Chapter 5

14 2 0
                                    


Jhay :

-Ganun ba talaga sya nasaktan nung nakita nya si ace na may kasamang iba? Mahal nya siguro talaga!
Nung sinabi nya sakin na gusto nyang maging masaya . Hinila ko sya palabas ng school . Osige dadalhin ko sya sa lugar kung saan alam kong magiging masaya sya .
"Jhay saan tayo pupunta?
-Narinig ko syang nagsalita sa likod ko . Hanggang ngayon hawak ko yung kamay nya at patuloy kami sa pagtakbo .
"Jhay napapagod nako! Kanina pa tayo tumatakbo.
-Huminto ako sa pagtakbo kaya huminto din sya . Tiningnan ko sya na ngayon ay pawis na pawis na . Inabot ko sa kanya yung panyo ko na ginamit ko din kanina para punasan yung muka nya .
"Thankyou . Saan ba kasi tayo pupunta?

"Sabi mo gusto mo maging masaya? Oh edi tara na .
-Naglakad nalang kami papunta dun sa lugar na pagdadalhan ko sa kanya .

Gwen :

Nakatingin ako kay jhay habang naglalakad kami . Baket ang bait nya sakin? Eh dalawang linggo palang naman ang nakalipas nang una kaming nagkasama.
Ilang minuto din ang lumipas nang makarating kami sa lugar na .... Wow! Ang ganda . Lagi akong gumagala pero ngayon ko lang narating ang lugar nato. Hindi naman sya tagong lugar pero ngayon ko lang to nakita . Ang ganda ng lugar . Isa lang syang park pero ang ganda! Nagsimula kaming maglakad ni jhay papasok! Pinagmamasdan ko yung ibang tao dito na may kanya kanya ginagawa . Sabi ni jhay dadalhin nya ako sa lugar na magiging masaya ako . Hindi ko alam kung masaya ba dito!Pero pag pasok palang namin parang gumaan yung pakiramdam ko . Ang aliwalas tingnan ng paligid , kasi ang ganda ng mga bulaklak .
Nakarating kami sa harap ng isang ilog . Umupo ako dun sa damuhan at tahimik na pinagmasdan ang ilog na nasa harap ko .
"Akala ko pag dinala kita dito mababawasan kahit konti yang sakit na nararamdaman mo .Hindi pala!
-Tumingin ako kay jhay na nakayuko sa tabi ko . Sinong nagsabi na hindi nabawasan yung kalungkutan ko ,eh pag pasok palang namen dito gumaan na yung pakiramdam ko . Ang ganda kasi talaga ang lugar na to! Nakakabawas talaga ng stress at ng nalungkutan .
"Sinong nagsabe na hindi ko nagustuhan? Gumaan nga yung pakiramdam ko e .
-Para syang bata na pinapagalitan ng mama nya kasi nakasimangot sya!
"Eh baket parang di ka naman masaya saka ang tahimik mo .
-Baket nga ba ako tahimik?
Eh kasi iniisip ko na ang bait talaga ni jhay kasi nag effort talaga sya na dalhin ako dito para lang maging masaya ako.
"Masaya naman ako e . Thankyou jhay ha!
-Ngumiti ako sa kanya , tapos humawak ako sa balikat nya .
"Wala yun . Ikaw pa!
-Nakikita ko talaga si paul sa kanya , yung mga line ni paul na : "wala yun ikaw pa!" Ganun di yung mga sinasabi nya .
"Alam mo magandang iremembrance to e! Tara picture tayo .
-Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko tapos nagpicture kaming dalawa . May picture kame na normal , wacky , saka yung nakaabay ako sa kanya! Parang bestfriend diba?!
"Ikaw ba jhay? May nagugustuhan kaba?
-Napatigil sya sa pagtingin ng mga picture namin sa phone ko ng marinig yung tanong ko.
"Di uso sakin yan! Ok na sakin yung may napapasaya ako .
-Tumingin ako ng diretso sa kanya .
"Ang bait mo naman . Alam mo jhay akala ko hindi tayo magiging close nung una .

"Akala mo lang yun . Tara na nga maglakad lakad nalang tayo .
-Tumayo sya at tinulungan nya akong makatayo .
Naglakad lakad kami habang tinitingnan yung mga bata na masayang nagtatakbuhan . Naalala ko yung mga childhood days ko , habang kasama ko sya . Ang bestfriend ko . Si james .
Yung batang lalaki na laging pumupunta date sa bahay namin para kulitin ako , yung batang lalaki na laging puro laro lang ang gusto. Yung batang lalaki na una kong naging crush . At higit sa lahat yung batang lalaki na nagpromise sakin na .....
Na hindi nya ako iiwan .
Naalala ko nanaman sya!
Si james yung kaybigan ko nung bata pa ako . Sya yung una kong nakilala dun sa nilipatan namin . 6 years old ako nang makilala ko sya , Sya naman 7 years old . Date tuwing umaga pumunpunta sya sakin para yayain akong naglaro . Tapos iuuwi nya ako ng tanghali! Araw araw ganyan ang ginagawa nya . Kaso dumating yung araw na kinaylangan nyang umalis papuntang states . Nagpromise sya sakin na babalik nya after 2years . Sabi nya pagbalik nya hindi na daw sya aalis! Pero umabot na ako ng 8years old pero wala padin sya . Hinintay ko sya pero hindi sya dumating , hanggang sa nag 9 years old ako at lumipat kami ng bahay . At eto ngayon 15 years old nako . Hindi ko na sya nakita! Nagagalit ako sa kanya kasi hindi nya tinupad yung promise nya nung bata pa kami na babalik sya . Hindi ko alam kung bumalik na ba sya o kung may balak pa syang bumalik . Wala na akong pake sa kanya .
"Anong iniisip mo?
-Sa sobrang pag iisip ko nakarating na pala kami sa dulo ng park . Ang ganda talaga ng lugar na to! Inabot sakin ni jhay yung hawak nyang isang ice cream na agad ko namang tinanggap .
"Thankyou jhay .

"Ano bang iniisip mo?

"Ahh wala yun .

"Ate! Kuya!
-Sabay kaming napatingin ni jhay sa dalawang bata na lalaki at babae .
"Ahh baket?

"Can we play? - Tanong ng batang babae .
-Ang cute nya . Siguro 6years palang sila!
"Ha?
-Tumingin si jhay sakin na parang nagtatanong sya kung ano ang isasagot .
"Oo naman . Ano ba ang gusto nyong laruin naten?
-Masaya kong sagot sa kanila . Parang ang saya rin kasing maglaro kasama itong mga batang to .
"Teka ano pala ang pangalan nyo? - Tanong ko sa dalawang batang nasa harap namin.
"Ako po si jerald at sya po ang bestfriend ko si raine . - Sagot ng batang lalaki na ang pangalan pala ay jerald . Lalo kong naalala si james sa dalawang batang ito .
"Ahm. Ako si ate gwen at sya naman si kuya jhay .
-Tinuro ko si jhay na nasa tabi ko agad namang ngumiti si jhay sa kanila .
"Boyfriend nyo po sya ate gwen? - Raine .
-Nagulat ako sa sinabi ni raine kaya agad ko syang sinagot.
"No! His my friend .

"Yeah . Magkaybigan kame .
-Di ko alam kung baket pero natawa yung si jerald at raine samin . Baket?
"Ahh . Osige po laro na tayo ng habulan . At ....... - Jerald

"At? - Tanong ko kay jerald

"Si kuya jhay ang taya! Hahahaha - Jerald
-Bigla na silang tumakbo ni raine . Tumingin ako kay jhay na natatawatawa at sya naman nakakunot ang noo . Nagtataka siguro sya kung baket sya ang naging taya .
"Baket ako?
-Lalo akong natawa sa kanya .
"I don't know! Hahahaha basta ikaw na ang taya .
-Bigla na akong tumakbo habang tawa ng tawa at iniwan sya doon na nakasimangot . Nakita ko sila jerald na naghihintay dun sa tabi ng puno . Lumapit ako sa kanila at sabay naming hinintay si jhay na habulin kame . Maya maya lang nakita ko syang palapit na samin kaya naman nataranta kaming tatlo at nag kanya kanya na. Tawa ako ng tawa habang tinitingnan si jhay na ngayon ay hinahabol si jerald , nakakatawa kasi hindi nya to mahabol dahil sa sobrang bilis tumakbo . Nakita ako ni jhay na nakaupo sa damuhan , ngumiti naman sya ng nakakaloko at ako naman napabalikwas ng tayo dahil ako na ngayon ang pupuntiryahin nya . Tawa ako ng tawa habang tumakbo at sya naman hinahabol na ako . Namiss ko tong laro na to! Ang tagal na panahon na pala simula ng huli akong maglaro ng mga ganito . Simula kasi ng umalis si james at lumipat kami ng bahay wala na akong naging kaybigan , lagi lang akong nasa bahay at dun naglalaro mag isa ng barbie doll . Hanggang sa naging 1st year highschool ako dun ko nakilala si kyla . At nung tumagal tagal pa nakilala ko si paul na ngayon ay boy bestfriend ko na . Masaya ako na kilala ko sila kasi sa haba ng panahon nagkaroon ulit ako ng kaybigan at alam ko na kahit kelan hindi ako iiwan ni paul at kyla hindi tulad ng pag iwan sakin ni james .
"Taya!
-Nagulat ako kay jhay na hinawakan ako sa balikat , sa sobrang pag iisip ko hindi ko alam tumigil na pala ako sa pag takbo kaya nataya na ako .
"Kanina ka pa nakatigil dyan anong problema?
-Umupo si jhay na ngayon ay hingal na hingal . Umupo ako tabi nga at huminga ng malalim .
"Uyy anong problema?

"Wala naalala ko lang yung kaybigan ko na kalaro ko dati ng mga ganito .

"Nasan na sya ngayon?

"Hindi ko alam . Umalis sya e! Sabi nya babalik sya pero hindi naman .
-Yumuko ako para hindi makita ni jhay kung gaano kalungkot ako ngayon .
"Galit ako sa kanya kasi di nya tinupad yung promise nya na hindi nya ako iiwan .
- Di ko na napigil yung sarili ko , naiiyak nako . Hindi ko alam kung baket ganito ako kaemosyonal ngayon samantalang matagal na panahon na yun , at marami na akong kaybigan ngayon .
"Umiiyak ka na naman .
-Kinuha ko yung panyo na binigay ni jhay at pinunas yun sa muka ko .
"Baket nalulungkot ka pa e . Nandyan naman si kyla , si paul at si jane . Sila yung malalapit sayo .
-Baket nga ba?
"Nandito din naman ako . Hindi kita iiwan , no matter what! Hindi ka namin iiwan nila kyla .
-Napangiti ako sa sinabi ni jhay . Oo alam ko hindi nila ako iiwan! Dalawang linggo palang ang nakakalipas simula nang maging close kami ni jhay . Sa sandaling yun nakilala ko sya ng buo . Hindi ko alam kung bestfriend ba ang turing nya sakin kasi ako yun na ang turing ko sa kanya . Alam ko na kahit kelan hindi mawawala si jhay sa tabi ko .

"When He Fall Inlove"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon