Chapter 19

25 1 0
                                    


"Bakit naman nagbigay ka pa sakin?
-Tanong ko kay jhay . Nandito kami sa labas ng bahay nila drake . Maingay kasi sa loob kaya niyaya ako ni jhay na lumabas!
"Wala lang .

"Pwede ko nabang buksan?
-Nakangiti kong tanong sa kanya . Isa itong maliit na box na color red . Ano kayang laman?
"Go!
-Sinimulan kong alisin yung ribbon saka binuksan yung box . Napangiti ako ng makita kung ano ang nasa loob! Isang necklace na may pendant na angel .
"Nagustuhan mo ba?

"Yeah . Ang cute nito promise :)

"Akin na isusuot ko sayo .

Ace :

Hinanap ko si gwen at nakita ko sya dun sa labas kaso nasa tabi nya si jhay at mukhang may may inaayos sa likod nya . Mukang kinakabit nya ang isang kwintas!
Para saan yun? Bakit ganto ang nararamdaman ko? Hindi ko sya gusto diba? Kasi kaybigan ko sya .

"Ace?
-Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si jane .
"Pwede ba tayong mag usap?
-Napakunot ang noo ko . Ano naman kayang pag uusapan namin?
"About what?
-Walang gana kong tanong sa kanya habang nakatingin padin sa dalawa na ngayon ay nagtatawanan.
"Tungkol satin!
-Napatingin agad ako kay jane dahil sa sinabi nya .
"Satin? Bakit? Ano bang meron satin?
-May halong pagkairita ang tanong ko sa kanya . Alam ko may iniisip tungkol saming dalawa ang mga kaybigan ko kasi masyado kaming dikit! Lagi kaming magkasama . Oo gusto ko sya , pero di ko sya nililigawan or what! Gusto ko sya ang bait nya , maganda! Laging akong pinapatawa . Pero hindi eh! Akala ko mahal ko na sya pero hindi pala .
"Alam ko naman gusto natin ang isa't isa diba?
-What? Isa't isa? So gusto nya ko? Kelan pa? Nahulog agad sya sakin sa sandaling yun?
"Gusto moko?

"Diba halata? Oo gusto kita! No! Hindi gusto mahal na kita. Mahal mo nadin naman ako diba? So bakit pa tayo nagpapaligoy ligoy?
-Nanlaki ang mata ko . Iba yung jane na nakikita ko ngayon . Mahal nya na agad ako? Bakit? Mahal nya na ako kasi lagi kaming magkasama? At ano daw? Kung mahal ko din sya . HINDI! Saka anong paligoy ligoy!
"Ace alam ko naman na dadating yung araw na liligawan mo ko! So hindi mo na kaylangang manligaw kasi sinasagot na kita .
-Ano bang sinasabi nya? Hindi ko naman sya mahal eh! At never ko syang mamahalin . Muka syang tanga ngayon! Porket ba gusto kaylangan ligawan agad? Saka yun ba ang dating sa kanya ng mga pagdikit dikit ko sa kanya at sa paglabas labas namin? Wala lang yun . That was a friendly date!
"Jane ano bang sinasabi mong mahal mahal na yan?

"Hah? Diba mahal moko?
Liligawan mo ako diba?

"NO! San mo nalaman yan?

-
"Yun ang nararamdaman ko sa mga pinapakita mo .
-Hindi ko alam na may meaning pala sa kanya yun . Oo naging gusto ko sya pero mga ilang linggo lang. Pero ngayon? Wala! Saka gusto ko ang una kong magiging girlfriend ay sya nading makakasama ko habang buhay! At hindi si jane yun .
"Sorry jane . Pero hindi kita mahal! Wala din akong planong ligawan ka. Sorry kung may meaning sayo yun at umasa ka pa . Pero wala eh!
-May nakita akong pumatak na luha galing sa mga mata nya . Oh hindi ko sya gustong saktan! Sorry jane .

Gwen :

Kanina ko pa pinagmamasdan yung regalo ni ace sakin . Ano kayang laman nito?
Kanina pa ako nakauwi! Bago ako umuwi kanina nakausap ko si ace sabi nya bukas nalang daw namin ituloy yung labas namin kasi gabi na .
Excited na tuloy ako bukas eh!
May feeling ako na may mangyayaring maganda at alam ko pag nangyari yun ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo!
Sana totoo natong feeling ko nato! After 2years ba? Liligawan nya nako! Sana hindi ko nagkakamali! Sana ligawan nya nako . Kasi yun yung feeling ko ngayon eh!
Hindi mawala ang mga ngiti ko habang binubuksan ang regalo ni ace . Nang buksan ko ito may maliit na box sa loob at nang buksan to ito!
Bumilis agad ang tibok ng puso ko , isa itong ring na may infinity sign . Whoo singsing talaga? Ang ganda!
Napatalon ako sa tawa kaya lang unang talon ko palang nanghina ako bigla at nagdilim ang paningin ko . Eto nanaman!
Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sakin .

-Kanina pa ako naghihintay kay dito sa labas ng mall . Sabi nya before 1:00 eh 1:10 na wala padin sya . Di naman sya sumasagot sa mga tawag ko . Ayy siguro natraffic lang yun sya!
Naghintay ako ng ilang minuto pero wala padin sya! Muka lang yata akong tanga na naghihintay sa wala . Sya naman yung nagsabi na lumabas kami pero bakit wala sya?

"Excuse me?
-Agad akong tumingin sa likod ko ng may marinig akong nagsalita! Nanlaki yung mata ko sa nakita ko . Sya yung lalaki nung isang bes na iniisip kung san ko sya nakita .
"Ahh . Yes
-Di ko talaga maalala kung san ko sya nakita eh!
"Sayo bato?
-Napatingin ako sa hawak nya . Yung panyo ko! Sa sobrang paghihintay ko kay ace hindi ko namalayan nahulog na pala.
"Yeah . Thankyou
-Kinuha ko yun saka tumalikod na .

Pov :

Yung unang beses nakita ko sya , gustong gusto ko syang yakapin . Sigurado naman ako na sya yun! Sya yung bestfriend ko . Nung nakita ko palang yung mga mata nya na laging nakangiti alam ko na agad na sya yun . Alam ko galit sya sakin kasi hindi ko natupad ang pangako ko!
Ngayon nagkita na naman kami gusto kong magpakilala na ako ang bestfriend nya noon . Ako si james! Pero mukang di nya yata ako nakikilala! Sa tagal ng panahon malamang kinalimutan nya nako . Miss na miss ko na sya! Miss na miss ko na ang babaeng una kong naging gusto! Bata palang kami nun pero sobrang saya ko pag kasama ko sya .
"James let's go!
-Ngumiti ako kay mommy saka sya sinabayan sa paglalakad!

Gwen :

Ang weird naman nung lalaking yun kung makatingin sakin akala mo sinusuri ako!
Anyway hanggang ngayon wala padin si ace! Dadating pa kaya sya?

Kringggggg
-Ace-

Agad ko namang sinagot ang tawag nya .
"Hello ace?
"Gwen? Sorry hindi ako makakapunta ngayon may kaylangan akong gawin eh!
-Nanlumo naman ako ng sinabi nya yun . Di pala tuloy dapat sinabi nya agad! Hindi yung nagmuka akong tanga ngayon.Umasa pa ako!
Maglalakad na sana ako kaso kay humawak sa braso ko kaya agad akong napalingon.

"Jhay?

"When He Fall Inlove"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon