Chapter 4

22 2 0
                                    


"Kundi mag aalaa ako sayo! - Ace

Baket? Ace naman eh! Baket ka ganyan . Nung sinabi sakin ni ace yun kanina habang nasa taxi kami , halos di ako makagalaw! Dahil sa sinasabi at ginagawa nya hindi ko mapigilang hindi umasa . Natural lang yun kasi crush ko sya .

Bzzzt
-Sungit-
"Sorry kanina kasi bigla nalang akong umalis .

-Oo nga pala . Nawala na sa isip ko si jhay at yung tungkol sa report namin .

Replay:
"Baket kaba kasi biglang umalis?
-Siguro naman may dahilan sya kung baket bigla nalang syang umalis kanina .

-Sungit-
"Nandun na kasi si ace para maghatid sayo . Saka pinuntahan ko pa si ma'am para itanong yung tungkol sa report natin .
-Akala ko naman kung ano nang problema nya .
Sa pinapakita ni jhay ngayon feeling ko magiging close kami .
--
---
----
-----
------

Dalawang linggo ang dumaan at sobrang naging busy kami sa school . Pero na 2weeks na yun na kaya naman namin ng mga kaybigan ko . Kahit na 2weeks lang ang nagdaan marami ang nagbago at nangyari . Una si kyla , nalaman namin na may nagugustuhan sya . Pero di nya sinasabi kahit na sakin . Kay paul naman , ayun pinipilit ko sya kay jane pero sabi nya di nya na daw gusto. Kay drake naman nabusted kay bea kaya ayun. Heartbroken! Si jane naman , minsan nalang sya dumikit samin ni kyla . Dati kasi halos di kami mapaghiwalay na tatlo e . Kay phia wala naman nagbago sa kanya , ganun padin. Si jhay ayun! Tulad ng sinasabi ko madalas na kaming magkasama , magkatabi sa room at sya na minsan ang naghahatid sakin sa bahay . Oo mabait sya! Sobrang bait nya parang nakikita ko sa kanya si paul . Laging tinatanong kung ok ba ako . Lagi pa syang nanlilibre! Tungkol naman kay ace. Ayyy minsan tumatabi sya sakin sa room , kinakausap ako . Di na sya tulad ng dati na parang hangin lang ako sa kanya . Pero minsan naman hindi sya namamansin
Ako naman?! Sa 2weeks na nagdaan nagfocus ako sa nakikita ko na pagbabago ng pakikitungo sakin ni ace! Sobrang umaasa ako na magkakagusto na sya sakin . Kasi ngayon mas lalo kaming nagkakalapit saka madalas samin ang atensyon ng barkada . At ang nakakatuwa pa sa tuwing inaasar kami ng mga kaybigan namin natatawa si ace . Hindi tulad ng dati na tahimik lang sya .

"Lalim girl ha!
-Bumalik ako sa wisyo ko nang batukan ako ni kyla na nasa tabi ko . Nandito kami lahat sa tapat ng room namin , absent yung adviser namin kaya free kami . Di ko na alam kung saan na napunta ang usapan sa sobrang lalim ng iniisip ko .
"Teka nasan pala si ace? - Phia
-Kanina ko padin sya hinahanap pero hindi ko alam kung nasan . Sila lang kasi ni jhay kulang ngayon dito! Si jhay kasi nasa guidance may inaayos kasi sya e . Di ko alam kung ano!
"Gwen napapansin ko napapalapit kayo ni ace ha . - Drake
-Nagsimula na silang tuksuhin ako dahil sa sinabi ni drake! Ako naman feeling ko namumula ako . Habang nagtatawan sila , nahagip ng mata ko si ace na! ....
Na may kasamang babae at magkahawak sila ng kamay . Sino sya? At parang ang saya sila . Napansin nila tumahimik ako kaya tumingin sila kung saan nakatuon ang atensyon ko . Naglalakad sila ace papalapit samin habang nagtatawanan parin sila ng kasama nyang babae! Kahit kay ace nakatuon ang atensyon ko napansin ko na lumipat ng tingin sakin ang mga kaybigan ko . Dahil sa nakikita ko , naramdaman ko na anytime babagsak ang luha ko kaya bago pa makita ng mga kaybigan ko yun tumayo nako at tumakbo palayo!
Akala ko ayun na e! Akala ko may chance dahil sa mga pinapakita nya . Tanga lang pala ako na umaasa sa wala!

Kyla :

Tatayo na sana ako at balak na sundan ang kaybigan ko , kung di lang ako pinigilan ni drake na nakaupo sa tabi ko.
"Kyla hayaan mo muna! - Drake
-Mahinahon na sabi nya sakin . Hayaan? Nasasaktan yung kaybigan ko hayaan ko lang? Alam ko na kasi na kaya biglang tumakbo yun kasi ayaw nyang ipakita na iiyak sya.
"Drake nasasaktan yung kaybigan ko e .
-Hindi na ako sinagot ni drake ng makaupo si ace kasama yung kung sino man tong babaeng kasama nya! Anong balak nya? Ipakita pa talaga kay gwen yang babae na yan? Paasa sya! Alam ko na asang asa na si gwen dahil sa pinapakita ni ace sa kanya nitong mga nagdaang araw! Pinapaasa nya lang yata yung kaybigan ko e . Nakatingin lang ako kay ace habang nakikipag usap sa kasama nya at wala yata syang balak na ipakilala samin yung kasama nya . Pero di din naman ako interesado! Nang dumating sila ace tumahimik bigla sa pwesto namin at malamang hindi napapansin ni ace yun kasi busy sya! Mula kay ace napatingin naman ako sa pwesto ni jane. At parang wala lang sa kanya na umalis na gwen . Siguro naman napansin nya na nasasaktan yung kaybigan nya . Anong problema nya? Di man lang sya nag alala?
"Oh! Nasan si gwen? -
-Napatingin ako kay jhay na bagong dating . Wala ni isa samin ang sumagot sa tanong nya . Nilibot nya ang tingin nya saming lahat at nung napunta kay ace saka dun sa babae yung atensyon nya , kahit wala samin ang sumagot parang nagets nya na kasi bigla syang tumakbo.

Gwen :

Hindi ko alam kung baket dito ko napiling pumunta . Sa ground! Kasi ito yung part sa school na konti lang ang estudyante . Umupo ako sa damuhan at dun tuluyang bumagsak ang luha ko . Nakayuko lang ako habang umiiyak! Baket ganun? Asang asa nako e . Pero baket biglang ganun na? At balak nya pa sigurong ipakita sakin yung kasama nya ha . Akala ko yun na e! Tapos may girlfriend pala?! Paasa ganun?

"Masyado kang maganda para umiyak!
-Napatigil ako sa pag iyak at inangat ko yung ulo ko . Sabi ko na nga ba eh!
Umupo sya sa harap ko at gamit yung panyo na hawak nya pinunasan nya yung luha ko na unti unti pading bumabagsak . Nahihiya ako sa kanya kaya yumuko ako!
"Sus! Sakin kapa nahiya .
-Mula sa pag iyak napangiti ako sa sinabi nya saka ako tumingin sa kanya . Sinimulan nyang ayusin yung buhok ko na nakakalat sa muka ko .
"May taling ka pala sa gilid ng mata mo no?
- Hindi ko nalang pinansin si jhay . Kasi di ko kayang magsalita kasi pahikbi hikbi pako .
"Wag mo naman ako titigan ng ganyan!
-Ngumiti nalang ako sa kanya habang sya pinupunasan yung muka ko .
Habang nakaupo kami nagsimula syang magkwento ng kung ano ano! Hindi ko naiintindihan yung mga sinasabi nya kasi iniisip ko padin si ace! Oo nasasaktan nako pero sya padin iniisip ko . Sino yung babae? Girlfriend nya? Baket sya ganun?
"Sana di nalang ako nagkwento . Di kadin naman makikinig!
-Tumingin ako kay jhay . Gwapo talaga sya lalo na pag nasa malapit . Ang ganda ng mata , ng ilong at ang ganda ng labi . Perfect!
"Jhay? Gusto ko maging masaya! Kahit ngayon lang muna.
-Nang marinig nya yung sinabi ko . Bigla syang tumayo , at inabot yung kamay nya sakin . Inabot ko naman yun , at nung alam nya na nakatayo nako . Bigla nya akong hinila

"When He Fall Inlove"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon