hinintay ang susunod na sasabihin ni jhay.

......Hindi ko kayang iwan ang isang katulad mo!"

"When He Fall Inlove"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon